ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943
Kamusta Ka? Napaka-thoughtless ng tanong na yan. Isang rhetoric na ekspresyon ng concern na wala naman talagang dahilan. Nagkita kayo ng kaibigan mo sa kanto, Oy, kumusta? At anong isasagot mo? Eto, okay naman. Ikaw? Tapos syempre sasagot din sya. Okay din! Tapos kung may pupuntahan pa kayo pareho, maghihiwalay na kayo ng landas. Pero kung may oras pa naman, syempre tsismisan muna.

Bilangin mo kaya ang mga beses na tinanong ka ng isang kakilala kung kumusta ka na? Lalampas kaya ang usage ng phrase na ito sa usage mo ng salitang ‘I’? Meron bang abnormal na tao sa mundong ito na sasagot ng eto madaming problema, namatay si misis, nasunog ang bahay, may cancer ako, nasagasaan ang anak ko, nalason yung pusa namin, nahulog sa building yung kapatid ko at higit sa lahat, transexual yung bago kong ka-live-in sa tanong na yan?

Minsan kapag tinatanong ako syempre sasabihin ko Okay. Pero minsan nagpapakatotoo na lang ako, sasabihin ko na na hindi okey. Pero wala nang follow-up, unless close kami nung nagtanong.

So Kumusta Na nga ba ako? To tell you honestly, okay ako. Wuhooo plastik ko ba? Indi noh, okay talaga ako. Marami akong problema, sobra. Sunod-sunod na yata, parang everyday may bago dapat akong abangan na bagong problema.

Kanina tumawag sa cellphone ko si Ma’am Ria. Tinanong nya ang magic question, at syempre ang sagot ko magical din, Okay naman po! Nagulat pa nga ako sa reaksyon nya, kasi sabi nya Owwwsss, talaga?! Balita ko marami kang problema ah?

Totoo. Napakarami ko ngang problema. As in. Hindi ko nga sila lahat mabilang sa sobrang dami (o sige na nga exagg na tong statement na to). Basta marami sila. Okay naman na maraming problema eh, ang masama dun sunod-sunod silang dumating. As in. One on top of the other, the latter worse than the former. Parang inverted pyramid sya kung irerepresent mo yung pagkakapatong-patong nya.

Pero sabi ko kay Ma’am Ria, despite all the problems, okay lang ako. Haha, ewan ko ba, baliw na nga yata ako. Nagkatotoo na yung joke ko sa Geog1 class ko, ang sabi ko kasi Galing akong Mandaluyong, pwedeng labas at pwede rin namang loob. Sobra. Nung isang araw nga kausap ko si Lorenz sa telepono tungkol sa isang napakabigat na problema, tapos ang nagagawa ko lang habang kausap siya ay ngumiti. Oo, kahit sobrang bigat na nung usapan namin, ay syete nakangiti ako. Pagbalik ko sa bahay, nakangiti pa rin ako. Hay naku abnormal na nga talaga ako.

Ewan ko ba kung talagang dinadaan ko na lang sa ngiti yung mga problema o sadyang ayaw ko lang silang harapin kaya okay lang ako. Pero kung tutuusin talagang parang carry ko naman silang lahat eh, ah basta ewan. Kailangan ko nang magpakonsulta sa isang psychiatrist o di kaya sa isang exorcist, sinapian na yata ako ng magaling.

Basta, bigyan niyo lang ako ng problema, tatawanan ko lang yan. Manhid na’ko sa sobrang sakit na nadama ko nitong nakaraang linggo. I’m immune from pain because all I breathe is pain. Numb. Mwahaha. Baliw.


2 Responses to “(Ab)Normally Normal”
  1. Lorenz says:

    that is so0o0o0o taken from the exorcism of emily whatshername.

    huy papanoorin pa natin un ah!

    tsaka…

    kamusta?

    hehe ^_^

  2. Panday says:

    problems are VERY SPECIAL gifts from god. sa sobrang special complete ang address… “To: John Mark V. Tuazon p.s. PARA SAU LANG!” gifts na pagkahirap buksan… ung giftwrap may

    nakapaste na may
    glue na may
    scotch tape na may
    masking tape na may
    packaging tape na may
    double adhesive na may
    mighty bond na may
    epoxy na may
    glue gun na may
    white cement
    at sa huli may varnish pa para presentable…ü

    sa pagbubukas ng gift na un… hanggang saan natin kakayanin para maabot ang big surprise? tutulungan ka naman ng mga frends mo kung hahayaan mo cla… pero kung mapapagod kang magbukas? walang bago sa buhay mo… walang surprise para sau.ü

    gud day sau… anu kaya ang surprise ni lord sa atin today?ü

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>