ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943
May mga pangyayari sa buhay na tipong napakasama ang dating sa atin. Nariyang may mamatay, may aalis, may masasaktan, may iiyak, at kung anu-ano pang mga pangyayaring nagdudulot ng sama ng loob sa atin. Minsan, dahil sa mga pangyayaring ito, may mga pagkakataong nagkakagalit ang mga magkakaibigan, nagkakalayo ang magkakapamilya, nagkakasigawan ang magkasintahan, at iba pa.

Minsan, hahantong ‘yan sa pagkawala ng komunikasyon. Hindi na mag-uusap ang mga taong nagkagalit. Hindi na sila magpapansinan. Hindi na nila kakamustahin ang isa’t isa. Hindi na nila ite-text ang isa’t isa. Hindi na. Never.

Pero minsan, may mga tao sa paligid nila na gusto na silang pagbatiin. Gusto na silang pag-usapin. Gusto na silang maging magkaibigan muli. Ano man ang intensyon nila, ang dalawang nagkagalit ang maiipit sa gitna. Hindi nila malalaman kung ano ang gagawin. Kung susunod ba sila sa mga taong nakapaligid sa kanila o hahayaang humarang ang pride nila.

Pero minsan kasi, hindi naman kailangan ng mga taong mag-uudyok na itext mo o tawagan mo yung taong nakagalit mo. Minsan talaga hindi nakakatuwa yung ise-setup ka. Minsan kasi hindi ka pa talaga ready na kausapin sya, worse comes to worst lalo pang magkakagalit yan.

Kaya sa mga taong pilit nang pilit diyan, isa lang ang payo ko: hayaan nyo kaming sumabay sa agos ng panahon. Darating ang takdang oras at panahon na mag-uusap kami. Darating yon, promise. At wala kayong karapatang i-disrupt ang flow of things, dahil guguluhin nyo lang ang mga mundo namin. Hindi tamang ipipilit nyo ang gusto nyo, dahil hindi naman ang gusto nyo ang dapat masunod lagi. Hindi tamang magpipilit kayo, dahil baka in the process sa kakapilit nyo, naiipit kami/ako.

Hayaan nyong tadhana ang magtakda ng oras at lugar ng muling pag-uusap. Dahil sa mga panahong yon, sarili lang namin ang masisisi namin kung bakit kami nagtagpo at nagkausap.

Sana maintindihan niyo. Darating ang panahong yon, at habang pilit kayo ng pilit na maging ‘ngayon’ ang panahong ‘iyon’, baka hindi pa tuluyang maganap ang panahong ‘iyon’. Sana gets nyo.

Okay?


6 Responses to “Sumabay ka lang sa agos”
  1. Ron says:

    [Manggugulo lang... o nanggugulo nga ba ang aking mga thoughts.ü]

    Paano kung ang mga taong yaon ay kasama rin sa sinasabi mong agos?ü

    Pero totoo…ü

    Maraming mga taong hindi matanggap ang mga desisyon at mga sitwasyon na kung saan kayo ay naroroon sa ngayon.

    Mga taong nabubuhay pa rin sa nakaraan…

    Mga taong hindi pa humupa ang pag-asa sa mga puso…

    Nagpapasalamat ako sa pagiging bukas natin sa isa’t-isa. Naroon ang tiwala na sa bawat araw ay lumalago.ü

    Tanging ang makakaintindi sa mga nararamdaman natin ay ang ating mga sarili din.ü Wala nang iba.

    Desisyon natin ang lahat.ü Mawalan man ang komunikasyon at lahat. Isang malaking pagpili ang lahat.ü Sa mga pagpiling yaon, ang tanging maipapangako ko lang sayo. Nasa likod mo ako. Nirerespeto ang mga desisiyon na yun.ü

    God, grant me the
    Serenity, to understand the thngs that I can’t,
    Courage, to change the things that I can and
    Wisdom to know the difference.”

  2. angelin says:

    hmm. tama yan.

    sabi nga ng teacher ko nung 1st year, may mga ibang bagay na kahit hanap-hanapan mo ng paraan para i-solve, di mo magagawa..kasi “time” na lang pala ang makakaayos nun.

    =]

  3. Gian Paolo says:
  4. mieszkanie kraków kazimierza wielkiego says:

    With regards to the passage above, does anyone have a copy of the minutes from the Chamber’s Council on Small Business meeting? I, too, oppose the Consumer Financial Protection Act (CFPA), as we do not need ever more regulation. Let’s cut red tape with a big pair of scissors.

  5. new ideas for business says:

    obviously like your website however you have to check the spelling on several of your posts. A number of them are rife with spelling problems and I find it very troublesome to tell the reality nevertheless I’ll surely come again again.

  6. tax County Fermanagh says:

    Hi awesome web site! Gentleman. Great. Great. I’m going to take a note of your site plus take the rss feeds furthermore? I’m just contented to get many handy information in the posting, we’d like develop extra associated with this reverence, many thanks for revealing.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>