ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

Eto na…! Eto na ang post ko about our Cavite Trip sa Kas1! Wuhoooo!

Uke. July 30 yung Field Trip namin. 29 ng gabi nakitulog ako kina Ron, malapit lang kasi sila sa Quezon Ave. kaya madaling makapunta, wala pa kasing MRT ng mga ganung oras.

Naka-arrive ako sa Philcoa jeepney station ng mga quarter to six, eh 6am yung meeting time namin. Tapos may nakita akong familiar na figure at buhok na natutulog sa harap ng jeep. Aba! Si Sir Abejo nga, ang prof namin sa Kas1! Hehe… hindi ko na tinawag syempre noh natutulog eh!!! Kaya yun kampante akong hindi pa ako late.

Pagkarating ko sa AS Steps, andun na most of my classmates. Ayun, chika chika ngata ngata ng binili kong french fries sa Jollibee (I had a sudden craving for Jollibee that time. Hmmm… second childhood?! Ang aga naman!). A few moments later dumami na ang aming populasyon, tapos sumakay na kami sa Hi-Tech na bus!

Ang galing nung bus… well, ordinary aircon bus rin naman sya kaso merong extra features like yung separate na speakers for each seat para marinig nang malinaw yung tour guide, tapos may lights pang nalalaman! Hehe… So yun. A few moments later nakumpleto rin ang section namin.

Grabe… RIOT ang masasabi ko sa section namin. Halos lahat mga patawa, mga kalog! Grabe nagkokompetensya sa pagiging kalog (pero panalo syempre mga one-liners ni Belai!) Kesyo pag-alog-alog nung bus ginawang katatawanan! O, san ka pa, diba?!

Si Faye at ang Bus

Grabe itong si Cliff!
Dala-dalawa ang naka-unan!

Hala lagot ka Gilbert!!!
Bakit mo tinuluan ng sundae ang
buhok ni Jennifer??!

Una naming pinuntahan ang DLSU Museum sa Dasmariñas, Cavite. Dito shinoo-shoot yung school scenes nina Oliver at Jasmin sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Astigin yung school, green na green, pati nga lagoon nila green eh! Pinuntahan namin yung Museum na isang Bahay na Bato. Nakaka-amaze nga kasi yung placing ng mga buildings eh parang Pueblo na kung saan yung Plaza eh nasa gitna, nasa ituktok ang simbahan, nasa mga gilid ang ayuntamiento at nasa gilid rin ang mga bahay ng mga illustrado. Yung museum na aming pinuntahan eh isang replica ng bahay ng isang illustrado.

Astig yung Museum! Ang daming nakakaaliw na bagay, most especially iyung balon na sooooooper lalim!

Siyempre Class Picture!!!

O, what seems wrong in this picture?

Sunod naming pinuntahan ay iyung lugar kung saan pansamantalang ikinulong si Bonifacio, ang Casa Hacienda de Naic. School na siya ngayon kaya medyo inayos-ayos na, pero yung pinagkulungan kay Bonifacio intact pa rin, may brief pa ngang nakasampay eh! Hehehe… pero astig yon, parang Harry pala si Andres! Sa cupboard under the stairs kasi siya ikinulong.

Ang Reyna ng katatawanan:
Si Belay!!! (clap clap clap)

Raiza! Mag-review ba daw sa bus?!

Bakit kaya sila nakatalikod?!

Ah! Kumakain kasi ng Lunch!

Next stop is yung Bonifacio Trial House. Dito nilitis ang kaso ni Bonifacio, that turned out to be just a mock trial, dahil whatever defenses Bonifacio had, guility siya of the crime ayon sa mga hurado. We ate lunch sa bus na kung saan super cramped up kaya sa sahig na lang ako naupo at ang lamesa ko eh yung upuan. Yung mga tiga-Kalay astig!!! Nagdala sila ng mga de-lata kaya nangamoy tuna sa likod. Hehe… Matapos kumain, pumasok na kami sa loob. Ang tanging astig doon ay iyong mga paintings. Yung iba, etsapwera na. Then, nag-lecture si Einstein look-alike about Bonifacio’s life. Booooring. Mag-2-2pm na nun kaya kating-kati na kaming bumalik sa bus para manood ng UAAP.


Si Einstein ba yang nakikita ko??!

Grabe! Kanina 2 babae…
Ngayon… Ngayon, ngayon… kayo na ang
magtapos ng sentence na to!

Pagbalik namin, nag-start na yung game. Ayos kasi leading ang UP sa 1st quarter. Nag-chee-cheer pa nga kami sa bus eh! Grabe yung ingay namin, kami lang nag-iingay! Feeling ko nga naiiinis na yung kabilang section kasi ang tahi-tahimik nila, biruin mo magsisisigaw ba naman kami doon ng “U-nibersidad” at “Defense”?! Hehe… for sure na-piss off yung mga yun sa kaingayan namin, or indi lang sila makasabay. Hehehe…


Tensyonado!
Nanonood kasi ng UPvsAteneo game!

Hindi na namin naabutan yung ibang quarters kasi nag-start na kaming mag-hike. Pinuntahan namin yung historical site na kung saan “daw” inilibing ang mga labi ni Bonifacio, ang Bundok Nagpatong. Sa Bundok Buntis “daw” siya binaril ngunit ayon sa mga testigo, sa Bundok Nagpatong “daw” siya inilibing. May joke kami dito, kasi magkatabi lang iyung dalawang bundok na iyon. Kaya pagkatapos ng Nagpatong, Buntis na. Wehehehehe…

Alam mo ba yung pambatang kalokohang tula na “Andres Bonifacio, atapang a-tao”? Grabe hindi pala kalokohan yun! May historic theoretical background pala yung tinamaan ng lekat na tulang yun, biruin mo! Kasi daw, pinaniniwalaan na ang labi ni Bonifacio ay chinop-chop, kaya aputol a-kamay, indi a-takbo! aputol a-paa, indi a-takbo! aputol a-uten, atakbo a-tulen! Wehehehe…


Habang papaakyat ng Mt. Nagpatong

Raiza with the horsies…

Ngayon lang ako nakakita ng
Baby Horsie!

Alin, alin, alin ang…
prof namin sa Kas1? (Hulaan na!)

At eto pa isang trivia. Ang kauna-unahang presidente pala ng ating bansa eh isang malaking kalokohan. Grabe, noon, ang taas-taas ng tingin ko kay Aguinaldo, pero ngayon sobrang baba na. It takes a certain level of maturity and understanding para ma-grasp mo ang totoong history ng ating bansa. Traydor pala iyang si Aguinaldo! Kaya nung sa susunod naming pinuntahan, ang Aguinaldo Shrine, nag-cook-up kami ng plan na sunugin ito! Wahahahaha!!! Die, Emilio, Die!!! Oh shet, patay na nga pala siya…

Eto pang malupet! Sa lahat ata ng puntahan naming sites, may class picture! Hehehe… tapos andami ring kalokohan sa bus, pero di ko na sila ma-enumerate basta masaya! Haha at eto rin panalo, nung pauwi na kami, biglang magtanong: “Teka, ang saya-saya natin, alam ba natin mga pangalan ng isa’t-isa?!” Wahahaha! It turns out, hindi!!! Hahaha… Feeling Close to the mightiest nth level! Hehehe…


Klas Piktyur muli sa Aguinaldo Shrine

Kodakan sa Bus pauwi!

Naks drama…
To sum it all up, ito na talaga ang pinaka-masayang field trip na napuntahan ko! Salamat sa TFY1 ng Kas1 for making this trip soooo enjoyable! Special Mention: Belay, Jennilyn, Laurice, Joshua, Cliff, Johnny, Ryza, Richard, Clio, Gilbert, Faye, Marian, Danim (tama ba spelling?), Kristine, Kitkat, Jennifer, Caps, Zyrone, Jullie Anne, Kristianne at Ralph! Sorry sa nakalimutan ko (although I’m not supposed to!), pero TFY1, you’re the best!!!


One Response to “Sunugin ang bahay ni Aguinaldo!!!”
  1. crinaids says:

    oi bro di mo ako kilala pero kilala kita wahahahah…. hindi sa umeepal pero ty sa blogger mo nagawa ko na project namin sa HISTRY namis ty talaga bait mo mwah……….

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>