ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943
Isasara ko ang libro ko. Itutupi ang diyaryo at ibabalik sa estante. Lalabas ng pinto at aakyat ng hagdanan. Pupunta sa Baggage Counter at kukunin ang bag. Lalabas ng pinto muli at tutungo ng kanan. Dire-diretso, tapos, tatawid ng kalsada. Lalakad sa lilim ng shed hanggang sa maka-kanan sa isang maliit na pasilyo. Dire-diretso muli, tapos ay kakanan papuntang Lobby. Kakaliwa patungong hagdanan. Aakyat ng hagdan hanggang sa ika-apat na palapag. Papasok sa isang silid na hindi ko naman klasrum. Titingin sa paligid. Pagkatapos ay makikita kita, sira na naman ang araw ko.

Minsang kinausap ko ang isang kaibigan, na dahil wala ako sa wisyo noon ay parang katangahan ang nasabi ko. Nagtawa na lang kami ng kaibigan kong iyon, dahil na rin sa katangahan ko. Pero nakisali ka sa usapan, sambit pa ng mga salita mong hindi ko naman hinihingi, at ang tono mong mala-gobernador heneral noong panahong Kolonyal.

Minsang nag-aayos kayo ng proyekto, at nais ko lang namang makita dahil mukha itong maganda. Hindi naman ako mang-aasar, hindi ko naman gawain yon. Pero anong sabi mo? JM, wag ka dito, lalaitin mo lang ang gawa namin! Ang presumptuous mo naman. Sino ka ba para sabihan ako nang ganon? Kilala mo ba ako? In the first place, close ba tayo?

Minsang galing ako ng silid-aklatan. Umakyat ako sa klasrum, ngunit ikaw ang nadatnan ko. Bumalik na lamang ako sa baba at bumili ng makukutkot. Nakita ko ang isa nating kaklase, makaraan ang ilang hakbang ay ikaw naman ang nakita ko. Biniro kitang kausapin tungkol sa resulta ng ating eksamen. Sinabi ko sayo ang nararamdaman ko, na sana’y wag namang magkatotoo. Kinausap kita ng medyo masinsinan. Oo, pinaplastik lang kita, akala mo naman okay na tayo.

Minsan sa klase natin, bigla ka na lang magmumungkahi ng isang sagot o magdadagdag ng isang komento sa sinabi ni Sir. Ang epal mo talaga. Feeling mo ang galing galing mo. Okay, sige, sabihin na nating magaling ka nga. Pero narinig mo na ba ang salitang “humility“? Hay… ewan ba, insecure nga lang ba ako sayo?

Kasama pa ng mala-moderno mong suot, tuwid na buhok at morenong kompleksyon, inis na inis ako sa buong pagkatao mo.

Natagpuan ko na ata ang aking Alter Ego. Shet ka. Hindi naman tayo close.


7 Responses to “Primerong Plastikan”
  1. angelin says:

    huhuuu jm..sana di ako yaaann.. huhu. mejo nakakalunkot. (-_-)

  2. Paolo says:

    whoa.. what grudge. :p

  3. khEN says:

    ok lang yan jm…
    naway hindi tumaas ang presyon ng iyong dugo…:D

  4. Lorenz says:

    that’s real scary… *makes “the grudge” sounds*

  5. Anonymous says:

    sabi ko naman sa usapan natin nung saturday… meron talga taung mga taong di trip at mahirap iplease oh di naman kaya’y naiinsecure tau.

    hehe…

    okey yan para merong level of difficulty ang pamumuhay mo.ü

  6. JM Tuazon says:

    Angelin! Hindi ikaw yun, pramis! ^__^

    Pao, hehe grudge? Ummm di naman… :p

    Khen, hayaan mo di tataas presyon ko… si ron lang meron non… hehehe

    Lorenz, yep, scary talaga…

    Ron, thankies!!!

  7. Darko says:

    Depends on which definition will be used. Bill Clinton, for innstace, has his own definition of sexual intercourse. In his testimony during his own impeachment trial, he claims not to have sex with Monica if the definition of sex will be based on sex as defined by _______ (whatever). I myself, is a virgin every day, just before I wake up. What happens next will determine how many hours i’d remain a virgin before my next “deflowering”. Hahaha!

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>