ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

Tayo’y nagdiriwang muli ng ating anibersaryo, kabangka!

Di lingid sa ating kaalaman na ang ating bangka’y medyo bumagal sa paglalayag sa nakaraang taon. Sariwa pa sa aking isipan noong mahigit isang taon na ang nakakaraan nang medyo naging malumanay ang ating paglalayag.

Kahit mabagal tayo, at least kumikilos pa rin! Nawala nga yung internal formation, pero mga external affairs naman ang tinira natin. Nandyan yung graveyard shift natin sa NAMFREL, yung pamosong Savio AVP natin for the Savio@50 Congress, yung mga pag-facilitate ng mga Days With The Lord Workshop, yung Alay-Lakad at kahit nga lang yung simpleng pag-prusisyon at pagbaba sa mga bahay-bahay nung ating cross, sama-sama pa rin tayo!

Natutuwa ako kasi nagkaroon ako ng pagkakataong makasakay sa bangkang nagngangalang VESSEL (wow… ummm… pun intended?). Dahil sa mga Ka-VESSEL kong ito, ako’y napabalik sa pagtahak ng landas ng ating pinakamamahal na si Kuya Jess. Dahil sa VESSEL, nagbago ako… at utang ko ang pagkatao ko ngayon dahil sa VESSEL!

Kaya magbabayad na ako… wait lang… withdraw lang ako… (shet ang kornee!!!)

Anyways… sa aking mga Ka-VESSEL Kabangka,Image hosted by Photobucket.comHAPPY ANNIVERSARY!!!

See you lahat sa salu-salo mamaya!!!


Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>