ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943
Gaaaaad it’s so ineeeet these days! And I’m not gonna stop reiterating because it really is! Gaaad it’s like the whole country’s in one screwed-up fever, kaya “Mommy, I feel hot! You are hot!” ang drama! Kool Fever plsssss! Haha… gagana kaya yun even if you don’t have fever? Ang mga may bangs, resorting to headband! At twice na ang pag-te-taking a bath dahil sa kadiring malagkit na sweat all over the body!

Kami na ulit. Reunion kami ni Ate Tin kahapon. After a long long long long while, kami na ulit. Hay grabe na-miss ko si ate. I went to Makati Science High School with her kahapon, mag-re-rector kasi siya ng isang batch ng DWTL doon, kaya in-orient namin yung mga participants. Sobrang excited ako sa Days ni Ate Tin, kasi talagang alam kong makaka-OA ako ng trabaho dito. Dun kasi sa “legit” na days (meaning yung BuskoDays talaga), mahirap pumorma, at least dito makaka-OA talaga ako, ka-close ko rector eh! Hehe… walang martilyong mamumukpok, diba Ron? =P

Kanina we and Carlo went to Divisoria para magpa-print ng shirts. It was my first time there and boy, iba in-expect ko. Siguro dahil hindi lang in-season pero akala ko sobrang dami talaga ng tao don hindi ka na makakalakad. Hindi pala. Hehe… may room pa rin naman pala for walking. Pero grabe all the presyo there are like bagsakan! To the max! I promised myself and told mom dun na lang ako mag-shopping ng clothes. Wa nang paki kung panget ang quality or what, kaysa naman pa-inot-inot ang bili ko sa malls diba?

Hectic Summer? I want to keep myself busy this summer. And when I mean busy, UBER busy. Kaya nga o-o-A-an ko sa Days ni Ate Tin eh, talagang effort na ‘to. Ayoko ng idle time, as much as possible. Kung kaya nga lang kumuha ng summer job, why not! Eh kaso may pasok na’ko sa April17 eh so that only leaves me with more or less two weeks of free time. I’m still not sure kung saan ako i-a-assign for my NSTP pero sana somewhere near lang, like Makati or QC, sana wag dun sa places I haven’t even gone to before.

Another reason kaya gusto kong maging busy eh para tumuloy-tuloy na ang pagpayat ko. Haha, selfish eh noh?! Inde, kapag kasi may ginagawa ako nakakalimutan ko nang kumain, it’s both good and bad pero since lent naman, papasa na ang one meal a day, diba? Isa pang rason ay dahil gusto kong umiwas sa “temptation” hangga’t sa makakaya. Madalas kasi aatake ang demonyo kapag idle ka. “An idle mind is the devil’s workshop”, sabi nga ni Don Bosco. Kaya as much as possible gusto kong maging occupied.

Kill me now… sort of. Tae talaga. Paano ko ba masasabi sa dad ko na tumigil na siyang manigarilyo? Hindi naman pwedeng I’ll just come up to him and say “Tumigil ka na!” dahil alam kong hindi naman ganun kadali yun. I wanted to make a point, yun talagang kahit hindi ko sinasabi na tumigil na siya eh titigil talaga siya. Kagabi, habang naninigarilyo na naman siya sa baba (hindi ko alam kung nasaan din ang utak nitong ama ko eh, “hot air goes up, cold air goes down” diba? So para man lang courtesy sa mga natutulog lalo na sa’kin na sobrang apektado sa paninigarilyo niya, sana sa rooftop na lang or sa labas siya naninigarilyo diba?), nakaisip ako ng paraan.

Naaalala ko kasi na mayroon akong Acute Bronchial Asthma. Acute kasi hindi siya madalas umatake, at noong bata pa ako huling inatake. Ang wish ko sana, sana umatake yung Bronchial Asthma ko na ‘yun. Pero hindi lang tipikal na atake. Yung tipong atake as in ATAKE talaga na tipong isusugod nila ako sa ospital at Emergency Room ang drama! Haha! Tapos sana madala ako as ICU tapos magiging Sever Acute Bronchial Asthma na sya. Haha… okay lang din ma-coma pero malayo ata? Haha… pero in spite all these, gusto ko pa rin ma-save siyempre. Hehe… ayoko pa mamatay noh! Yun lang ang naiisip kong paraan para mapaisip ko ang tatay ko na tumigil na sa paninigarilyo. Para rin naman sa kanya yun. Pero primarily, para sa’kin, kasi sawang-sawa na’ko sa usok ng sigarilyo.

Babu na ang da who! Yun na lang muna. Ang boring ng buhay ngayong summer. Gaaaadd I wish classes would start already. Hope your summer is not as bad as mine. Gusto ko mag-swimming, pero not sa Laguna puhleeaaassseee, the pools there are hot springs sa init! Haha… sana makapag-hotel ako, para masaya. Hehe…


One Response to “Buksan ang summer, at isarang muli”
  1. Ron says:

    JM, panu ka nga naman pupukpukin if there is no HAMMER around? Bibili nlang kita, gamitin nyo sa Days nyo.ü Kelan nga kaya tau makakapunta sa beach? hay buhay…ü aba… nanaginip akong binibigyan ako ng tribute. haha papasend-off party na ba ako!? bwahhahahaha….ü

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>