ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943
Hay! Ang mga Pinoy talaga! Lagi na lang, sa harap ng krisis, nakukuha pang tumawa at magbiro!

Di naman lingid sa kaalaman ng lahat ang eskandalong kinakaharap ni PGMA diba? Ewan ko ba kung bakit patuloy na nananahimik ang pangulo sa kabila ng mabibigat na paratang sa kanya. Pero I guess talagang nagulat siya sa kontrobersiyang ito. Normal Human reaction na ang tumahimik at mag-isip kapag biglang nahuli sa aktong marumi, hindi ba? Isipin mo, pag bigla kang nahuli sa akto ng nanay mo na nangungupit ng pera sa wallet nya, diba tatahimik ka tapos iisip ka ng alibi? Sa tingin ko yan ang ginagawa ni Gloria ngayon, nag-iisip ng daan palabas sa iskandalong ito. Oo, posibleng magka-Martial Law, pero wag naman sana.

In my perspective, I know Gloria is guilty. Yes, I KNOW, hindi I THINK, na nandaya siya sa eleksyon. Nung nag-volunteer kami sa NAMFREL last election, we saw election returns na halata namang dinaya, and those election returns eh galing dun sa mga lugar kung saan pinoprotesta ni FPJ na dinaya siya. Halatang dinaya kasi tingnan mo naman, sa isang election return na nakuha namin, si GMA 200++ ang votes, while all the others are ZERO. Imagine that, bizaare diba?! Kaya nagulantang talaga kami non. Pero there’s only so much we can do kaya ni-report na lang namin sa desk officer namin.

Anyways, I really should think she should make a move or else, ummm… may mangyayaring masama! Silence means yes, but silence also means no. Betrayal of Public Trust ito, a major one! Kapag hindi pa sya nag-explain sooner or later, may mangyayaring masama na talaga.

Ayun… so anong point ko? Kasi diba nga may Krisis ang bansa natin ngayon dahil sa ating kupal na Pangulo? Eh tayong mga likas na malilikhain at mapagbirong mga pinoy, sa gitna ng gulo tawa at asaran pa rin. Kaya ako’y naghanap sa net ng sinasabing “Hello Garci” na recording, and look what I’ve stumbled upon!

Hello Garci! (488KB, MP3 for PC and WAV for cellphones)

Hahaha… nakakatawa as in!!! Grabe mga Pinoy talaga lakas mang-gantso! Hahaha… yan na ang message alert tone ko ngayon! Wahahaha!!!

Onga pala, I got those files from TxTPower. If you want to read the transcript or hear the GloriaGate Tape Scandal, you can proceed to PCIJ, andun ang mga kumpletong dokumento.


16 Responses to “Hello, Hello, Hello Garci…”
  1. Anonymous says:

    in case what you are saying is correct, who do we trust now and replace her????

    ala lang, just a thought :)

  2. JM Tuazon says:

    Haha… anonymous! Kung iyong mahahalata… palagi kong sinasabi na pag wala pang ginawa si Gloria, may… “mangyayaring masama!” hahaha… kasi frankly speaking di ko rin talaga alam… parang there’s no better person to replace her nah… lahat naman sila may tendency maging corrupt… hay kung pwede lang mag-migrate na…

  3. Lorenz says:

    lol to the nth! pinakinggan ko yung hello garci audio clips hihi… wala lang, medyo nakakatuwa siya, but not as funny as, “you filipino pancit eating mader hamper.” hahaha.

  4. Anonymous says:

    mag-migrate… then you are falling in the trap where people who know and understand leave or want to leave the country.

    others who knows don’t try to understand and just live their own life.

    many don’t know and these should be influenced by those who know and understand.

    kaya people will say that nothing happens in our country because nobody wants to do something.

    and others who do something would sooner or later give up kasi in spite of what they did, those who know and understand leaves :)

    and there’s the trap

  5. Anonymous says:

    Maybe i’m in another world with you all. I’m from cebu where the million votes she won. We never protest on the outcome of the election because we believe that it is true. We even have a pre-election in our company and only 2 votes where into FPJ come to think that we are 6,000+ employees. So if you ask us(Cebuanos) if we believe this allogation the answer would be NO!

  6. Anonymous says:

    sa tingin nyo 22o ang cnasbi ni gloria? ano ba yan lahat na lang ng presidente gs2ng ipatanggal!!!!
    kelan aasenso ang pilipinas? lahat na lang corrupt!!! kng gs2 nyo na umasenso tayo cmulan nyo muna sa sarili niyo! star the change in your own way!!!

  7. Anonymous says:

    FPJ ano pa ba ang silbi ni FPJ eh patay na siya remember hindi ako maka gloria pero hindi rin ako maka FPJ!just be practical! yun ang binoto nyo pagtiyagaan niyo! sa gobyerno wala namang hindi kurakot! kung iisipin bakit ka pa tatakbo na presidente kung ang sweldo mo lang ay 300,000 annually? para makatulong??? yuck! hindi na tayo bata wag na tayong maglokohan!

  8. JM Tuazon says:

    Wow… we’re having quite a debate in here!

    First, balwarte ni GMA ang CEBU (or at least most of it) kaya walang duda na nanalo nga siya doon. Wala naman sinabing nandaya si GMA sa Cebu diba? Kasi di na kailangan. Obvious na ang obvious.

    Second, Ui tama ka!!! Lahat na lang ng Presidente pinapatanggal. It’s much better nga kung wala na lang presidente (at least in my opinion), kasi may presidente man o wala, walang direksyon ang Pilipinas (again, in my opinion). Pero pano ang isang nasyon kung walang lider, diba? Hmmmmm… I’m arguing my own arguments… I’m such a shame! Ha ha ha…

    Third, Oo wala na ngang magagawa si FPJ, pero tayo meron. Tama ka rin na lahat sa gobyerno kurakot. I suggest ang maupo sa puwesto ay either soooooobrang hirap (pero may alam) o soooooobrang yaman (pero may alam rin syempre). Bakit? Kasi wala na silang intensyon na mangurakot pa. Ang sooooooobrang mahirap na tao ay nakikidalamhati sa kapwa nya mahihirap. Pero come to think of it, si Erap yon diba? Hmmmm well at least yun ang sabi nila… at ang sooooooobrang yaman naman na tao eh hindi na kelangan mangurakot kasi nga, well, sobrang yaman na nya diba?

    Eto ang main point: We Filipinos have lost our identity. Gravely. We need to get it back.

    How?

    Through the help of the youth.

  9. Anonymous says:

    bakit kasi naman sa simula alam naman nila na dadayain lang sila eh tinuloy pa ni FPJ tumakbo, kasi sa sulsol ng kumpare niya na nakakulong na tumakbo, it’s obvious naman para makalaya siya at mawala lahat ang kinaso sa kanya.in my opinion kahit na sinong presidente pa ang ilagay natin diyan ay wala rin mangyayari, kung si FPJ ang naging presidente baka mas triple pa ang hirap natin ngayon, bakit? ano aasahan mo sa isang tao na wala namang alam sa pagpapatakbo ng gobyerno, iba iyon sa pagpapatakbo ng film production na laging sinasabi ng mga supporters at ang pagtulong sa mahirap ay iilan lang di tulad sa gobyerno na buong Pilipinas ang kailang tugunan niya. I admire FPJ as a movie actor kaya nga kayang kaya niya mga 2 batallion na hapon eh. im not saying this dahil pro gloria ako, ni isa man sa kanila wala akong simpatiya. pag pray na lang natin ang bansa na sana magkaroon tayo ng pagkakaisa, at magtulong tulong. hindi iniisip ang pansarili. iyon lang po….

  10. Anonymous says:

    well talgang deadma na lng me kasi la namn substitute atin president.for me worst will come if si FPJ ang nalo kasi d nya naman ma tapos ang term nya ksi ma dedo rin naman sya and la sya maganda platform. And under ky GMA my development talga sa bansa ofcorse d pa natin ma feel yan kasi under development pa tayo. and marami tao di naman tumutulong puro reklamo lang.

    Ayaw na me talaga mag change president so me support na lang GMA.

    siguro si erap may pakulo nito kasi gusto nya ipag higanti si FPJ sa speech nya sa burial ni FPJ.

    and I agree kung gusto nyo umasensenso ang bayan simulan sa sarili. kasi lahat tayo corrupt di lang ang officials no! kailngan natin guidance nang Lord.Lets pray for our nation.

  11. Anonymous says:

    In my own side i think our excellency has do nothing. She’s not guilty. Until now there’s no strong evidenced na nandaya nga talaga ang ating presidente sa election. I think sa nakita ko sa kanya during her revelation she’s sincere, so why won’t give her another chance di ba!. Eventhough on the opponents they want G.M.A resignation do you think our president will surrender, ah…no way..

    What if in case mag-resign si G.M.A, who do you think ang papalit sa kanya? Do you think that person in case could solve our economic crisis?. Sa akin there’s no possibility to improve our ecomic status wala na talaga. Kaya the Hello-Garci tape scandal is not the basis to oust our president. She’s just a human. No one is perfect. Bakit perfect ka ba to judge G.M.A.

  12. Anonymous says:

    Better to resign and apply a transition government.

  13. Anonymous says:

    I dont recommend another people power to step down gma. she must have to the initiative to step down and let the rule of law to decide who will be the next president. by now gma has no dignity and cridibilty to continue to govern’ she must do something and the best thing he has to do is to vacate her post and let her succesor or somebody else to take over & who has capability to govern with dignity and cridibilty.
    Remember we have to be honest to ourselves so that everyone of us will be very effective to do our
    duties and responsibilities.

    By the way folks’ I’m Roland from Daet Camarines Norte…

  14. Anonymous says:

    Nakakapagngitngit but I read the 67-page transcript of the 3-hr tape. Sa mga GMA supporters,I respect your right to sympathize with her.But pls don’t twist d truth and say she’s innocent! Ano ung tape, drama sa radyo? I urge you to listen to the tape and conclude.
    Hindi dahil puro palpak ang mga dating pangulo, we’ll just settle with whoever is seated and pray that she’ll mend her ways. Sabi ni Nora, Walang himala!
    I’m not perfect but I WILL NOT HAVE A THIEF FOR A PRESIDENT!
    Wag nyong sabihin walang pagpilian at lahat corrupt! There are still many honest and dedicated Filipinos who can help ease our pain with moral integrity and political will. Pansinin natin sila! We are just a nation who loves glorifying crooks and putting down good men. Face it, we are not ready for an honest government. And I pray one day very soon, we will be.
    -ARC of Cavite City

  15. Anonymous says:

    Support?…my Goodness!!! para mo na ring cnabi na kampi ka sa mandaraya at masama.alam kong lahat cla ay may interest na magnakaw at magsamantala. my friend, hindi ako maka-kaliwa o maka-kanan, what where talking here is, dignity at delikadeza…sangayon ako sa iba na marami dyan na pedeng ipalit na handang maglingkod… come to think of it, c Erap hindi nya ina-amin pero inakusahan cya, at hanggang ngayon di umusog ang kaso. eto isang ahle, halos aminado na. di ba dapat pantay ang batas?

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>