ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

Archive for July, 2005

Hay… ang saya-saya ng Field Trip namin! Grabe sana kahapon na lang yung birthday ko (Hapi Bertdey nga pala kay Jennilyn!!!). Grabe. As in. Kahit Cavite lang yung pinuntahan namin super enjoy naman ako! Ito na TALAGA ang PIIIINAKAMASAYANG field trip na pinuntahan ko! It’s not the bus, it’s not the tour guide, it’s not even the iteneraries… but more importantly, it’s the people na nakasama ko, ang Kas1 TFY1! Grabe riot talaga tayo!!!

Ang daming nangyari. Kaso la ako oras, nasa net cafe pa rin ako ngayon. Next time na lang ang kwento at pictures, all I can say is, the peopel of Kas1 TFY1 gives me even more reasons para umattend ng classes ko, kahit andaming temptations na mag-cut dahil sa schedule!

I love you TFY1! Go! TFY! Go!

THE CRAZY, ZANY people of Kas1 TFY1

Comments 2 Comments »

Uy… uy…

alam nyo ba…

na…

namatay…

na…

si…

DUMBLEDORE KASI PINATAY SIYA NI SNAPE, AT SI SNAPE RIN ANG HALF-BLOOD PRINCE SA HARRY POTTER BOOK 6!!!

Mwahahahahahaha!!!

Spread the virus. Na-spoil ako eh, so I’m just spreading the love around. Hehe… (Nabasa ko na Book6 through E-book, kung gusto nyo ng copy, hanap kayo! Madami sa tabi-tabi! hehe…)

Comments 168 Comments »

Nakakamiss naman itong blog na itu. Grabe. Imagine mag-iisang buwan na pala ako hindi nagba-blog! Akalain mo yun! Wala tuloy akong mapaglabasan ng sama ng loob noong mga nakaraang araw na nagdulot ng pag-iisip kung dapat bang ginawa ko ang isang nakaraang bagay ngunit alam ko namang mali ang isipin yon kaya nagbago di naman ang mood pagkatapos. Whew. Haha. Ang weird ko ngayon. Hehe. Is this how it feels to be seventeen? I feel so weird. Weird weird weird. Mas weird pa sa pagka-weird ko nung High School.

Damn, I need a social life, and fast. Grabe totoo nga. Pinatay ng UP ang Social Life ko. Well, not the whole of it (yet), dahil nakakapag-text, tawag at net pa naman ako (which doesn’t sound so Social after all). Ang hindi ko na lang masyado nagagawa ay ang gumala (huli kong nood ay The Island and before that eh House of Wax na noong May 20-sumthing pa) at mag-shopping. Wala kasing pera, kahit may oras naman (buti pa si Kuya Gary, maraming pera kaso walang oras! hehehe…). Pag may oras naman, nakakatamad kasi nakakapagod ang bumiyahe from UP hanggang bahay. Naisip ko na nga mag-board eh kaso ginagawa yung bagong bahay namin kaya hindi feasible.

Nag-decline din ako sa application ko sa MCO. Hindi kasi ako at par sa mga app process, gaya nga ng sabi ko kay Ate Flau. Hindi kasi ako para sa mga bagay na ganun. Mag-e-end up lang na magagalit at maiinis lang ako at mag-q-quit din in the long run. Basta, magulo, baka hindi muna ako mag-org in two or three years.

Mag-post ako ng pics ng Intramuros getaway namin last Sunday. Aliw yun, pati nung mga pictures.

O sya, dito na muna. Babush. Salamat sa mga bumati through text! Hanggang 12pm pa ang batian kaya, Bati na!!! =p

Comments 2 Comments »

Prrrrt!

Sobra na talaga si Justice Secretary Raul Gonzales. Napaka-immature and unethical sya, to think that he stands by the office that should be upholding rights of the Filipino people. Bakit ba kailangan pang magbigay ng Unsolicited Comments about people who doesn’t really concern his office?

Strike 1: Susan Roces – “She’s too beautiful to be sent to jail.” and that her statements are mere outbursts of “a griping widow”
This downright unfunny comment was made after Susan Roces made a statement about President GMA’s “statement” to the nation on July 27, 2005. Knowing full well that he is the JUSTICE secretary, he, of all people, has no right to judge Ms. Roces about her statements, as we are all entitled to our opinions.

Strike 2: Kris Aquino and Ex-Pres. Cory Aquino – “Bakit hindi na lang niya asikasuhin ang anak niyang si Kris kaysa makialam pa siya sa mga isyung pambansa?”
Now this one, is plain immature. It’s a desperate attempt to shut the mouths of people who try to condemn the stupid governement he’s “protecting”. How do all these rude comments even get attention? This one particularly made a buzz around the media as Kris Aquino is a part of an industry who sensationalizes every statement dropped by a certain person. No matter how desperate this act is, it is, plainly, immature and uncalled for, especially from our JUSTICE SECRETARY(!!!).

Strike 3: Satur Ocampo – “He is using government money to fund their Anti-Gloria protests.”
He made a statement about Party-List Representative Satur Ocampo that he is using government money to fund their anti-GMA protests. Proof of which, obviously, does not exist as of the moment. From what premise is our justice secretary basing all his comments? They are such rudimentary statements, desperate at that, issued to protect a government which is headed for the pitfall. I think it’s high time GMA shuts this guy up, or else he’ll elicit more complaints.

At ang pinaka-foul sa lahat…

Strike 4: on UP’s Charter – “I’m going to review UP’s Charter. Hindi na kasi nito na-se-serve ang purpose nito na mag-provide ng quality education. Masyado nang maraming mayayaman sa UP. Nagiging breeding ground lang naman ng mga anti-government”
Isa lang ang masasabi ko, to Justice Secretary Raul Gonzales and PGMA and whoever they are who are allies of these two mongols:
“YOU CREATED THIS MONSTER!!!”
Thank you. At isang malaking SHUT UP!!! para kay Raul.

Happy birthday to me! ^_^ Happy indeed…

Comments 13 Comments »

Busy-busyhan kahit di naman busy.

Hectic-hectican kahit di naman hectic.

Arte-artehan kahit di naman maarte.

ATE FLAU, I’m REALLY SORRY!!!

Huhuhu…

July 29, 2005 minus July 29, 1988 equals 17.

DO the math. Ummm… not literally. Though.

Comments 19 Comments »

UP GO!

UP WIN!

ISIGAW!

UP FIGHT!

U-nibersidad ng Pilipinas!

Matatapang, Matatalino!

Walang Takot, Kahit Kanino!

Hinding-hindi Magpapahuli!

Ganyan kaming, mga taga-UP!

U-nibersidad ng Pilipinas!

Uuuuu!!!

Grabe saya saya!!! Opening ng UAAP kanina and guess what?! TALO USTE!!! Go UP!!!

Wala akong boses. La ding maisip i-blog. Wala tuwang-tuwa lang ako kasi panalo UP! Haha… kasama ko din si Shye kanina, classmate ko sa Kas1. Haha kulet naming dalawa!

Grabe kala ko talo na UP… Thanks Kuya Jess!!! ;)

Comments 3 Comments »

Bakit ganun? Grabe. Ewan ko kung totoo, pero how could it be? Naranasan mo na ba yung wala ka namang ginagawa pero sobrang laki nung nagagawa mo sa ibang tao? (Both in the positive and in the negative aspect). Ewan, pero I never meant for things to happen but it did happen.

One thing I know for sure is, I’m not the one who has a problem. >_^

Comments 2 Comments »

Ahoy… namiss ko ang aking bloggy-doggy. Remember yung modem na hiniram? Ayun. Sinoli na siya, kaya eto madalang ang pagba-blog.

Last Monday, shocking. Umamin na si Gloria. No wait, nagsalita na pala siya, pero di siya umamin. Ang bobo talaga ng presidente natin. Sigh… nakakawalang-gana maging Pilipino these days…

Buti na lang masarap maging UP-an! And most especially magiging mamamayan ng block K-6! Block pic taking last wednesday sa Rookie Camp sa Sunken Garden. Ang saya saya! May inflatables pang nalalaman! Haha ultimate bonding at kuwentuhan pa sa boarding house ni Vienna, aka the K-6 bagong tambayan! Haha… mishu blockmates!

Kagabi naman is yung Freshteeeeg Concert. I really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really really want to go pero I was sick since Monday, kaya kailangan ko ng rest otherwise patay ako next week. Tapos di ko rin alam pano umuwi pag gabi na!!! Huhuhuhuhuhu baka ma-holdap pa ko kaya hindi na lang ako pumunta although talagang gustong gusto kong pumunta.

Ngayon naman, I’m still sick. Hay… ewan ko nga kung gagaling pa ako.

Sked for Next Week:
Wednesday – Gym Mass sa Busko (mga ka-batch, punta naman tayo!)
Thursday – Bonding Session with K6 again, watching A Series of Unfortunate Events sa Film Center
Friday – FIRST EVER Long Exam. Bad Trip, sa NATSCI1 pa natapat!!!
Saturday – U-NIBERSIDAD NG PILIPINAS! GO UP! Opening ito ng UAAP, at kahit semi-required lang kami pumunta for our PE, pupunta pa rin ako!!! Required man o hindi, I’m there. I wanna see UP prey on UST. Wehehehehe…

Comments 3 Comments »