ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943
Alam mo ba, ikaw ang Kuya Jess ng buhay ko? More than a friend you’re an inspirer, a motivator, a companion, a consoler. Dahil sayo nararamdaman ko ang pagmamahal niya. Dahil sa mga ka-kornihan mo nalaman kong may sense of humor si Kuya Jess. Dahil sa mga yakap mo naramdaman ko ang init ng Kanyang pagmamahal. Dahil sa mga payo mo narinig ko ang boses Niya.

Shit, ang unfair Niya. Kung sinabi Niyang ipapahiram ka lang pala sa’kin sana hindi ka na Niya binigay. Pero ganun naman maglaro si Kuya eh. Paiiyakin ka muna tapos tsaka ka babatukan at sasabihing “Hoy, para kang gago. Lahat yan parte ng plano. Wala ka bang tiwala sa’Kin?” At dun matatauhan ka. Kasi sobrang laki ng tiwala ko sa Kanya.

Sabi ni Jess kay Simon Pedro nang tinanong Siya kung bakit huhugasan ang paa niya, “What I am doing now you do not understand, but you will know after this.” Ay sorry taglish. Pero ganun. Hindi ko man naiintindihan ngayon pero balang araw, sabi mo nga, maiintindihan ko rin.

Alam mo, andami Niyang ginagawa sa buhay mo at sa buhay ko na lubos nating di maintindihan. Minsan ang hirap Niyang arukin. Ang labo. Sobra. Parang babaeng may mood swing dahil sa buwanang dalaw. Pero after naman lahat ng yun, may paliwanag. Hindi naman pala Siya ang malabo, tayo pala. Ako pala. I keep on ignoring the signs. He’s telling me 13 but I read it as x=6+14/2. Labo noh?

Pero grabe ka. Isa ka rin eh. Anlabo mo rin. Para kang si Jess. Well, ikaw nga si Jess eh. Jess ng buhay ko. Eh malabo ka nga eh. May Alien Language ka nga diba? Labu nun. Di ko ma-reach. Masyado kang mataas mag-isip. Di tayo magka-level.

Alam mo, andami kong insecurities sa’yo. Sa personality, sa achievements, sa intelligence, sa talents, lahat na. Kung totoo ang alter ego, ikaw yung akin. Ganun kalakas mang-asar si Kuya Jess. Lahat ng di ko kaya, kaya mong gawin. Lahat ng di mo kaya, well, ummm… sige, sabihin na nating kaya kong gawin. Eh kung magsalpukan kaya tayo, will we annihilate each other gaya ng antimatter sa Angels and Demons?

Alam mo ba ang pinakamasakit sa paglisan mo? Yun eh yung ginawa mo’kong bahagi ng paglalakbay mo. Yung tipong mga panahong litong-lito ka na at di mo alam ang gagawin mo, tapos sabi mo sa’kin samahan kita. Ako naman gago sumama nga. Sinamahan kita san ka man magpunta. Naging bahagi ako ng desisyon mo, kahit na wala naman akong gianwa kundi tumanghod at makinig sa mga pagddrama mo. Wala naman akong nagawa nung mga episodes mo. Wala naman akong nagawa nung bumagsak ka. Sabi mo nga ako si Simon of Cyrene, tinulungan si Jess na magbuhat ng Krus Niya against his will. Pinuwersa siyang buhatin ang Krus ni Jess, hindi naman Niya ginusto. Hindi ko naman ginusto ‘to eh. At yun ang pinakamasakit. Kasi nasasaktan ako na kung kailan natututunan kong magustuhan ang pagtulong sa’yo, tsaka ka mawawala.

Putsa. Alam mo pa ang isang pinakamasakit? Tangina. Hindi Niya binigay yung hinihiling mo. O hindi nga ba? Galit na galit ako kay Jess. Ano bang ginawa natin o hindi natin ginawa para hindi mo ma-deserve yung bagay na yun? Shit. Noong nagyakapan tayo nung Way of The Cross, hindi ko ine-expect na sa balikat ko pa ikaw tatangis. Ibang klase ka. Hayup. Pagkatapos non sukdulan ang galit ko sa Kanya. Isang bagay lang hindi pa Niya maibigay. Hirap na hirap ka na lalo ka pang pinapahirapan.

Pero ganun Siya eh. “Parte yan ng plano.” Boohoo. Parte ng plano. Totoo nga sabi nila, mahirap mahalin si Jess. Lintian. Sobrang hirap. Sobrang hirap na ultimo well-being mo nakasangkalan na. Wala daw tao na sumusunod kay Jess ang namumuhay nang matiwasay. Eh bakit ba kasi natin pinili pang sumunod sa Kanya? Kasi mahal Niya tayo? Siguro nga.

Wala akong ibang masabi sa pag-alis mo. Gusto kong umiyak pero parang hindi na naman tumutulo ang luha. Tapos na ang mga gabing sikretong humihikbi-hikbi habang iniisip ang napipinto mong pag-alis. Tapos na ang mga araw ng kalungkutan. Tapos na ang mga araw na maririnig ko ang maganda mong boses. Tapos na ang mga araw-araw na pangungumusta mo sa’kin. Hindi na tayo uli makakagala nang ganon kadalas ‘di gaya ng dati. Hindi na tayo ganun makakapag-usap.

Pero parte yan ng plano. Brigada Siyete!!! Lintiang plano yan. Ang hirap sundin.

Pero tara, sundin na nga natin. Baka mapalo pa tayo sa puwet.

Paalam, pinakatatangi kong kaibigan. Salamat sa maraming taon na tayo’y nagkasama. Alam ko pinagdadasal mo’ko, kaya ipagdadasal kita. How Ironic, but I have to be happy for your farewell. Unfair naman ako kung pati kaligayahan mo ipagkakait ko pa. Basta. Sweet Goodbye, sabi mo nga. Salamat sa pagkakaibigan. Salamat sa pagpapaiyak mo sa balikat mo (na may kasama pang sipon), at sa pag-iyak mo sa balikat ko. Wala na ang Jess ng buhay ko. O wala na nga ba? Basta. Mahirap kang palitan. Leche ka. Paalam.


83 Responses to “Whoooooooo”
  1. Anonymous says:

    look at his motto in his blog and live it. you will live a happier life, and you will also understand how parting becomes a sweet sorrow.

    live in hope…. and faith….. and love. that is how he lived and that is how he wants you to live also. di ba parang patay na siya, hehehe.

    as always……..yacku

  2. KJ hehe! says:

    can’t think of any reaction about your entry. too tired to think.ü haay kapagod ang games at work.ü sakit bumangon kapag umaga.ü hehe.

    last request ko kay lord? matagal na nya siguro binigay baka di ko lang napansin. wag kang mag-alala. natanggap ko na ang lahat. or maybe it’s not yet time. pero you know me… i can wait. ano pa’t pinili kong magseminaryo kung di rin ako marunong maghinatay.
    i’ll see you soon friend.ü

  3. Przyspiesz komputer chomikuj says:

    Can I simply say what a aid to search out someone who truly is aware of what theyre talking about on the internet. You undoubtedly know the way to bring an issue to light and make it important. More people have to learn this and understand this aspect of the story. I cant believe youre no more popular since you positively have the gift.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>