ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

Archive for March, 2007

Isa lang ang class ko kanina so medyo late na ako gumising.

Nagmamadali na’ko magbihis kaya dinampot ko na lang ang trademark at favorite kong red shirt at dali-daling sinuot ito tapos ay kumaripas ng takbo palabas ng bahay para hindi ma-late.

Pagdating ko sa Republika ng Diliman, sarado ang kalye sa tapat ng AS. Pagbaba ko sa dulo ng Palma Hall, andaming naka-pula. Ang daming tao, tapos parang may goings-on sa may AS Steps. Investigate naman ang dakilang journalist, and according to thorough research and experiments, I concluded that…

Meeting de Avance na!

Shet. And I was wearing Red. Mas mukha pa’kong STAND-UP sa standard bearer nilang si Shan Abdulwahid.

Ayun, ok naman yung miting de avance. Medyo onti nga lang ang nanood, at nung pumunta pa’ko sa crowd, nahatak pa’ko ni Mae (classmate ko na STAND-UP pero take note, naka-blue sya today, hehe) sa crowd ng STAND-UP. Langya, nagmukha tuloy akong tibak ng ‘di oras, at syempre hindi na’ko nakatanggi. Boboto ko rin naman standard bearers nila, hehe.

Panalo ‘tong eksena na’to, nung pinapanood namin ni Karen ang miting de avance mula sa 2nd floor ng AS:

*nagsasalita vice-chairperson ng KAISA party in a very slightly-annoying high-pitched tone, pero ang sinasabi nya eh pang-tibak
JM: *imitates the high-pitched tone of the vice-chair* Grabe, para siyang taga-BA!
Karen: ano ka ba! Taga-BA nga yan!!!

Nyahahaha… so sad how one can easily stereotype someone from that College. Kasi naman eh, maraming mga elitista’t conio sa college na yun. Isa nga lang ang kilala ko dun eh, tapos shiftee pa sya from CAL. Hehe… The Ateneo in UP nga ang tawag namin dun.

Anyway botohan na bukas, at wala pa’kong iboboto sa USC. Iboboto ko sa Shan at Isa para sa Chair at Vice-Chair ng USC (from STAND-UP pareho), pero parang hindi na’ko makakaboto sa councilors, ala kasi akong kilala talaga. As in.

Anyway ulit, na-reconcile ko na kung sino ang iboboto kong CMC chair. Secret na lang, baka may magalit eh. Hehe…

Vote Wisely, people! (Ang VOTE STRAIGHT ay gawain lamang ng mga taong hindi lubusang pinag-isipan ang kanilang boto. Wag tularan. Bow.)

Comments No Comments »

Pula o dilaw?

Pero sabi sa kanta ni Bamboo, “Hindi PULA’T DILAW tunay na magkalaban. Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan. Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan. At ang hustisya ay para lang sa mayaman” daw. Great. Medyo gusto ko pa naman sana ang color na red. Hehe… =P

Ayun, election na kasi. At ‘di lang national at local, may micro-local at nano-local elections din na magaganap. Panahon na rin kasi ng eleksyon sa aking mahal na pamantasan, ang UP Diliman.

Last year, hindi ako bumoto. Puro kasi sa AS ang klase ko, at kailangan sa CMC pa’ko bumoto. Tinamad ako pumunta ng CMC, kaya hindi na lang ako bumoto. P5.50 rin yun noh. Hehe… besides, ‘di ko naman talaga kilala yung mga kandidato, mag-aaksaya lang ako ng isang botong wala namang matinding pag-iisip ang ginugol upang maisakatuparan. (shet ang lalim)

Aaaanyway, dalawa ang partidong naglalaban sa CMC ngayon, ‘di katulad last year na isa lang ang choice mo at ang choice mo lang talaga eh kung boboto ka o hindi. At least ngayon tao na ang choice, hindi lang “option”.

On the RED Corner, ang taun-taon nang lumalaban at masasabing “seasoned” contender na STAND-UP o Student’s Alliance for the Advancement of Democratic Rights – UP. Kung pano naging yun ang expanded form ng acronym nila, tanong nyo na lang sa kanila. Hehe… =P

On the YELLOW Corner, ang bagong-bagong ala-Cory na partido na ISA o Interdependent Student-Centered Activism.

Maganda ang plataporma ng dalawa. Although hindi ko tahasang nabasa ang GPOA ng STAND-UP, medyo template naman ang kanilang platform na based sa University SC na palagi namang STAND-UP ang nanalo. So ‘di na kaila sa akin kung ano ang pinaglalaban nila.

May pagka-elitist diumano ang plataporma at set-up ng ISA. Hmmm, yes, may inch of truth. Pero matanong ko lang, ‘di ba’t may pagka-elitist din naman ang students ng masscomm? Kumpara mo naman sa CAL, eh medyo may pagka-pangmataas naman ang mga CMC. Hep hep hep, I’m speaking for myself here, okay? Based on observations lamang po. Pero syempre, dakilang elitista pa rin ang BA. Hehe… =P

Moving on, ang STAND-UP naman kasi medyo may reservations ako dahil na rin sa kanilang University-Wide na mga aksyon. Ang problema kasi, halos lahat na lang ng issue sinasakyan. Okay, okay, I get the point on the iskolar para sa bayan at kailangan makialam ang iskolar, pero para kasing lahat na lang pinakialaman. Masasabi na ngang extreme leftist ang mga ito dahil talagang anti-admin sila. Well, that’s trying to speak objectively, ha? When assessing an issue kasi one should look at both ends of the spectrum.

Asked on the TOFI issue, ISA is for TOFI while STAND-UP is, as expected, all-out on being against the said increase. NGUNIT, sabi ng ISA, sa tuition increase lang daw sila pabor, hindi sa other fees, at kailangan daw mas may fullproof plan on implementing it especially yung sa rebracketing ng STFAP.

Ako, ayoko ng kahit anong increase. That’s State abandonment. If there’s anything to be done, kailangan i-rebracket lang ang STFAP at ichannel ang funds sa talagang may kailangan. Di na kailangan ng TOFI-TOFI na yan!

Ang hirap naman sa STAND-UP, no to TOFI sila ng no to TOFI wala naman silang mabigay na alternate solution sa financial problem ng UP. (Or at least wala akong naririnig) Eh wala na ngang pera eh??! Magpapakasasa na lang tayo sa kawalang-perahan ng UP System? We must do something about it!

Looking at it on a broader perspective, STAND-UP aims to do service to the students by doing it on a broader, national field so that it’ll trickle down to the students. ISA, on the other hand, would like to start with the students so that they can effect national change. Ang tanong, ano ang mas effective?

Sa tingin ko, mas maganda kung sisimulan ang serbisyo sa mismong mga constituents ng mga opisyal. Kaya nga sila STUDENT council eh, ‘yun ay para paglingkuran nila ang mga estudyante. Ang kanilang mandate ay UNA sa estudyante BAGO sa sambayanang Pilipino.

So am I pro-ISA? Just like in any elections, one cannot vote straight. Let’s just say I’m still contemplating on who to vote as chair (sayang talaga never ko nakita mag-campaign ang STAND-UP with their “Hi, I’m John Mark JM Tuazon blah blah blah” trademark spiel. Sayang din kasi di ko sila ma-compare, mag-base na lang tuloy ako sa GPOA ng both parties.

Sa palagay ko, maganda ang mga plano ng ISA para sa kolehiyo. Medyo ambitious nga lang at I doubt na magagawa nilang lahat yun. Mukhang wala pang masyadong alam ang isa nilang journ rep, hehe. Ah basta, heto ang mga iboboto ko:

Chair: Wala pa. I’ve “known” Bikoy through his blog for quite a long time. Si Karol naman, CMC-er talaga, lively, upbeat at mukhang okay. Hehe… pero ‘di daw lahat ng sinabi nya last year eh natupad nya as CMC rep this year. Hmmmm… sino ang mas magiging effective? Abangan.
Vice-Chair: Martha Teodoro. Hehe… pamangkin kasi ni Sir Teodoro! Jok lang. I’ve seen Martha. Magaling siya. As in. =P
Secretary: Yung sa ISA. Forgot her name eh. Groupmate ko kasi yung sa STAND-UP, and medyo talagang na-turnoff ako sa kanya. As in.
Treasurer: Jali Fernando(?). Batchmate eh. Hehe…
Journ Rep: Carlos Maningat and Elsie Cansino. Blockmate ko yung isa eh, hehe. Si Elsie naman, halatang magaling. Yung isang journ rep ng STAND-UP, medyo ‘di ko trip. Magaling naman pero ‘di ko talaga trip. Yung isa naman ng ISA, parang walang alam, pa-cute lang. Hehe… =P
CMC Rep: Sorry Mikas, I might have to go with Ayeen Malolos on this one… Magaling siya. Naging classmate ko siya sa 101 last sem.

So yun. Ikaw, sinong boboto mo? ‘Di nako tatamarin this time dahil sa March 6, Tuesday na ang botohan. May klase ako sa CMC nun. Hehehehe… =P

Vote wisely! (not stupidly)

Comments No Comments »

The changing-weather monster has once again cast a spell on this bloody nose and made it overflow with goo. Dyan, this is all your fault!!

Suddenly everything feels misty–like I’m in a dream world or something. Eyes always watery, nose always clogged and everything. Cough cough cough and head feels heavy. Everything seems to be going round and round and round…

Ah, the semi-annual cold. My hexamonthly visitor, so to speak.

Anyhoo, don’t you think it’s rather inhumane for Big Brother not letting the Housemates eat lunch just because they can’t time it? I mean, hello? There isn’t a clock, and this definitely isn’t medieval nor ancient era, so I guess there’s no point in not letting them eat lunch just because they can’t hit the lunch-time bullseye. Human Rights Activists, you there?

Ha! Guess what. An update on that “one ring” article. Kuya and I went window-shopping and canvassing for his laptop for law school. Haha! Talk about self-mutilation and overkill! Every inch of me was practically wanting to prounce upon every laptop I saw! Haha! I know, I know, I’m killing myself. And I want to! Haha! It’s practically suicide. Or, whatever. Anyway, we found quite a good deal at 70K, but we won’t be back until mid-May so prices might’ve dropped until then.

Waaahhh!!! 3 weeks of 2nd year life left!!! After it we’re officially a junior!!! Waaahhh!!! 2 years of College life to go!!! (not counting the delayed and MRR years, of course) What have I not yet done in UP?! I must do them now before it’s too late!! =P

One more thing: Mister Kabab in Quezon Ave. cor. West Ave.? THE BOMB. Go there, you won’t regret it. Went there twice yesterday. Hehe… that’s how good it is.

Quote of the day:
by Sir Mykel Andrada, Humanidades 1 (Tao Panitikan at Lipunan)

*sees Marlon’s provocative Eng’g shirt with “So what kung uno ka? Eng’g ka ba?” written on it
Sir: Hay nako ayan na naman yang shirt na yan. Napaka-classist! Eh puro bagsakan naman ang mga nasa Eng’g. Mas maiintindihan ko pa sana kung mga taga-BA ang gumawa nyan eh, kasi ganun talaga sila dun.
Marlon: *walang imik*
Sir: Oy joke lang.
Hehe… =P

eto pa isa:
by Ma’am Shirley Evidente, Comm100 (Intro to Mass Comm)

*writes the word ‘doubledick’ on the board#
Ma’am: Sorry class ah, hindi ko na talaga kaya. Nag-text kasi yung maid ko, sabi nasa doubledick daw yung mga damit. Naloka ako, grabe!!! Doubledick daw!!! Haha… I can only accomodate one!

Haha riot. Whatta week. Not much schoolwork, but the weeks ahead are filled with tons of them, so I’VE GOT TO GET OUT OF THIS GOOEY DISEASE, PRONTO!!!

P.S.
Magkaka-digicam na’ko, yippee!!! And it’s not from my parents. See how they’re so unmaterialistic even if it’s not for so much? The costliest thing I practically own that’s from them is this freaking cellphone I’ve had for two years (and my mom had for yet again two years before she handed it down to me). Okay, okay, I’m being materialistic once again. I don’t know, there’s always this time of the year when I feel like I need to buy something new for myself. Haaayyy, the pleasure of having to earn your own money. Then again, I won’t exchange the experience of College life over anything. Yeahboy! Yun yun eh.

Comments No Comments »