ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943
Kwento sa Bahay
  • Yay! Binili na rin ako ni Mommy ng Computer Table! After much pangungulit na may binebenta nga sa PC Express Shaw na Computer Table, ayun! Go agad kami, at nakabili kami ng isang Beech Delta T222 Model na Computer Table for a super incredible value of only nine hundred and fifty pesos! But wait! There’s more!!! Ay wala na pala…
  • Nag-ipon ako for two weeks para makabili ng headset. Pano kasi ina-annoy ako ng aking evil lil sis tuwing nagpapatugtog sya sa PC, kaya bumili ako ng Headset para walang away. Biruin mo, inabot ako ng 2 weeks para makaipon ng 300 pesos?! Grabe noh! Ganyan ako kahirap ngayon. Kailangan pang hindi kumain ng lunch makaipon lang.
  • Grabe ang rain rain go away this week. Madalas, tumutulo mula sa 3rd floor, pano kasi plywood lang ang takip dun sa butas! Asar nga eh, at alam nyo ba, dahil may tumutulo galing sa third floor, nabasa yung kahoy naming hagdan. Ang siste, naglalakad ako pababa galing sa 2nd floor habang kumakanta ng “Hanggang Kailan” nang madulas ako sa lecheng tubig na yan! Dumire-diretso ako hanggang first floor, although mga 5 steps lang naman ang nilaglag ko. Ang masakit diyan eh ang last three steps ng aming stairs ay SEMENTO at hindi pa napapalitadahan! Kaya eto ako ngayon, parang batang nadapa sa lansangan may sugat sa tuhod! Huhuhuhuhu!
  • Puro silog na lang ang kinakain namin! Waaahh kelan ba ako makakain uli ng home-cooked meal ni mommy?!
  • Kagabi, ang aking evil lil sis ay nagpunta ng Malabon mag-isa! Isipin nyo yun! Nagngingitngit ako sa galit nung sinabi ni mommy, pero wala naman ako magawa. Nagpapasundo siya kasi mga 12am na nun at hindi siya makauwi. Gago talaga yung boyfriend nun! At gago rin yang kapatid ko na yan eh! Awang awa na nga ako kay Mommy, umiiyak na siya kagabi sa sobrang pag-aalala. Grabe. Trese anyos lang yung kapatid ko ah! Leche siya… hindi niya ayusin buhay niya!

Kwento sa Iskul

  • Alam nyo ba? Si Tess uno sa Philo11! Wahehehe… astig yung quiz kanina, ang dali!
  • Bagsak ako sa NatSci1 Chem Part Long Exam 1! Huhuhuhu! Sana yung extra points sa seatwork mapunta sa long exams para pasado naman ako! Maka-tres lang ako masaya na ko!
  • Isang linggo na akong walang CW10. Isang linggo na rin akong hindi nag-PE. Bad bad bad… dis is bad!
  • Bad trip na Kas yan o!!! Reporting na namin next week! Wuhoo! At wala pang nagagawa ang aming group! Yeah! Dat’s da spiriiit!
  • Goodluck sa UP bukas sa Cheerdance Competition!
  • Exam na naman sa Math bukas! Linsyak yan o!

Yun lang. Update ko kayo pag masipag na uli ako mag-type.


2 Responses to “Mga Kababalaghan sa buhay ni JM”
  1. Paolo says:

    yep. tama ja JM. In UP, I’m dumb in Math, and the rest of my GE’s. Tignan mo mga exams ko o: 42.5/50, 30/50, 26/42, 16/46. grabe na toh.

  2. Paolo says:

    tama KA pala.. hehe

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>