ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943
Dati rati sobrang gustong-gusto ko kapag umuulan. Pano ba naman kasi, talagang nakakapagdulot ang ulan ng Senti Mood na sobrang kina-i-indulge-an ko noon. Pero ngayon, ewan ko ba, asar na asar na ako kapag umuulan. Minsan kasi nadudumihan yung paa ko o yung sapatos ko, o di naman kaya nababasa yung damit ko. Kapag nasa loob naman ng bahay, kapag umuulan, tumutulo sa taas. Tapos sobrang lamig kapag umuulan, eh kaya ayun nagkakasakit ako.

Talagang nag-iba na ang pagtingin ko sa ulan lately. Bakit kaya?

At alam nyo ba ang pang-asar? Punta kayong MYX, aba… hindi nga umuulan sa labas nitong linggong to, eh ibang ulan naman ang bumubuhos.

Pansinin nyo ang mga videos ng Orange and Lemons (Heaven Knows), Sponge Cola (Una), Craig David (I Just Don’t Love You No More), Daniel Powter (Bad Day), James Blunt (You’re Beautiful), Hale (Kung Wala Ka), MYMP (Talaga Naman) at Cueshe (Ulan). Kung observant kayo, well, tama. Lahat ng mga videos na yan may part na umuulan. Eh gustong-gusto ko pa naman yang mga kantang yan! Pano na yan?!

Tapos maririnig ko pa ‘tong kantang ‘to sa dyip isang gabi. Aba, tinamaan na talaga ng magaling ano!

ULAN by Cueshe

Lagi na lang umuulan
Parang walang katapusan
Tulad ng paghihirap ko ngayon
Parang walang humpay

Sa kabila ng lahat
Ng aking pagsisikap
Na limutin ka
Ay di pa rin magawa

Hindi naman ako tanga
Alam ko na wala ka na
Pero mahirap lang na tanggapin
‘Di na kita kapiling

Iniwan mo akong nag-iisa
Sa gitna ng dilim
At basang-basa pa
Sa Ulan

Pero huwag mag-alala
‘Di na kita gagambalain
Alam ko namang ngayo’y
May kapiling ka nang iba

Tanging hiling ko sa’yo
Na tuwing umuulan
Maalala mo sanang may nagmamahal sa’yo

Lagi na lang umuulan
Parang walang katapusan
Tulad ng paghihirap ko ngayon
Parang walang humpay

Iniwan mo akong nag-iisa
Sa gitna ng dilim
At basang-basa pa
Sa Ulan

Pero huwag mag-alala
‘Di na kita gagambalain
Alam ko namang ngayo’y
May kapiling ka nang iba

Tanging hiling ko sa’yo
Na tuwing umuulan
Maalala mo sanang may nagmamahal sa’yo…
…ako.

Ay ewan ko na lang. Babalik pa kaya ang magandang tingin ko sa ulan? Ewan.


Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>