ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

Pinanganak akong may nunal sa kaliwang paa.

Pilit ko mang tanggalin o dukutin ang nasabing markang wari’y nagpapapangit ng aking magandang paa, hindi maaari. Ako’y stuck sa paang may pangit na marka sa may bandang kaliwa.

Ayon sa pamahiing Pilipino, ang taong may nunal sa kanan man o kaliwang paa ay mahilig maglakad. Sa maniwala kayo’t sa hindi, ako ay isang “living testimony” na totoo ang pamahiing ito.

Oo, mahilig akong maglakad. Bata pa lamang ako ay naglalakad na’ko. Kung saan-saan ako nagpupunta, kahit hindi ko naman alam ang aking patutunguhan. Hinahayaan ko ang aking sarili na dalhin ng aking dalawang makapangyarihang paa, ang susunod naming adventure ay di ko alam.

Ano nga ba ang meron sa paglalakad? Bakit ako masyadong nahuhumaling sa paglalakad?

Maraming tao ang nayayamot kapag naglalakad nang malayo. Kesyo sumasakit ang paa, kesyo hinihingal, kesyo hindi trip maglakad. Kaya naman buong buhay ko, naglalakad ako nang mag-isa. Kasi, wala akong makitang katuwang ko na makapagtitiis na maglakad nang ganoong kalalayong distansya, kasama ako, kahit wala naman talaga kaming patutunguhan.

Isa lamang ang satisfaction na nakukuha ko sa paglalakad. Bukod sa beneficial ito sa aking pagpayat, natutulungan ako nitong makapag-isip. Makapag-reflect. Makapag-muni-muni. Oo, sa pamamagitan ng paglalakad, dahil wala naman akong ibang makausap o makita, nag-iisip ako.

Minsan, kung may problema ako, naglalakad ako. Ine-evaluate ko lahat ng mga nangyayari kung bakit ako nagkaproblema, at sinusubukan kong isipan ng solusyon ang mga iyon.

Minsan, kung may gusto akong bilhin, naglalakad ako. Kasi, alam ko naman sa loob-loob ko na hindi ko kayang bilhin yon, kaya ginagawa ko ang literal na “daydreaming”. Pagkatapos non, wala na. Hindi ko na sya gustong bilhin. Parang na-”consume” ko na sya sa aking paglalakad.

Minsan, kung tuwang-tuwa ako, naglalakad ako. Kapag gusto kong mag-sight-seeing, o di kaya’y mag-window-shopping. Simpleng mga bagay na pagtingin sa billboard o pakikipaglaro sa pusakal, natutuwa na ako.

Ilang summer vacations ang nakalipas, may madalas kaming ginagawa ng dati kong bespren na si Ivory. Madalas, dadaanan nya ako sa bahay, tapos maglalakad kami sa buong barangay, mag-uusap lang kami tungkol sa kung anu-ano. Sa isip-isip ko, sya na kaya ang hinahanap kong katuwang sa paglalakad?

Hindi pala. Short-lived ang aming walking escapades. Summer lang sya nag-last, dahil, syempre, hindi naman namin magagawa yon ng pasukan kasi sobrang busy kami.

Miyerkules ng hapon, tinext ako ng aking soulmate, magkita daw kami. Sabi ko sa sarili ko, “Ah! Eto na yung chance ko. Eto na yung chance ko na i-prove ko sa aking soulmate slash bestfriend yung sinabi ko sa kanya na *doublequote*Haaay… how I wish I could always be there for you whenever you need me… gaya ni William at ni Abby*closedoublequote*.” Kaya naman dali-dali akong nagtanong ng plano, ng venue, at ng oras, para mapuntahan sya at makapag-usap kami, dahil mukhang may problema siya.

Nagkita kami sa Starbucks Araneta Center. Nag-usap-usap kami sa mga bagay-bagay, pati na rin mga problema. Lumipat kami ng Taco Bell upang makapag-usap pa lalo. Doon ko na naramdaman ang tunay na saya, kasi nagawa ko, na-prove ko, na I will always be there for her whenever she needs me.

Medyo gumagabi na kaya kailangan nang maghiwalay. Kapwa kami tumakas lang mula sa aming mga magulang, mga saliwa ang paalam. Hinatid ko sya sa sakayan ng jeep. Dumaan kami sa gilid ng Araneta Center, at doon kapwa naghawak ang aming mga kamay. Natuwa ako. Actually, I was elated. Di ko na maalala nung huling beses na ginawa ko ‘yon, yung exactly ganun talaga, kasama ang isa sa mga taong pinakamamahal ko sa aking buhay.

*KAZOOOMM!!!* Biglang may nag-ingay. Nasira ang moment. Sino ang nag-ingay? Si Kitchie. May nakita kaming poster nya na may concert sya (With Rivermaya entitled “Same Ground” sa Araneta Coliseum sa April 16. I don’t know the ticket prices but who wants to come with me?! :D ). Ako namang Kitchie Fan, *uhurmobesseduhurm*, tuwang-tuwa at pinutol ko panandalian ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Tinitigan ko ang poster ng concert with much *obsession* and delight.

Sa lahat ng pinagseselosan nitong Bestfriend ko, etong si Ate Kitchie ko ang pinakamatindi. Ahehe… kaya ayun, nagtampo panandalian, kaya’t binalik ko na lang ang hawak ko sa kamay niya, at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

Natuwa ako. Para kaming dalawang batang naglalakad nang magkahawak ang kamay. Kapwa makulit, kapwa bangag, kapwa may topak, pero anong paki nila? Dalawa kaming may paki sa isa’t isa, at yun na lamang ang naging importante sa mga panahong iyon.

Tuwang-tuwa talaga ako. May kasama akong maglakad, at magkahawak pa kapwa aming mga kamay. Ang sarap ng feeling!

Nang makarating na sa sakayan ng jeep, hindi lamang naghawak ang aming mga kamay. Niyakap ko siya, at niyakap niya ako, isa sa mga unang beses kong ginawa iyon. Ang sarap na naman ng feeling. Matapos naming magyakapan, sumigaw ang tadhana. Kailangan nang maghiwalay. Hanggang sa muli, aking matalik na kaibigan!

Ngunit hindi diyan nagsisimula at nagtatapos ang kuwento ng aking paglalakad, sapagka’t matapos ko syang ihatid, tsaka pa lamang nagsimula ang aking adventure.

Maaari akong sumakay ng MRT, o di kaya’y ng Bus, ngunit dahil likas sa akin ang maglakad, pinili kong maglakad. Oo, maglakad, mula Cubao hanggang Starmall. Cubao… Starmall. Bahala na lang kayong mag-isip kung gaano kahaba ang nilakad ko, at kung gaano ko katagal tinahak ang nasabing daan.

Nakakapagod, oo, pero binigyan ako nito ng sense of fulfillment. Bakit? Kasi parang may na-achieve ako na isang bagay na never kong ma-imagine na magagawa ko, pero ayun, nagawa ko pa rin.

Sinabi ko sa aking soulmate ang ginawa ko. Expected ko na ang magalit siya. Pero hindi. Hindi lang siya nagalit, nag-hysterical pa! At nag-guilt trip pa! Hinding hindi ko alam ang gagawin ko, parang naiiinis na ako kasi nagkakaganoon sya. Hindi ko maatim na umiiyak siya dahil sa ginawa kong yon, at ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkakaganoon.

Sabi ko sa sarili ko, “Ah! Mga babae talaga… hindi ko maintindihan!”

Sabi nila, “It takes one to know one.” Kinausap ako ni Ate Gail (na may bagong layout) tungkol sa problema ngang iyon. At dahil sa pag-uusap naming iyon, lubusan kong naintindihan kung bakit nagkakaganoon ang soulmate ko.

Hindi pala galit ang tawag don. Concern. Concern pala… itatak mo yan sa noo mo, JM!

Maya-maya pa, nalaman ko rin mula sa kanya mismo kung bakit siya nagkaganoon:

“D nmn kta pnpgilan e.pro sna sa ssn0d, isama m0 nman ako.mnsn msrp dn mglakad na may ksma.kht d nguusp bst mgkahawak ang kmay hbang ngllkad sa kahabaan ng edsa.”
*cue for “Ang Huling El Bimbo” in the background*

Wow. Yun pala yon. Gusto niya, kasama ko siya sa bawat lakad ko sa aking buhay. Gusto niya siya ang aking katuwang sa pagbagtas sa mapanganib na mga daan. Gusto niya, kasama ko siya, kahit kailan, kahit saan, kahit sa EDSA pa man yan. ü

So, sabihin mo sa akin, gaano kasarap maglakad?

Mag-isa? Masarap.

May kasama? Abot-langit ang ligaya! ^_^ ü


6 Responses to “Gaano kasarap maglakad…?”
  1. belette says:

    wag mo na gawing matalinghaga pa yung part na ‘to… Nagsama ito at naging isa, at bumuo ng bagong nilalang, ngunit panandalian lamang.
    ang pangit pakinggan.. hehe.. ang sagwa.. puwede mo namang sabihing magkahawak tayo ng kamay at nagyakapan bago magkahiwalay… tsk tsk.. hehe… =)nagpaalam ka na saken diba? nahihiya ka pa yata eh… =p

  2. gaiL says:

    yan buti naman ok na kyo ng soulmate mo…

    kaya lagi mo talaga tatak sa noo mo ang salitang CONCERN.

    (-;)

  3. Tina says:

    nilakad mo mula cubao hanggang starmall?! ang layo nun ah…4 stations ng MRT?! waaah. grabe ka.

  4. Kate says:

    aww.. galing mong bata ka.. pati pala paglalakad eh master mo..

    Ayy.. sweet nyo naman… buti naman at okay na ang lahat..

  5. Our Company Homeloan2u takes care of your housing loans needs in a fast and efficient manner Our team, with more than 30 years of combined experience in the banking industry helps homeowners secure the right housing loan package that is tailored to their says:

    Incredible concerns here. Now i am content to visit your article. Appreciate it a great deal and i am looking in advance to contact anyone. Might you you should fall me a mailbox?

Trackbacks
  1. adult match maker says:

    adult match maker…

    [...]Gaano kasarap maglakad…? | Blue Pencil Chronicles | News and Views of a Journalism Major[...]…

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>