ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943
Klik.

Ngiti. Galaw. Hawak. Taas. Upo. Tayo. Kampay. Kaway. Talikod. Tingin. Simangot. Galak.

Isang segundong sandali na habambuhay tatagal. Isang nakaw na sandaling habambuhay uukit. Sa apat na sulok at apat na gilid. Kuhang-kuha ang tamis, ang ligaya nitong sandali.

Isang segundong sandali na kailanma’y ‘di mawawaglit. Isasalin at ipapasa sa mga batang paslit. Kahit uugod-ugod ang sandali’y buhay pa rin. Alaalang nakakamit, minimithing abot-tingin.

Isang segundong sandali sa alaala’y gigitgit. Isang segundong sandaling pamalit sa kapalit. Isang segundong sandaling hahawakan pagka’t ‘di kayang ilihim. Sa puso at isip, ‘di kayang isingit, kaya’t sa isang segundong sandali ito muna’y ipipilit.

Gaano man kalagkit ang tingin sa sandali, kuha man nito ang tamis, ang tawanang walang tigil, ito nama’y nagkakahon, nagnanakaw ng ngiti, naghihimpil, naglilimita, ang isang segundong sandali.

Pagkat sa ating isang segundong sandali, hindi kuha ang anumang nasa likod ng mga ngiti, hindi abot-tanaw ang larawang nakapinta sa dalampasigan, ang alapaap at himpapawid na nakapinta ang mga ulap, ang araw na sa dapit-hapo’y muling magpapaalam, ang mga taong sa gabi’y uuwi at titila, ang mga ito kailanma’y ‘di natin kapiling, pagka’t ang isang segundong sandali ay isang nakaw na sandali.

Isang nakaw na sandali na pilit igigitgit–sa apat na sulok at apat na gilid.

Klik.


4 Responses to “Isang segundong sandali”
  1. Lorenz says:

    sensya na… as much as i try, i can’t read this post- este decipher. -_-

    feh~ i’ll never be a true filipino. XD

  2. ebooki says:

    Along with every little thing which appears to be building within this particular subject material, all your viewpoints happen to be somewhat refreshing. Even so, I beg your pardon, but I do not subscribe to your whole idea, all be it refreshing none the less. It seems to us that your remarks are not entirely validated and in actuality you are generally yourself not wholly confident of your point. In any case I did take pleasure in examining it.

  3. html5 up and running mark pilgrim says:

    We are a group of volunteers and starting a new scheme in our community. Your site provided us with valuable information to work on.You have done an impressive job!

  4. blue pepsi says:

    In the past Pepsi has been known for manufacturing and selling oddly flavored versions of their well-known Pepsi soda. They’ve made their soda clear, white, clear, red, and now they’re going blue with Pepsi blue.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>