ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

My God, I myself could not believe it!!!

Kagabi, pag-uwi ko galing sa gala namin ng aking munting barkada (Harry Potter and the Exorcism of Emily Rose — title yan ng Book 7! Wakekeke…), tinawag ako ni mommy. May hawak siya na parang black na briefcase na leather yata. Basta, yung parang sa mga bag. Kung anumang tawag don sa telang yun. Anyways, alam ko nakakita na ako ng ganon. So anyways, tinanong ko baket ako tinawag at kung ano yung hawak niya. Hindi na siya nagsalita and she just gave the briefcase to me.

Pagkahawak ko pa lang, alam ko na kung ano ang laman. Pero hindi muna ako naniwala, sabi ko I must see for myself. I carefully opened the zipper tapos in-unfold ko yung briefcase. Shet. Nagulat ako sa laman!!!

Isang laptop!!! My God may laptop na’ko!!! Pa’no nalaman ni mommy na gusto ko ng laptop?! Shet… nababasa ba niya yung mga panaginip ko? Alam ba niyang halos araw-araw kong napapanaginipan na may laptop na’ko?! Grabe akala ko hanggang panaginip na lang lahat yun… pero totoo pala!

At hindi lang basta-bastang laptop ah! Kumpleto! Parang brand new, pero bigay lang daw yun ni Ninong Ben, bumili kasi siya ng bago. May built-in webcam, card reader, CD Burner, at heto pang malupit! MAY WI-FI CARD!!! Shet makaka-internet na’ko nang libre sa school! My God Your God Our God THANK YOU!!!

Ang sarap mangarap, ano? Buti pa ang pangangarap, libre, pero ang laptop, hinde. Sigh…

Panaginip, nakakabaliw
Nakikita nga, hindi naman nadarama
Talaga Namang hanggang doon na lang…


7 Responses to “Talaga Naman”
  1. Lorenz says:

    lucky little piece of…

    fish.

  2. janet says:

    wow may notebook na sya…

    on the other hand, my notebook… simply… sucks… lolz

  3. JM Tuazon says:

    Wala ako notebook…! Hehe indi nagbabasa tong si Janetkins! :P

  4. Blue Pencil Chronicles » A Neverending Quest says:

    [...] even had delusions of finally having my very own laptop. Isang laptop!!! My God may laptop na’ko!!! Pa’no nalaman [...]

  5. A Neverending Quest | Blue Pencil Chronicles says:

    [...] even had delusions of finally having my very own laptop. Isang laptop!!! My God may laptop na’ko!!! Pa’no nalaman [...]

  6. Waffel Rezept says:

    Good Post. I searched the entire cyberspace for something like “Talaga Naman | Blue Pencil Chronicles | News and Views of a Journalism Major”. Thx very much, it helped me out.

  7. Jimmy Chasen says:

    Friday! Gonna be watching a lot of Harry Potter today!

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>