ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943
Kahapon ng tanghali, pinuntahan ko si Belette sa USTe para sunduin siya, pano kasi may sakit siya pero kailangan niyang pumasok para sa isang exam, eh kamusta naman kung uuwi siya mag-isa diba?! Baka kung ano pa mangyari do’n, kaya nag-prisinta na’kong sunduin siya at ihatid sa bahay kasi hanggang 1130 lang naman ang klase ko kahapon. Ang sabi ba naman ng Belette sa text, ang sweet ko daw. Gusto ko sanang mag-reply: “Taena Belette, ikaw na nga lang ang meron ako papabayaan pa ba kita?” Pero taena, masyado nang sweet ang pagsundo sa USTe, ayoko na dagdagan pa, baka kung sa’n pa mauwi yan (haha fat chance… =p).

Anyways, kahit sobrang corny o masyadong sweet, totoo naman. Masyado nga akong corny ngayong mga nakaraang araw, pero sa tingin ko kasi kapag sobrang dami mong emosyon na nadarama, hindi na uso ang corny, lahat na papatusin mo, kahit pa kanta ng BackStreet Boys yan. Anyways, totoo, siya na lang naman talaga ang meron ako. Yung isa kong napakatalik na kaibigan, “iniwan” ako, pero okay lang (nga ba) sa’kin (?). Yung isa naman, hindi ko malaman kung galit ba sa’kin o ano. Basta matagal na kaming hindi nagkikita at nag-uusap. Akala ko medyo okay pa kami, pero I can sense some kind of hostility kaya feeling ko may friction talaga kaming dalawa. Ewan ko, sana malaman ko ang nararamdaman niya, gaano man ako masasaktan o maiinis sa sasabihin niya, para naman alam ko rin ang mararamdaman ko. Yung huli, well, hindi naman talaga kami yung type na sobrang close friends, pero important siya sa’kin kasi madalas nakakapaghinga rin ako ng problema sa kanya. Madalas siya na nga lang ang kakuwentuhan ko eh, kaso hindi kami mapalalim ng kuwento lagi, madalas medyo superficial ang topics. Pero appreciated ko pa rin siya kasi he takes time to listen to me, kahit sobrang nonsense pa ang topic.

Ewan ko ba. Bakit ganun? Ang extremes ng mga tao. Kapag malungkot ka, nandyan sila para mag-sympathize. Yung tipong mag-su-suicide ka na tsaka lang sila susulpot. Minsan nga naisip ko na puro self-pity type na lang ang i-blog ko, at least doon may magrereact pa sa lagay ko at magpapayo kahit papaano. Pero hindi naman pwede yun eh, kasi hindi naman all the time I feel self-pity. Kapag masaya ka naman, bigla silang mawawala. Kapag okay na ang buhay mo, boring ka na. Wala ka nang thrill. Kung sa bagay, ang libro nga naman mas masarap basahin sa climax. Pero meron iba diyan kulang na lang magmakaawa ka na ng affection hindi ka pa rin papansinin, kahit na yun pa yung mga taong pinakamalapit sayo, kasi minsan nandun lang sila for the good times. Hindi mo na sila mahanap kapag problema na ang pag-uusapan. Hay taenang buhay ‘to o…

Nasabi ko na hinayaan ko nang tadhana ang mag-control sa kung anumang patutunguhan ng kasalukuyan kong lagay. Akala ko liliparin ako ng tadhana patungo sa mga bagay na makakapagpaintindi sa’kin, pero parang tadhana na mismo ang nagpapabalik ng sakit na nadama at nadarama ko. Akala ko sa pag-let go sa situation na-let go ko na rin ang pain. Nakakainis ang mga panahong bigla mo na lang maririnig ang paborito niyong kanta dalawa, makikita ang poster ng last movie na pinanood niyo o mababasa ang YM Archives ng mga napakahabang pag-uusap niyong dalawa. Minsan lalo, mas nakakainis kasi may mag-te-text na lang bigla ng quote tulad nito:

“There was a man who saw a scorpion floundering around in the water. He decided to save it by stretching out his finger, but the scorpion stung him. The man still tried to get the scorpion out of the water, but the scorpion stung him again. Another man nearby told him to stop saving the scorpion. But the man said, “It is the nature of the scorpion to sting, it is my nature to love. Why should I give up my nature to love just because it is the nature of the scorpion to sting?” Don’t give up loving, don’t give up your goodness, even if the people around you sting…” (Salamat kay KayC para sa quote; oo quote yan, naka-unlimited kasi siya kaya okay lang na mahaba)

O diba akmang-akma naman sa sitwasyon? Haaayyy buhay talaga. Minsan nakakainis na masaktan. Tinakasan mo na nga ang sakit pero pilit ka pa ring hinahabol. Kapag naman hinarap mo, sukdulan ang sakit to the point na gusto mo nang magpakamatay. Buti na lang may mga taong tinatawag na “kaibigan” para makapitan mo at para mahugutan mo ng lakas. Eh pano kung wala kang kaibigan? Pa’no kung wala sila para makapitan mo? Patay na…

Sana lagi na lang akong may kasama. Kapag may kasama kasi ako sobrang saya ko, yung tipong naisasantabi ko na ang mga “problema” ko at nakakalimutan lahat ng sakit na nadarama. Kung minsan nga ako pa talaga ang bangag na nagpapatawa sa mga kasama ko. Pero right after ng pagsasama, kapag uuwi na’ko mag-isa, patay na. Magmumuni-muni na naman ako. Akala ko nalunod ko na ang sakit, nandun pa rin pala. At lalo pa ‘yon mina-magnify ng aking pag-iisa. Sana lagi na lang ako may kasama, para wala na’ng lungkot at sakit kahit papano. Totoo nga ang sabi nila, yun daw mga pinakamagaling magpatawa ay yung mga taong pinakamalalalim ang problema sa buhay. Minsan dinadaan ko na lang sa pagpapatawa ang mga bagay-bagay, at least doon nawawala pa ang pain kahit papa’no.

Hindi ko nga alam eh pero parang nag-eenjoy ako sa sakit. Haha patay na! Nag-eenjoy na sa sakit… baliw na nga ako. Hinde, basta… parang gustong-gusto ko pagmuni-munihan ang mga bagay-bagay. Minsan magagalit ako kasi taena naman eh iniwan ako wala pa ba ako karapatan magalit? Minsan parang maiiyak na lang ako pero joke lang syempre, malapit sa imposible mangyari yon. Pero madalas talaga nalulungkot ako, kasi tuwing uuwi ako, mag-isa. Tuwing papasok sa eskwela, mag-isa. Tuwing kakain, mag-isa. Tuwing mag-ne-net, mag-isa. Tuwing lilipat ng building for my next class, mag-isa. Haaaayyy kelan ba matatapos ang pag-iisa? Mas nakakapagpalala lang ng sakit eh…

Taena eto lang naman sagot sa lahat ng tanong ko eh diba: “JM, choice mo yan”. Taena uupakan ko magsasabi sa’kin niyan. Don’t rub it in, or I’ll rub my fist into your face!

*Mabuti pa si Patrick Star, palagi na lang nakangiti. He serves as a reminder to keep smiling despite all the pains I’m trying to endure…

2 Responses to “Royal Rumble”
  1. wqpmx says:

    There is rarely any allergy with this item and in case you turn out to be allergic (uncommon conditions) you ought to halt using the product. “Our menu is Mediterranean inspired, using seasonal, neighborhood, natural and organic and all all-natural elements each time doable…..

    http://www.cyberxing.com/6931/health-and-fitness-gains-of-saffron-extract-supplements/

Trackbacks
  1. commercial pest control says:

    commercial pest control…

    [...]Royal Rumble | Blue Pencil Chronicles | News and Views of a Journalism Major[...]…

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>