ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

Archive for March, 2005

Image hosted by Photobucket.com

Best Smile Awardee: JM Tuazon
Awarded by: Sfogs.com


Dahil sira ang pc ng aking pinakamamahal na kaibigan slash soulmate slash kadikit-bituka, ako muna ang magbblog para sa kaniya… Hmmmm… Ano ba ang nangyari sa aking soulmate nitong mga nakaraang araw?

Well, ayun nga, nasira ang kaniyang pc kaya’t siya’y kasalukuyang nagdadalamhati… Hindi niya magawa ang mga dapat niyang gawin… Ang Memoirs, ang kaniyang “surprise” para sa akin at ang daily entry niya sa kaniyang astiging blog… Marami pa nga palang dahilan kung bakit siya nalulungkot yun… Una, hindi siya nakasama sa Batulao… At nabanggit pa sa akin ni Ron na maluwag pa daw sa sasakyan… Nung nasabi ko sa kaniya ito, lalo siyang nanghinayang sa kaniyang hindi pagsama sa nasabing lugar… Kawawa naman ang aking soulmate… Hindi bale, itutuloy na lang namin ang aming pinaplanong paglalakad sa kahabaan ng Edsa… =)

Hindi nga rin pala natuloy ang aming binabalak na bakasyon sa aking hometown, sa Manaoag. Sayang! Pupunta rin sana kami sa Baguio kaso di nga natuloy. Kainis! Well, okay lang, kahit hanggang Starbucks at Taco Bell na lang kami dalawa. Basta magkasama kami nitong aking pinakamamahal na kaibigan. Haaaaay… Miss ko na tuloy si JM… =(

Wala na akong masabi. Kasalukuyang nagmamalfunction ang aking brain cells. Kailangang i-defrag sa lalong madaling panahon!

Belette now signing off…

Comments 2 Comments »

Black Saturday’s starting to get… gloomy. Even though there are clouds momentously swooping by the blue sky just outside my window, it’s starting to get real dragging by the minute.

And because of this idleness and boredom I’m going through right now, I’m gonna bring you yet one pathetic, lame excuse for a blog.

Passing the University of the Philippines required a lot of tasks to be carried out before we get to the final stage, the registration slash enrollment. There are Confirmation of Enrollments, Pre-Enlistments, Document Verification and Physical and Medical Check-ups.

The first time I browsed through my UP Acceptance letter (Read: almost 20 pages!), I was fine with all the pre-requisites, since I cannot enter UP anyway without those. Well… not until Mico divulge some information about the PHYSICAL AND MEDICAL CHECK-UP.

Image hosted by Photobucket.comAccording to his mom, the PMC (Physical/Medical Check-Up) will be held with patients stripping down only to their undies. Cringe. The thought of it made me cringe at that moment. I browsed through the Letter once again to verify such information, and…

It was true. The letter read, “…are encouraged to come newly bathed and in fresh underwear.” I was doomed. No wait, we were doomed. To date, this’d be the first time that we’ll go somewhere unknown to us, meet somebody unknown to us, do something unknown to us, in only our underwear. How humiliating can it get?

I was trying to battle Mico off the thought of it. He kept on insisting that we’ll be inside a certain room, all of us applicants, down to our undies. I kept on telling him that’d be too awkward and the university won’t allow such a thing to happen, and that in the letter it is stated that “…consultations are to be done individually.” But still, he kept on insisting.

But hey, there’s nothing wrong with imagining the worst case scenario. No wait there is. EVERYTHING’s WRONG with imagining it, so quit it, Mico! This’d be the first time we’re gonna be doing this so just the thought of it makes us cringe.

Oh, God, please not! ^_^

*If you think I’m exaggerating or acting lame, then go try it yourself. Go some place secluded, bring a stranger, strip down to your undies and tell me how you feel. I’d congratulate you if you happen to live by that moment without cringing. Brrrrrr!*

Comments 5 Comments »

I miss Don Bosco Batulao. This was the place where we held our Last Retreat as a Class last October 8. The place was serene, pristine and awestrucking. The perfect place to sit down, close your eyes, and reflect, communing with nature.

I was so elated when I received an invitation from my YUPPEACE Ate’s to join their trip to Batulao this weekend for the Easter Vigil, and eventually for Ate Alona’s christening as well.

But chances are, I am unable to join the trip because of lack of, hear this, transportation space.

Well, I guess the trip really wasn’t for me, although it’d do me real good to escape the hustles and bustles of the city for a while, and, finally, scream my lungs out into the open and nobody would care.

Image hosted by Photobucket.com

Haaayyy… Batulao… kelan tayo muling magtatagpo? Hanggang picture ka na nga lang ba?

*MADAYA! Bakit si Lolo Ron, kasama? Pang-matatanda nga lang ba itong trip na ito? :p*
**Haaayy… I feel so miserable… can’t get over… pero kailangan… haaayyy… Can’t fight the moonlight… can’t fight the feeling… di bale… may next time… may next time…**

Comments 4 Comments »

May favorite kaming show nitong aking Soulmate, yun ay ang “Bestfriends” na pinapalabas tuwing Miyerkules Alas-Nuebe ng Gabi sa “Wednesday Lupet!!! Nights” ng IBC 13.

Ang “Bestfriends” ay show tungkol sa dalawang mag… Bestfriends! Ang magbespren na ito ay si William (played by William Thio) at si Abby (played by Abby Cruz… duh!). Si William ay may pagka-coñong yuppie, habang si Abby naman ay may pagka-tomboy na tweetums.

Ang rason kung bakit gustong-gusto namin ni Soulmate itong show na ito ay sa kadahilanang sobrang nakaka-relate kami sa mga pinagdadaanan nina William at Abby. Andyan yung mga pag-aaway, mga sweet nothings, mga kakulitan, mga kabangagan, mga ka-dramahan at kung anu-ano pang mga kasama sa “Bestfriend” package.

Madalas, we assume the roles of William and Abby. We walk a mile in their shoes. Pinag-uusapan namin yung mga isyu nina William at Abby habang pinanonood sila, talking about what should be their next move. Sa sobrang engrossed namin sa show na ito, it even came to the point na muntik na kaming mag-away! (Yun yung episode na nagalit si Abby kay William because he is willing to turn his back on her just to give way sa boyfriend ni Abby, si Paul. Of course, I take William’s side saying that it’s really hard for him to make a decision, and she takes on Abby’s side saying that it isn’t right to turn his back on her dahil lang sa boyfriend.) O, san ka pa?!

Another thing na gustong-gusto ko dito sa palabas na ito ay yung opening credits. Ang cute nilang dalawang nagkukulitan sa isang parte ng parke malapit sa dagat (location still unidentified), habang sa background ay tumutugtog ang “Accidentally In Love” by Counting Crows, ang theme song ng Show.



Counting Crows
Accidentally In Love

So she said what’s the problem baby
What’s the problem I don’t know
Well maybe I’m in love (love)
Think about it every time
I think about it
Can’t stop thinking ’bout it

How much longer will it take to cure this
Just to cure it cause I can’t ignore it if it’s love (love)
Makes me wanna turn around and face me but I don’t know nothing ’bout love

Come on, come on
Turn a little faster
Come on, come on
The world will follow after
Come on, come on
Cause everybody’s after love

So I said I’m a snowball running
Running down into the spring that’s coming all this love
Melting under blue skies
Belting out sunlight
Shimmering love

Well baby I surrender
To the strawberry ice cream
Never ever end of all this love
Well I didn’t mean to do it
But there’s no escaping your love

These lines of lightning
Mean we’re never alone,
Never alone, no, no

Come on, Come on
Move a little closer
Come on, Come on
I want to hear you whisper
Come on, Come on
Settle down inside my love

Come on, come on
Jump a little higher
Come on, come on
If you feel a little lighter
Come on, come on
We were once
Upon a time in love

We’re accidentally in love
Accidentally in love (x7)

Accidentally

I’m In Love, I’m in Love,
I’m in Love, I’m in Love,
I’m in Love, I’m in Love,
Accidentally (X 2)

Come on, come on
Spin a little tighter
Come on, come on
And the world’s a little brighter
Come on, come on
Just get yourself inside her

Love …I’m in love



Come to think of it, bakit kaya ganito ang theme song ng show? Sa dulo kaya ay magkaka-inlaban sila? O magkaka-inlaban sila pero hindi rin magwo-work out, kasi mas gusto nila ang “bestfriend relationship” nilang dalawa?

Isa rin itong “matter” na pinag-aawayan namin ni Soulmate. Sa kanya, okay lang na magka-inlaban silang dalawa, mas okay pa nga daw kasi magdadagdag ng “kilig factor” sa show. Ako naman, ayoko, kasi made-defeat ng scenario na yon ang purpose kung bakit “bestfriends” ang title ng show, thus making the show less interesting na kasi iba na ang story na kinukwento nito, dapat ay “lovers” na ang maging title ng show.

Whatever the outcome may be, nawa’y tanggapin ng isa’t isa ng maluwag.

A realization suddenly comes to mind. Marami na kasing nakakapagsabi (well, not actually, si Dio pa lang ata…) na para raw kaming si William at si Abby nitong aking Soulmate. From all points of comparison, medyo hawig nga si William&Abby kay JM&Belette.

Kaya naman eto ang pumasok sa aking malikot na isipan: Sa bagong layout ni Soulmate, naka-theme ito ng “Bestfriends”, with matching “Accidentally in Love” sa background. Weeks ago, gumawa ako ng Photo-Play na sabi ni Dio eh mukha raw opening billboard ng Bestfriends. Siya rin ang nagsabi na para kaming si William at si Abby. Hmmm… ano na lang ang kulang? May music, may video, may scenarios… Aha!!! Opening Credits!!!

Si Dio rin mismo ang nagsabi na kung makukunan lang daw kaming nagkukulitan sa isang parte ng parke malapit sa dagat, para na talaga kaming si William at Abby and we’ll have a run with their money already! Sabi ko sa sarili ko, bakit hindi?! Bakit hindi kami gumawa ng mala-”MUSIC VIDEO” ala Bestfriends? Hmmm…

I can see it now… si Jav ang magiging director slash scriptwriter slash production manager ng shoot. Hahanap kami ng medyo hawig na place among Roxas Boulevard or Baywalk. Tapos, si Dio ang mag-e-edit nung video, putting all his Video-Editing prowess into good use. Haaaayy… anyone open for the idea? Natutuwa daw ako.

Wala lang. ^_^

Comments 8 Comments »

Pinanganak akong may nunal sa kaliwang paa.

Pilit ko mang tanggalin o dukutin ang nasabing markang wari’y nagpapapangit ng aking magandang paa, hindi maaari. Ako’y stuck sa paang may pangit na marka sa may bandang kaliwa.

Ayon sa pamahiing Pilipino, ang taong may nunal sa kanan man o kaliwang paa ay mahilig maglakad. Sa maniwala kayo’t sa hindi, ako ay isang “living testimony” na totoo ang pamahiing ito.

Oo, mahilig akong maglakad. Bata pa lamang ako ay naglalakad na’ko. Kung saan-saan ako nagpupunta, kahit hindi ko naman alam ang aking patutunguhan. Hinahayaan ko ang aking sarili na dalhin ng aking dalawang makapangyarihang paa, ang susunod naming adventure ay di ko alam.

Ano nga ba ang meron sa paglalakad? Bakit ako masyadong nahuhumaling sa paglalakad?

Maraming tao ang nayayamot kapag naglalakad nang malayo. Kesyo sumasakit ang paa, kesyo hinihingal, kesyo hindi trip maglakad. Kaya naman buong buhay ko, naglalakad ako nang mag-isa. Kasi, wala akong makitang katuwang ko na makapagtitiis na maglakad nang ganoong kalalayong distansya, kasama ako, kahit wala naman talaga kaming patutunguhan.

Isa lamang ang satisfaction na nakukuha ko sa paglalakad. Bukod sa beneficial ito sa aking pagpayat, natutulungan ako nitong makapag-isip. Makapag-reflect. Makapag-muni-muni. Oo, sa pamamagitan ng paglalakad, dahil wala naman akong ibang makausap o makita, nag-iisip ako.

Minsan, kung may problema ako, naglalakad ako. Ine-evaluate ko lahat ng mga nangyayari kung bakit ako nagkaproblema, at sinusubukan kong isipan ng solusyon ang mga iyon.

Minsan, kung may gusto akong bilhin, naglalakad ako. Kasi, alam ko naman sa loob-loob ko na hindi ko kayang bilhin yon, kaya ginagawa ko ang literal na “daydreaming”. Pagkatapos non, wala na. Hindi ko na sya gustong bilhin. Parang na-”consume” ko na sya sa aking paglalakad.

Minsan, kung tuwang-tuwa ako, naglalakad ako. Kapag gusto kong mag-sight-seeing, o di kaya’y mag-window-shopping. Simpleng mga bagay na pagtingin sa billboard o pakikipaglaro sa pusakal, natutuwa na ako.

Ilang summer vacations ang nakalipas, may madalas kaming ginagawa ng dati kong bespren na si Ivory. Madalas, dadaanan nya ako sa bahay, tapos maglalakad kami sa buong barangay, mag-uusap lang kami tungkol sa kung anu-ano. Sa isip-isip ko, sya na kaya ang hinahanap kong katuwang sa paglalakad?

Hindi pala. Short-lived ang aming walking escapades. Summer lang sya nag-last, dahil, syempre, hindi naman namin magagawa yon ng pasukan kasi sobrang busy kami.

Miyerkules ng hapon, tinext ako ng aking soulmate, magkita daw kami. Sabi ko sa sarili ko, “Ah! Eto na yung chance ko. Eto na yung chance ko na i-prove ko sa aking soulmate slash bestfriend yung sinabi ko sa kanya na *doublequote*Haaay… how I wish I could always be there for you whenever you need me… gaya ni William at ni Abby*closedoublequote*.” Kaya naman dali-dali akong nagtanong ng plano, ng venue, at ng oras, para mapuntahan sya at makapag-usap kami, dahil mukhang may problema siya.

Nagkita kami sa Starbucks Araneta Center. Nag-usap-usap kami sa mga bagay-bagay, pati na rin mga problema. Lumipat kami ng Taco Bell upang makapag-usap pa lalo. Doon ko na naramdaman ang tunay na saya, kasi nagawa ko, na-prove ko, na I will always be there for her whenever she needs me.

Medyo gumagabi na kaya kailangan nang maghiwalay. Kapwa kami tumakas lang mula sa aming mga magulang, mga saliwa ang paalam. Hinatid ko sya sa sakayan ng jeep. Dumaan kami sa gilid ng Araneta Center, at doon kapwa naghawak ang aming mga kamay. Natuwa ako. Actually, I was elated. Di ko na maalala nung huling beses na ginawa ko ‘yon, yung exactly ganun talaga, kasama ang isa sa mga taong pinakamamahal ko sa aking buhay.

*KAZOOOMM!!!* Biglang may nag-ingay. Nasira ang moment. Sino ang nag-ingay? Si Kitchie. May nakita kaming poster nya na may concert sya (With Rivermaya entitled “Same Ground” sa Araneta Coliseum sa April 16. I don’t know the ticket prices but who wants to come with me?! :D ). Ako namang Kitchie Fan, *uhurmobesseduhurm*, tuwang-tuwa at pinutol ko panandalian ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Tinitigan ko ang poster ng concert with much *obsession* and delight.

Sa lahat ng pinagseselosan nitong Bestfriend ko, etong si Ate Kitchie ko ang pinakamatindi. Ahehe… kaya ayun, nagtampo panandalian, kaya’t binalik ko na lang ang hawak ko sa kamay niya, at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

Natuwa ako. Para kaming dalawang batang naglalakad nang magkahawak ang kamay. Kapwa makulit, kapwa bangag, kapwa may topak, pero anong paki nila? Dalawa kaming may paki sa isa’t isa, at yun na lamang ang naging importante sa mga panahong iyon.

Tuwang-tuwa talaga ako. May kasama akong maglakad, at magkahawak pa kapwa aming mga kamay. Ang sarap ng feeling!

Nang makarating na sa sakayan ng jeep, hindi lamang naghawak ang aming mga kamay. Niyakap ko siya, at niyakap niya ako, isa sa mga unang beses kong ginawa iyon. Ang sarap na naman ng feeling. Matapos naming magyakapan, sumigaw ang tadhana. Kailangan nang maghiwalay. Hanggang sa muli, aking matalik na kaibigan!

Ngunit hindi diyan nagsisimula at nagtatapos ang kuwento ng aking paglalakad, sapagka’t matapos ko syang ihatid, tsaka pa lamang nagsimula ang aking adventure.

Maaari akong sumakay ng MRT, o di kaya’y ng Bus, ngunit dahil likas sa akin ang maglakad, pinili kong maglakad. Oo, maglakad, mula Cubao hanggang Starmall. Cubao… Starmall. Bahala na lang kayong mag-isip kung gaano kahaba ang nilakad ko, at kung gaano ko katagal tinahak ang nasabing daan.

Nakakapagod, oo, pero binigyan ako nito ng sense of fulfillment. Bakit? Kasi parang may na-achieve ako na isang bagay na never kong ma-imagine na magagawa ko, pero ayun, nagawa ko pa rin.

Sinabi ko sa aking soulmate ang ginawa ko. Expected ko na ang magalit siya. Pero hindi. Hindi lang siya nagalit, nag-hysterical pa! At nag-guilt trip pa! Hinding hindi ko alam ang gagawin ko, parang naiiinis na ako kasi nagkakaganoon sya. Hindi ko maatim na umiiyak siya dahil sa ginawa kong yon, at ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkakaganoon.

Sabi ko sa sarili ko, “Ah! Mga babae talaga… hindi ko maintindihan!”

Sabi nila, “It takes one to know one.” Kinausap ako ni Ate Gail (na may bagong layout) tungkol sa problema ngang iyon. At dahil sa pag-uusap naming iyon, lubusan kong naintindihan kung bakit nagkakaganoon ang soulmate ko.

Hindi pala galit ang tawag don. Concern. Concern pala… itatak mo yan sa noo mo, JM!

Maya-maya pa, nalaman ko rin mula sa kanya mismo kung bakit siya nagkaganoon:

“D nmn kta pnpgilan e.pro sna sa ssn0d, isama m0 nman ako.mnsn msrp dn mglakad na may ksma.kht d nguusp bst mgkahawak ang kmay hbang ngllkad sa kahabaan ng edsa.”
*cue for “Ang Huling El Bimbo” in the background*

Wow. Yun pala yon. Gusto niya, kasama ko siya sa bawat lakad ko sa aking buhay. Gusto niya siya ang aking katuwang sa pagbagtas sa mapanganib na mga daan. Gusto niya, kasama ko siya, kahit kailan, kahit saan, kahit sa EDSA pa man yan. ü

So, sabihin mo sa akin, gaano kasarap maglakad?

Mag-isa? Masarap.

May kasama? Abot-langit ang ligaya! ^_^ ü

Comments 6 Comments »

Magulo ang mundo. May kinalaman kaya ito sa pagkamatay ni Kuya Jess bukas? Hmmm…

*May bagong layout sina Jav at Ate Gail. Puntahan nyo sila, dali!

*May bagong problema si JM at ang kanyang Soulmate.

*Maraming problema si JM.

*At ang huli, Maraming problema si JM.

BOW. Buti na lang Holy Week… makakapag-reflect pa ko kahit papaano… Haaayyy…

Comments 40 Comments »

Huhaha! Maraming Trip these past few days, kaso ayoko silang ikwento ng walang mga pictures, so eto na lang ang mga recap:

*Starbucks Sessions with Khen, Ron and Mico

*Gala with the YUPPEACE People

*Grad Ball

Masaya sana kung may pictures, so until wala pa, wala muna!

Andito ako kina Khen ngaun, overnight kami… trip lang, last na eh! :p

Comments 11 Comments »

Isa akong Glorietta Baby.

Bata pa lang ako, madalas nang tambayan ng aking ‘rents at ng aking mga chikititam na kapatid ang Glorietta. Madalas kami do’n, sa mga palaruan, syempre! At sa fountain… at dun sa activity center! Tapos kakain sa jollibee.

Kahapon, nanggaling ulit ako’ng Glorietta. Una, kasama ko si Mico at Khen, kasabay namin ang mom ni Mico. Kain kami sa Superbowl with his dad, then nagliwaliw at uminom ng kape sa starbucks. Umuwi agad si Mico, habang si Khen naman ay sinamahan kong mamili ng kanyang sapatos. (Khen, lipad tayo! Hehehe… ü)

Matapos kong ihatid si Khen sa MRT Ayala Terminal, nagliwaliw muna ako sa National Bookstore. May kikitain pa kasi ako sa Starbucks 6750, mga YUPPEACE. Eh since ala pang 10pm, ang aming designated time of meetup, bili muna ako ng bagong book ni Bob Ong, ang Alamat ng Gubat. Binasa ko siya habang naghihintay sa Starbucks, at talagang nakakaaliw itong basahin, parang freestyle na ewan. Hehe…

Makalipas ang maraming minuto, dumating na ang Ate Kate at Kuya Luis. Sosyal ang lola mo, nagpasundo pa! Pero syempre hindi na ako makahirit kasi ililibre ako ng kape eh! Hehe… nagliwaliw muli kami sa loob ng Glorietta, SALE kasi. Makalipas ang ilan pang mahahabang minuto ng lakaran, bumalik na kami sa Starbucks upang kitain naman ang ibang YUPPEACE.

Andon si Ate Avic, Ate Gail, Kuya Bong, Kuya Jovan, at marami pang iba… (kunwari) Binili ako ni Manang Kate ng VENTI na Caramel Frappe, at naubos ko sya, grabe! Buti nga’t nakatulog pa’ko pagkatapos non…

Ayun, kuwento-kuwentuhan. Maya-maya pa, dumating si Mang Gary at Aling Alona. Tapos kuwento pa lalo, hangang mga ala-una na ng umaga kelangan nang umalis ni Mang Gary. Kami namang mga ka-bagets-an, tumambay muna sa Ayala Park at nag-co-cology. Hehe… Atsaka nag-photo trip! Grabe… andami naming nakuhang mga trip na shots, ang kukuleeeetttt!!!

Realizations:

*Bata+Nakakatanda=Corruption of Young Mind. (Hehehehe peace)

*Malakas mang-trip ang mga taong pressured ata sa work… ahehehe…

*Kung ano-ano ang pumapasok sa utak ng mga tao tuwing dis-oras ng gabi

*Masarap kasama at ka-kuwentuhan ang mga YUPPEACE!

Hehe… yun lang po, looking forward sa next VENTI Caramel Frappe, Ate Kate! Wehehehehe…

Comments 2 Comments »

Graduation practices started last Wednesday, with not much of stress to think about anymore. The real stress, however, is seeing that headhamster order us to sit down and stand up in front. I can’t really imagine how she got to be the headhamster of the graduation… She irritates me a lot, and she’s not even my teacher!

Let’s put aside that sit down and stand up thing, redundancy at its finest. What I look forward to each day is the gimik we’re having every end of the practice with my classmates. A day before we went to Mega, then yesterday we went to Mico’s place. Tonight, we’ll be going to Glorietta, and next week we’ll be sleeping over at Khen’s place.

Great. There’s a new motivation to come to school… Gimiks! Ahehehe…

Now, off to device a plan to wipe that HeadHamster off the face of this planet once and for all… ü

Comments No Comments »

O mga kiddies, let’s do visual games muna! Baka nabo-bore na kayo sa kadadada ko dito eh… ehehehe…

Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
Muli, ako’y malayo pa sa pag-abot ng pangarap kong magka-IrDA Data Suite, so salamat kay Abe dahil na-transfer ko ang mga pics na ito sa PC…

Next week, mag-open na’ko ng bank account (BPI Express Credit Cash) para hindi ko na malikot ang mga maiimpok ko, di tulad sa wallet na kapag impulse, pwedeng makakuha ng pera! Ang gagawin ko, ipapatago ko sa isang friend ko ang card para hindi ako makapag-withdraw! Tapos kapag mga naka-5000 ek ek na ako, then dun pwede nang magpaka-rich! Go JM! :p

Comments 10 Comments »