ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

Archive for August, 2005

Kumpleto na sana yung outline ng mga course na kukunin ko for next sem. End of this month na kasi ang pre-enlistment sa CRS, kaya dapat alam ko na mga courses na kukunin ko. Excited sana akong kumuha ng Physics10: Physics and Astronomy for Pedestrians, dahil recently ay medyo na-intrigue ako sa Astronomy. Eh kasyo mo namang lekat, isa lang pala ang MST subject na kailangan ko next sem! At iyon ay pupunan na ng requirement course ko na Math1! Sayang! Pwede ko kayang i-advance yung Physics 10? Kaya lang baka naman mahirapan ako. Tapos eto pa, dalawa pala yung SSP subjects ko, eh isa lang ang gusto ko dun! Baka mapilitan akong mag-Econ11 nyan! Sigh… pero okay lang, tutulungan naman ako ni Mico eh… diba Mico?! (wink wink)

So, eto na ang preliminary course outline ko for 2nd Sem AY 2005-2006:

Math, Science and Technology: Mathemathics 1 (General Mathematics)
The development of mathematical literacy through a synoptic view of the different branches of mathematics with historical notes and applications. Topics include Nature of Mathematics, Number Systems, Algebraic Structure, Geometry, Calculus and Statistics.

Arts and Humanities: English1 (Basic College English)
Not just your typical grammar course, English 1 focuses on the specific communication skills in English to help bring your proficiency level up to college standards. This course takes the practical approach to unlocking the mysteries of word choice, the power of grammatical and rhetorical sentences, and the nuances of composition styles. More importantly, in the process of honing these skills, you will also be learning why the language works like it does and the many levels and varieties of Englishes in the world. By its end, the course will have supplied you with not only the ability to work with the language but also with a critical understanding of how and why the English language works

Social Science and Philosophy: Social Science 3 (Exploring Gender and Sexuality)
A cross-cultural survey of gender & sexuality, applying perspectives from the different social sciences.

Social Science and Philosophy (tentative): Economics 11 (Markets and the State)
Essential economic concepts and their use in analyzing real-world issues

Haha… astig yung SocSci3 ano?! Hehehe… pag-aaralan namin ang mga bakla! (no offense to anybody)… Hmmm… wala na kasing ibang interesting na subject eh! Hay… gusto ko talaga mag-Physics10!!! Sana ma-advance ko sya, at sana kaya ko ang 18 units na load next sem pag nagkaganon! Hehehe…

[EDIT] Grabe. Ang hirap talagang mag-shopping for subjects. Ang dami kasing factors na kinakailangang i-consider, like yung pre-requisites, yung satisfaction sa required Philippine Studies and Written Communication Skills, at syempre ang CRS (ngayong Freshman lang ako priority, kaya kailangan ko nang mag-hoard ng mga courses). *Sigh*… sadly, ma-fufulfill ko lang ang 3 units pa of Philippine Studies sa next years, at yung Written Communication Skills naman ay next sem through English1. Sana ma-kumpleto ko yung requirements next years para hindi ako ma-delay, balita ko ang hirap pa namang mag-enlist, baka mag-end up ako sa course na hindi ko gusto o di ko naman kailangan. Kaso gusto ko talaga ng Physics10!!! Waaaahhhh!!! [/EDIT]

Comments 13 Comments »

  • Astig. 2nd and Last long examination sa NatSci1 this morning, at kagabi lang ako nag-aral! It turns out, 25 ang sure akong answers at a couple few na tama kahit hinulaan ko lang. Kailangan maka-60%++ ako dito kung ayaw kong mag-paspas ng aral sa Chem para lamang ma-exempt sa Finals.
  • Cancelled ang Philo class (saya!!!) dahil may sakit si Ma’am (sad… joke! hehe…). Which means, naging 5 1/2 hours ang break ko.
  • Meron pang rumours going around campus na half day lang daw today. Iba-iba ang bersyon, nariyang after 2:30 daw ala na klase, nariyang yung 4-530 class daw wala na, nariyang sa AS lang suspended ang classes. Wala kasing official memo, kaya ayun, nagklase pa rin kami sa Kas1. Masaya naman, kasi at least nakita ko muli ang mga cute na cute at kwelang mga classmates ko sa Kas1!
  • Lakas at walang-tigil ang ulan, grabe! Buti na lang hindi ko naisipang pumasok nang naka-tsinelas ngayun! Kundi, linsyak linsyak na!
  • Ngayon ko lang malaman, pwede palang manood ng movies dun sa AVR! I’ve been spending my TF breaks there, READING NEWSPAPERS, habang sa likod ko pala may libreng sine!!! Leche bakit ngayon ko alng to nalaman?!

Comments No Comments »

Eto na…! Eto na ang post ko about our Cavite Trip sa Kas1! Wuhoooo!

Uke. July 30 yung Field Trip namin. 29 ng gabi nakitulog ako kina Ron, malapit lang kasi sila sa Quezon Ave. kaya madaling makapunta, wala pa kasing MRT ng mga ganung oras.

Naka-arrive ako sa Philcoa jeepney station ng mga quarter to six, eh 6am yung meeting time namin. Tapos may nakita akong familiar na figure at buhok na natutulog sa harap ng jeep. Aba! Si Sir Abejo nga, ang prof namin sa Kas1! Hehe… hindi ko na tinawag syempre noh natutulog eh!!! Kaya yun kampante akong hindi pa ako late.

Pagkarating ko sa AS Steps, andun na most of my classmates. Ayun, chika chika ngata ngata ng binili kong french fries sa Jollibee (I had a sudden craving for Jollibee that time. Hmmm… second childhood?! Ang aga naman!). A few moments later dumami na ang aming populasyon, tapos sumakay na kami sa Hi-Tech na bus!

Ang galing nung bus… well, ordinary aircon bus rin naman sya kaso merong extra features like yung separate na speakers for each seat para marinig nang malinaw yung tour guide, tapos may lights pang nalalaman! Hehe… So yun. A few moments later nakumpleto rin ang section namin.

Grabe… RIOT ang masasabi ko sa section namin. Halos lahat mga patawa, mga kalog! Grabe nagkokompetensya sa pagiging kalog (pero panalo syempre mga one-liners ni Belai!) Kesyo pag-alog-alog nung bus ginawang katatawanan! O, san ka pa, diba?!

Si Faye at ang Bus

Grabe itong si Cliff!
Dala-dalawa ang naka-unan!

Hala lagot ka Gilbert!!!
Bakit mo tinuluan ng sundae ang
buhok ni Jennifer??!

Una naming pinuntahan ang DLSU Museum sa Dasmari├▒as, Cavite. Dito shinoo-shoot yung school scenes nina Oliver at Jasmin sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Astigin yung school, green na green, pati nga lagoon nila green eh! Pinuntahan namin yung Museum na isang Bahay na Bato. Nakaka-amaze nga kasi yung placing ng mga buildings eh parang Pueblo na kung saan yung Plaza eh nasa gitna, nasa ituktok ang simbahan, nasa mga gilid ang ayuntamiento at nasa gilid rin ang mga bahay ng mga illustrado. Yung museum na aming pinuntahan eh isang replica ng bahay ng isang illustrado.

Astig yung Museum! Ang daming nakakaaliw na bagay, most especially iyung balon na sooooooper lalim!

Siyempre Class Picture!!!

O, what seems wrong in this picture?

Sunod naming pinuntahan ay iyung lugar kung saan pansamantalang ikinulong si Bonifacio, ang Casa Hacienda de Naic. School na siya ngayon kaya medyo inayos-ayos na, pero yung pinagkulungan kay Bonifacio intact pa rin, may brief pa ngang nakasampay eh! Hehehe… pero astig yon, parang Harry pala si Andres! Sa cupboard under the stairs kasi siya ikinulong.

Ang Reyna ng katatawanan:
Si Belay!!! (clap clap clap)

Raiza! Mag-review ba daw sa bus?!

Bakit kaya sila nakatalikod?!

Ah! Kumakain kasi ng Lunch!

Next stop is yung Bonifacio Trial House. Dito nilitis ang kaso ni Bonifacio, that turned out to be just a mock trial, dahil whatever defenses Bonifacio had, guility siya of the crime ayon sa mga hurado. We ate lunch sa bus na kung saan super cramped up kaya sa sahig na lang ako naupo at ang lamesa ko eh yung upuan. Yung mga tiga-Kalay astig!!! Nagdala sila ng mga de-lata kaya nangamoy tuna sa likod. Hehe… Matapos kumain, pumasok na kami sa loob. Ang tanging astig doon ay iyong mga paintings. Yung iba, etsapwera na. Then, nag-lecture si Einstein look-alike about Bonifacio’s life. Booooring. Mag-2-2pm na nun kaya kating-kati na kaming bumalik sa bus para manood ng UAAP.


Si Einstein ba yang nakikita ko??!

Grabe! Kanina 2 babae…
Ngayon… Ngayon, ngayon… kayo na ang
magtapos ng sentence na to!

Pagbalik namin, nag-start na yung game. Ayos kasi leading ang UP sa 1st quarter. Nag-chee-cheer pa nga kami sa bus eh! Grabe yung ingay namin, kami lang nag-iingay! Feeling ko nga naiiinis na yung kabilang section kasi ang tahi-tahimik nila, biruin mo magsisisigaw ba naman kami doon ng “U-nibersidad” at “Defense”?! Hehe… for sure na-piss off yung mga yun sa kaingayan namin, or indi lang sila makasabay. Hehehe…


Tensyonado!
Nanonood kasi ng UPvsAteneo game!

Hindi na namin naabutan yung ibang quarters kasi nag-start na kaming mag-hike. Pinuntahan namin yung historical site na kung saan “daw” inilibing ang mga labi ni Bonifacio, ang Bundok Nagpatong. Sa Bundok Buntis “daw” siya binaril ngunit ayon sa mga testigo, sa Bundok Nagpatong “daw” siya inilibing. May joke kami dito, kasi magkatabi lang iyung dalawang bundok na iyon. Kaya pagkatapos ng Nagpatong, Buntis na. Wehehehehe…

Alam mo ba yung pambatang kalokohang tula na “Andres Bonifacio, atapang a-tao”? Grabe hindi pala kalokohan yun! May historic theoretical background pala yung tinamaan ng lekat na tulang yun, biruin mo! Kasi daw, pinaniniwalaan na ang labi ni Bonifacio ay chinop-chop, kaya aputol a-kamay, indi a-takbo! aputol a-paa, indi a-takbo! aputol a-uten, atakbo a-tulen! Wehehehe…


Habang papaakyat ng Mt. Nagpatong

Raiza with the horsies…

Ngayon lang ako nakakita ng
Baby Horsie!

Alin, alin, alin ang…
prof namin sa Kas1? (Hulaan na!)

At eto pa isang trivia. Ang kauna-unahang presidente pala ng ating bansa eh isang malaking kalokohan. Grabe, noon, ang taas-taas ng tingin ko kay Aguinaldo, pero ngayon sobrang baba na. It takes a certain level of maturity and understanding para ma-grasp mo ang totoong history ng ating bansa. Traydor pala iyang si Aguinaldo! Kaya nung sa susunod naming pinuntahan, ang Aguinaldo Shrine, nag-cook-up kami ng plan na sunugin ito! Wahahahaha!!! Die, Emilio, Die!!! Oh shet, patay na nga pala siya…

Eto pang malupet! Sa lahat ata ng puntahan naming sites, may class picture! Hehehe… tapos andami ring kalokohan sa bus, pero di ko na sila ma-enumerate basta masaya! Haha at eto rin panalo, nung pauwi na kami, biglang magtanong: “Teka, ang saya-saya natin, alam ba natin mga pangalan ng isa’t-isa?!” Wahahaha! It turns out, hindi!!! Hahaha… Feeling Close to the mightiest nth level! Hehehe…


Klas Piktyur muli sa Aguinaldo Shrine

Kodakan sa Bus pauwi!

Naks drama…
To sum it all up, ito na talaga ang pinaka-masayang field trip na napuntahan ko! Salamat sa TFY1 ng Kas1 for making this trip soooo enjoyable! Special Mention: Belay, Jennilyn, Laurice, Joshua, Cliff, Johnny, Ryza, Richard, Clio, Gilbert, Faye, Marian, Danim (tama ba spelling?), Kristine, Kitkat, Jennifer, Caps, Zyrone, Jullie Anne, Kristianne at Ralph! Sorry sa nakalimutan ko (although I’m not supposed to!), pero TFY1, you’re the best!!!

Comments 1 Comment »

Medyo napapalalim ang mga usapan namin ni Ron tuwing may pagkakataon. At isang partikular na napag-usapan namin ay ang hindi ko pagtatanim ng sama ng loob kapag may nagawa sa akin. Totoo naman, kasi after a week or two, wala na, hindi na ako galit. Hindi ko gusto yung may kinikimkim pa sa puso na galit, nakakasama kasi yon.

Pero… may isang bagay na sobrang lalim ng pagkakatanim ko, hindi ko mabunot. *sigh* Batulao…

Comments 3 Comments »

I am schizophrenic.

And I believe we all are. Yes, we all are. There is not one person in this world who projects only one, clear and apparent personality. We may be boasting of our achievements or bragging about our positive traits, but all of us, behind that mask of positivism, has a degraded, neglected, negative personality we hide from people. Most of the time, it’s only us who know about this personality of ours. Sometimes, we share it with others. It comes in a very profound form we put in the back of our minds, vanishing it into oblivion. Sometimes, we let it dominate our conscious. Sometimes, it enters our subconscious. We all have it, but sometimes we don’t want it. We shrug our shoulders away from it, even if it waves its ugly head right smack on our faces. Yes, it’s the other side of you: your secrets — the things only you know, and only you made.

I am schizophrenic. I have a good side, and of course, I have a bad side. The good side is most of the time what I let other people see; but of course, you’d always want people to see you in a good manner! My bad side is hidden in an old crest buried deep within my soul. I know it is mine because I created that side of me. But I want it extinguished — not just hidden — because when it dominates my other personality, I am an entirely different person.

Sometimes, I’d like to call that “bad side” the “real part” of me. It’s my personality that blends in with what’s in my environment. Yes, it could be the “sexual” part of me — something that not everyone would want themselves to project. But come to think of it, we all have this “sexual” parts in us. Some people’s “sexual” personalities are graver than the others. Some may seem minuscule, or very seldom, none at all. But we all have it, other people are just not aware of it. It’s a truth that doesn’t set us free, but instead imprisons our poor, weak soul.

Yes, I am imprisoned by a sexual behavior I would very much want to escape. (Before you continue, don’t think too broad or too narrow, it’s not what you think, I assure you). I have been imprisoned with such a behavior ever since I was a child, even before I reached puberty. It’s a behavior that offers temporary pleasure, but takes you on a guilt trip in return. It’s a behavior so unbecoming of me, because I am regarded as someone “spiritual” or “holy”, if you may say that.

But more than being imprisoned by this behavior that is not so uncommon, there is a struggle; a struggle to break free from it. It’s a struggle that is dictated by society. It’s a struggle that’s dictated by my mind. I must be free. I must be able to escape from it.

But it’s hard. It’s so hard. It’s very hard to escape from something that haunts you from time to time. It’s hard to escape from something that eats you at every opportunity it can get. It’s hard to escape the truth, the truth that’s supposed to set you free, but instead eats your whole being.

Help me. I need to break free.

Comments 1 Comment »