ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943
Hindi ko naman alam.

Nag-email ka pala kahapon. Ah, oo! Naaalala ko na. Nabasa ko nga yung email na ‘yun. Ikaw pala sender nun? Hindi ko kasi nabuksan eh. Virus ata? Ewan. Wala atang naka-install na program sa PC ko. Sana nagpadala ka na rin ng installer. Hindi ko tuloy na-open.

Ano ba ‘yan. Bakit ayaw mo pa rin i-send yung installer? Ano? Padadalhan mo lang ako nang padadalhan ng “virus”? Ayus ka rin ano?! Pasalamat ka 1Gig na ang Yahoo ngayon! Eh ba’t ba kasi ayaw mo pa ipadala yung installer? Kung pinapadala mo na sana na-o-open ko na diba?

Ayan. Yung ka-friendster ko pa tuloy ang nag-send ng installer! Open na. Aba, virus nga! Shet! Mag-a-antivirus ba’ko? Ummm… ‘di ko ‘lam! Haha… bahala na. Sige padala ka lang ng virus. Di ko na maintindihan gagawin ko sa PC ko eh.

Naaalala mo nung nagkasabay tayo sa isang chatroom no’n? Haha, tuso ka ah! May pa-invi-invi ka pa nalalaman. Huli ka tuloy, napa-online ka nang ‘di oras. Hehehe… pero, ‘di ko nasabi sayo no’n, ang ganda ng avatar mo! Sobra.

Minsan nagkasabay ulit tayo sa chatroom. Nakita kong nag-enter ka, matagal na kasi ako dun. Pini-M kita, sabi ko “hi”. Sabi mo “hello”. Sabay logout. Bastusan?

Tapos nitong huli, sabay tayo naglogin. Inaantay kong i-message mo ‘ko. Walang dumating. Naghihintayan lang ba tayo ng PM? O sadyang pakiwari mong invisible ako? Hindi naman ako invi. Wala lang akong status. Pero, di mo pa rin ako minessage. Feeling ko tuloy, kahit hindi, invisible ako. Nag-logout ka. Ni “Hi” wala.

Sana, sa pagsubok mong i-disconnect ang sarili mo sa buhay ko, may magandang dahilan sa likod nito. Wala man akong ginawa sa virus na pinadala mo, alalahanin mo, nasa iisang network lang tayo. Iisang LAN, iisang Network Neighborhood. Magka-friendster rin naman tayo. Sana kahit dahil dun man lang, i-message mo’ko.

Kahit wala akong gawin sa virus mo.


2 Responses to “A Jargon Story”
  1. mannequin heads says:

    Definitely believe that which you stated. Your favorite justification seemed to be on the net the simplest thing to be aware of. I say to you, I certainly get annoyed while people consider worries that they plainly do not know about. You managed to hit the nail upon the top as well as defined out the whole thing without having side effect , people could take a signal. Will probably be back to get more. Thanks

  2. paris turf says:

    Good tip. I did it and it worked. Thanks.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>