ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943
Ewan ko ba ah, pero gustong-gusto ko ang kantang “I Know” ni Yasmien Kurdi. Yaaaccckkk, sabi mo. Yak na kung yak, pero maganda yung melody niya, tsaka maganda rin naman yung boses ni Yasmien, plus digital yung video niya so astig! Nagsimula lang yan sa isang LSS sa Rodic’s habang kasama kong kumakain ang dalawa kong classmate sa Math 2, si Annalee at si Camille, tapos after non parang sinusundan na’ko kahit saan: sa jeep, sa mall, sa school. Kailangan ko na siya ma-download! Haha… Ewan ko ha, pero there are certain guilty pleasures that I have na I’m not ashamed to tell, kasi that’s what I like eh. Wala naman silang magagawa kung gusto ko yon, diba?!

UPCAT Season once again! Reminisce, reminisce… last year, kina Khen ako natulog kasi di pa’ko marunong pumunta sa UP no’n mag-isa. The night before yung exam namin, doon pa lang ako nag-review, using Khen’s handouts kasi siya nag-review sa Review Center. Baon lang namin ni Khen ay tubig at Tuna Sandwich na hinanda ng mama niya (na yun ata ang nagpaswerte sa’kin! Haha!). Maulan din noong mga panahong iyon, at sa Basement kami ng Math Building nag-test. Hmmm… ano pa ba? Ah! Goodluck sa lahat ng Bosconians na kumukuha/kukuha ng UPCAT. Galingan niyo ah! Eto tip: pag di kayang sagutan, wag nang sagutan! Wag pilitin ang ayaw. Right minus 1/4 wrong ang UPCAT, pero hindi counted ang numbers na walang sagot as wrong answers. Hmmm… sa ganyang sistema ata ako nakapasa eh! Hehe…

Ilan kaya ang papasang Busko sa UP ngayon? Nung batch daw namin ang pinakamarami, 12 kami lahat-lahat. Anim sa Diliman, apat sa Los Baños at wag ka! Dalawa sa Baguio! San ka pa, diba?! Hehe… Epektibo kaya ang review sessions na binuksan ng ACAD department ng Busko? Nung batch kasi namin kanya-kanya ng review centers sa labas eh, kaya hindi nag-push through yung sa Busko. Pero ngayon, with Ma’am Connie as APAA, it pushed through. Pero, effective kaya…?

Wala lang… umuulan kasi eh! Sarap mag-senti… hehehe…


2 Responses to “Mga butil-butil na pag-iisip kasabay ng ulan”
  1. Dio says:

    Ehehehehe… Haaaaaay… Memories!

    Naalala ko pa nun na natapilok si Khen sa may simbahan… Jinoke pa nga natin na hindi sya makakapasa… Nagkatotoo nga…

    At naalala mo pa ba nung nakigamit ako ng CR sa college kasi nagegerbs na ako? Diba sabi ko sayo na may possibility na dun din ako magcocollege? Nagkatotoo nga…

    Tadhana nga ba o sadyang nagkataon lang? =)

    Miss you!

  2. khEN says:

    dio!!! hahahah…! nakapasa kaya ako! bwahahahaha! mali ung joke! wahahaha… hnd nga lang ako pumsok din hehe

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>