ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943
Dumating na ang mga araw na kinatatakutan ko.
Habang nakasakay ako sa MRT isang araw papasok sa eskwelahan, umihip na naman sa aking mukha ang hangin ng pagmumuni-muni (naks, UNA ba’to by SpongeCola?). Habang nakatayo at nakahawak sa hand-rail ay napatingin ako sa labas, sa magandang horizon na ipinipinta ng Sierra Madre Mountain Range na kitang-kita sa may bandang Santolan at Cubao. Shet, senti na naman ito.
Pero hindi kagaya ng ibang senti na kung saan yung current fixation ko ang iniisip ko, mas grabe ito. Mas mind-boggling at mas nakakainis isipin.
Nararamdaman ko na kasi yung feeling ng pagiging useless, yung walang purpose. Yung parang gumigising na lang ako araw araw nang alas otso para pumasok sa eskwela, tapos uuwi ng mga alas-singko. Masyado nang nagiging routine ang buhay ko.
Tapos, sasabayan pa yan ng pag-iisip tungkol sa pakikipagkaibigan. Totoo na nga yung sinasabi ni Ron, na minsan nasa harapan mo na yung hinahanap mo, ayaw mo pang pansinin kasi na-re-restrict ka ng boundaries na sinet mo kasi sabi mo “natuto ka na sa nangyari sa nakaraan mo”. Yun bang tipong “ay, ayoko nang ma-in-love, masasaktan na naman ako nyan eh, just like before”. Pero sobrang binulabog ni Ron ang utak ko nung shinare ko sa kanya yan, ang sabi ba naman nga kasi eh “Pano kung nakita mo na pala yung taong destined para sayo, yun talagang siya yung plano ni God para sayo, kaso hindi mo pinapansin kasi nga you’re grounded to your past and you don’t want to take the risk?” Ouch, ang sakit! Oo nga noh…
Naisip ko lang yan kasi recently, mag-isa lang akong naglalakbay sa campus. Last Sem, Yung araw-araw na paglalakad mula CS hanggang AS okay kasi kausap ko si Mico. Yung tuwing-umagang paghahanap ng Toki sa may Vinzon’s worthwhile kasi makikita ko na naman yung mga buddies ko sa Math2. Yung 4 and a half hour break ko tuwing Tuesday at Friday bearable pa, kasi I was looking forward to seeing all the Mumbaylan people. Pero ngayon, parang walang purpose ang lahat ng paglalakad.
Shet. Naghahanap na naman ako ng friend. Ang unfair ko na naman sa mga kaibigan kong hanggang ngayon nandyan pa rin para sa akin. Well, siguro kailangan ko lang talaga kasi ng kausap. Wala kasi akong matinong kausap sa school, yung iba panandalian lang. Buti pa nga andyan yung iba kong blockmates kahit papano may ka-tsismisan pa. Eh pano yung mga oras na mag-isa nga lang akong naglalakad sa campus? Mukha na nga akong baliw minsan kasi kakanta na lang ako habang naglalakad. Ang saklap. Kung meron man akong kausap sa classroom madalas tungkol sa academics ang pag-uusapan. Ay leche sawa na ako sa academics nasa school na nga eh yun pa rin ang pagtsitsismisan? Wala na akong makausap tungkol sa mga sitcoms sa Star World o di kaya sa mga laro ng UP o di kaya sa crush ni ganito at ni ganyan. Tuwing may kakausapin ako tungkol na lang sa readings, assignments, reports at kung anu-ano pa. Sigh… san na ko makakakita ng matinong kausap?
Ngayon alam ko na kung bakit ako nababaliw these past few days. Matagal kasi kaming hindi nag-usap ni Lorenz, atsaka ni Ron, all because of communication restraints, wala kasing internet nor matinong phone dito sa bahay. Kanina, wala akong pasok, kaya sobrang bummed ako kaya gumawa na lang ako ng layout. Essentially, through this blog, ang kausap ko na lang talaga sarili ko eh. Shet, baliw na nga ako.
Eh leche naman kasing nakaraan yan, bakit pa kailangang mangyari. Ngayon hindi tuloy ako makapagkaibigan kasi natatakot na naman ako na iwanan o saktan o agawan. Natatakot na’kong hindi pansinin at pagtampuhan. Pero kung tutuusin hindi naman yung nakaraan ang may problema eh, kundi ako. Kasi ako naman ang kasabwat na gumawa ng nakaraan na iyon, ako ang pumili kung anong nakaraan ang gusto ko.
Sigh… when will the world stop being complicated? Or, the better question is, when will I stop making the world more complicated? It’s complicated as it is, pinapalala ko pa yung sitwasyon. Sigh… nagiging unfair na naman ako sa mga taong sobrang malapit sa’kin.
Shift tayo ng onti. Kanina I watched MTV Homecoming, at si Arthur yung featured. Malokong bata rin pala ‘to nung High School. Sa Mary Mount siya nag-High School, tas andami niyang close friends. Inisip ko tuloy, kung ako kaya ang ma-feature sa Homecoming, ano yung mga sasabihin nung mga kaibigan ko? Or, ang mas magandang tanong, may kaibigan ba’kong magsasalita o magpapainterview? Or ang mas malalang tanong, may kaibigan ba’ko nung High School? Gugustuhin ko kayang bumalik sa High School or even Elementary School ko? Will it bring back fond memories or bad memories? Bibigyan ba nila ako ng plaque of whatever crap (if ever sikat nga ako)?
Shet. Nostalgiang ewan na naman ito. I guess it’s too early to think of that right now (duh, as if totoong mafea-feature ako sa Homecoming! Dream on, JM!)
Ah ewan. Siguro nagpapaka-praning na naman ako at nira-rationalize ko ang mga bagay bagay. Heck, it’s just the second week of second sem sobrang jinu-judge ko na yung mga nakakasalamuha kong tao. Ewan. Siguro nahihirapan na naman akong mag-cope with change, pano kasi I built quite a strong bond with people last sem. Ang hirap gumawa ng bagong friendships. Ang hirap makisalamuha, ang hirap makipag-usap, ang hirap mag-stand-out, ang hirap makibagay, ang hirap, ang hirap, ang hirap!!! Ang hirap maging ako…
Siyeteng buhay ‘to.

3 Responses to “Nostalgic Sentimental Madness”
  1. melvin says:

    lam mo jm… sa totoo lang naiiyak ako habang binabasa ko tong post mo… kasi i sometimes feel the same way… kahit pa ang dami dami dami mong kaibigan maiisip mo pa rin panandalian lang sila… ayoko man maniwala pero kailangang tanggapin… share ko lang kung may regret man talaga ako nung hayskul, yun ay ang hindi ko pagbibigay ng pagkakataon sa sarili ko na magkaroon ng isang barkada…oo meron akong matalik na kaibigan pero iba pa rin pala ang pagpapakahulugan namin sa kaibigan… siguro napakaideal kasi nung sakin… anyway… masaya ako sa pinost mo… usap naman tayo…pag wala kang kausap tawagan mo lang din ako… di ka naman nagrerepy kasi sa text or miscol man lang… YOU ARE A EXCELLENT WRITER JM and I do admire you for touching people through citing insipirational stories… I was so moved…Jess bless!Ü

  2. JM Tuazon says:

    Melvin, thanks for being a friend. I have to admit medyo iniiwasan kita these days, not only because wala akong load, pero ewan ko ba… masyado ko na namang shina-shut out ang sarili ko sa mundo. Im really sorry for that, hope mapapatawad mo pa ako. Salamat for being a friend… thanks talaga. JB!

  3. cheap ugg boot says:

    All right, this 1st opinion merely vanished i’m talking about creepy

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>