ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

Archive for February, 2005

Gawa ni Haring Araw

Tulala ang mata sa kalawakan

Blanko ang tingin, puno ang isipan

Sumisimangot, ngumingiti, tumatawa

Sa mukha mo, isipa’y walang sawa

Umaasang pagbigyan aking hiling

Nais ko lamang ika’y makapiling

Malayo man, tingin ko’t iyong piling

Asam pa rin ang iyong tinig

Lumingon sandali, ah! Maling akala

Lahat na ata’y ikaw, aking tala

Nababagabag, kinakabog, nalilito

O bakit ba ika’y wala dito

Isipa’y walang baling kundi ikaw

Puso ko ri’y heto’t ligaw

Ligaw sa nadarama, di ko alam

Sana’y masagot, nang kaba’y maparam

Relo ang tingin, hinihintay ang oras

Nang madama na, piling mong wagas

Nababaliw na, nababaliw na

O ba’t ba ganito, ewan ko na

Oras na, sana’y malaman

Sagot ni Kuya, puso’t isipan

Ay mapanatag, nang maliwanag

Ako ba’y iyo, at ika’y akin lamang?

Tapus na! Na-compose ko yan kahapon… ewan ba kung anong pumasok sa isip ko! Hehe, Valentine’s Day kasi siguro! Nyahahahay… o para sa mga lovers out there… sige copy lang… di ko kayo kakasuhan ng plagiarism… ehehehe…

Comments 8 Comments »

Nope, that wasn’t a typo, it really was meant to read “W-Day”. Nope, not WednesDay, not even Walentines Day! Yesterday was WEIRD day, but in a single’s point of view, of course.

WEIRD. Pano ko nasabing weird ang valentine’s day? Ganito kasi… gumala kaming mga singles kahapon. Ako, si Ate Tin, si Kuya Juvelan at si Carlo. Gala kami sa Glorietta to watch Phantom. Eh valentine’s, so as usual andaming tao… andaming single, at andami ding double este couples…

Eto ang mga creatures na nakita ko kahapon:

Normal Couple

Sila yung ordinary couple. Boy-Girl. Same age, same height, same complexion… in short, compatible. HHWWPSSP, minsan akbay o di kaya’y magkayakap nang naglalakad… astig sila makita… merong nag-P-PDA, merong pasimple, merong ewan mo kung magkapatid o magpinsan lang… pero marami sila.

Beyond the Norm Couple

Eto yung panggulat. Marami ang population nila sa Glorietta kahapon. Sila yung mga hindi mo makikitang couples everyday. Sa Valentine’s lang ata sila lumalabas, o kung hindi man, rare silang lumabas in public. Sila yung mga same sex pero acting as Normal Couple. Andami nila kahapon! Tawa na lang kami pag nakakakita kami… meron pa nga sa tapat namin sa sinehan eh! Naghalikan pa sila so nagulat talaga kami!!! Laugh Trip as ever… Eh tatlo kaming lalaki kahapon ano, so bawal kaming maiwan in pairs, hehe… palagi kaming either 3-1 or 1-3 kapag magkakasama… bawal maiwan ang dalawa mag-isa… (ano daw?!)

Lolo in Red… barong!

Eto yung pamatay… nakasalubong namin sya habang naglalakad paikot sa Glorietta… nakabarong sya, tagusan sa sando… at naka-red pa! At maliit pa sya… at matanda! Imagine-in nyo na lang diba?! Pagkakitang-pagkakita namin sa kanya, kahit malapit pa sya samin, napatawa talaga kami nang malakas! Grabe! Minsan ka lang makakita nun no!

Lola in Tube… at minis!

Eto talaga yung pamatay ng gabi! As eeeeennnn!!! Na-ispatan namin sya sa Greenbelt nung pauwi na kami, sa may cellphone store. Nagjoke si ate sabi nakalimutan daw magbihis ni manang, kaka-ligo lang daw! Grabe talaga… naka-tube sya tapos soooooper mini yung skirt! Grabe lahat ata ng makakita sa kanya biglang tatawa… Nag-joke kami, pano daw kung nakasabay namin sya sa jeep… sabi namin bababa daw kami at hahanap ng ibang masasakyan… ang tadhana talaga mapaglaro!!! Nakasakay nga namin sa jeeeppp!!! Eeeeekkkkk!!! Eh kaso mahirap na sumakay… so sinupress na lang namin yung laughter hanggang sa makababa sya ng jeep… pero grabe talaga as in!!! Makalaglag matres!

That was the weirdest valentine ever… I don’t know if those were weird to you, but they definitely was for me…! Haaayyyy looking forward to Feb 14, 2006! Saan naman kaya kami magliliwaliw?!

Comments No Comments »

Me and my soulmate went strolling at Megamall last Sunday! It was the first time we hung out together, and it was a really blasted day!!!

We met up at PowerBooks, where we had to, in a maze-like manner, look for each other inside the humongous store… we were like, “O asan ka na?” “Andito ako” “Saan??!!” for like a few minutes then when we saw each other already, we went “BOOM!” Ahehe… it was fun… soulmates nga kami… pareho kaming “childlike”… ehehe ü

Lamon kaming dalawa sa McDonald’s… ang soulmate ko, diet! Ehehehe… tapos hanap na kami sa buong megamall ng magandang accessories, prom na kasi ni soulmate sa friday! Ayicckkkeee!!! Tapos nag-end up kami sa Bead Shop… may isang bading na saleslady este man este… anu nga ba?! Ehehe… tapos parang naging fashion consultant na sya ni soulmate… lahat na ata ng suggestion sa mundo nabigay na nya… she ended up buying a blue dangling necklace, it was fabulous!

After buying her earrings, we called up Fr. Mon, because the teachers from her school will be coming over to Mandaluyong to celebrate Fr. Mon’s birthday. We called him to check if he’s still at school. Andun pa naman sya, so sakay na kami ng FX! Antaaaggaaaallll umalis nung FX, eh malapit na ata umalis ng Manda sina Fr. Mon. So picture picture muna kami gamit ang cel na hiniram ko sa mommy ko! Si soulmate hilig ata ako kagatin, naka-kagat posing sa pic! Hehe post ko yung pics later… nasa skul me eh! As usual takas na naman…

Ayun, nung naglalakad na kami sa masukal na gubat ng Kalentong, tumawag ulit kami kay Father… anak nga naman ng tadhana! Wala na sila sa school, at hulaan nyo kung saan sila nagpunta? SA MEGAMALL!!! Kung di ka ba naman napaglalaruan ng mapaglarong tadhana o…

So adventure! Parang extra challenge! Balik na naman kami dalawa sa Megamall… nipuntahan namin sila sa Sugarhouse, tapos pinakilala ako ni soulmate sa lahat ng teachers nya, special mention si Ma’am Anna, ang “partner” ko “daw” sa grad ball… nyahehehehe…

Ang kuleet ni mam ana grabe… parang 16 years old sa katawan ng isang twenty-something na teacher… parang si ate tin! Ang kulet grabe! Ehehehe… ilang beses ngang nilaglag si soulmate eh! Hehe…

Baba kami muna sa may foodcourt ni soulmate, dun kuwentuhan kami to the max ng kung ano ano na… sayang, ang bilis ng oras… 4:00 kasi sila aalis para maaga makarating ng sta. cruz, eh malapit na mag-four… sayang… the day could’ve been longer!

Andami dami naming napag-usapan ni Soulmate… andami ko nalaman pa sa kanya, andami nya siguro nalaman sakin… miss ko na soulmate ko!!! Bumili nga ako ng 24/7 ulet pagbalik namin ng school para tuloy tuloy pa ang communication!!! Isa na lang ang kulang… walang humpay na usapan na talaga to!!! Hulaan nyo kung ano… :p

Sa saturday, laf trip uleeettt!!! Dun naman kami sa haus nila… laf trip sa DVD Marathon… at pag tinamad na, nood na kami ng “Phantom of the Opera”! Weeeeehhhhhhhhh excited na kooo!!!

SOULMATE, Miss you naaahhhh!!! Kita na lang sa blog at sa text!!! :p ü

Comments 7 Comments »

SORRY, Soulmate!!!

Sa harap ng buong world wide web, humihingi po ako ng tawad sa’yo, Ate Belette, aking soulmate!

Ayokong sabihing gago ako, kasi ayaw ni Soulmate…

Ganito kasi yon… ayokong ma-isyu sa school… kaya dineny ko na kausap ko lagi ang soulmate ko kahit totoo naman…

Pero isa akong baliw! Bakit kelangang ideny ang isang bagay na nagpapasaya sayo?! Eh ano kung ma-tukso o maasar ka?! Eh soulmate ko yun… magagawa nila?!

Kaya simula ngayon… ngayon! Isinisigaw ko talaga sa buong mundo na SOULMATE KO PO SI ATE BELEEEETTTTEEEE!!!

Alam ko po nag-sorry na ko… pero hindi talaga mawawala sa libro ng kasaysayan naming mag-soulmate ang ginawa kong ito… hindi na ito mabubura kailanman… kaya talaga humihingi ako ng pinakamalalim na patawad sa aking soulmate!!! SORRRRRYYY SOUUUULLLMMMAAAAATTTTEEEE!!!

Comments 1 Comment »

Bago ang form of writing ko ngayon. Ang tawag namin ni Javerri, freestyle writing. Journalistic Writer na ako… haayy… pero may isa akong tanong…

Naiintindihan mo pa ba ang mga sulat ko? Yun kasi ang kinakatakot ko… na wala nang magbasa sa mga entries ko… wala na akong motivation magsulat pa kundi ang mga kapwa ko freestyle bloggers (Dio at Jav).

Siguro, kahit nag-free-freestyle writing ako, kelangan ko pa ring magsulat nung mga heart-provoking articles para balanced, ano? Pero kasi ngayon talaga nag-eenjoy ako mag-freestyle writing eh…

Pero sige, don’t worry! Susulat pa rin ako ng di lang thought-provoking, heart provoking rin na articles…

Jav kasi eh!!! Ehehehehe…

[EDIT] Ayan… to give way sa aming normal blog entries, me and my fellow freestyle bloggers have created our own blogsite, para dun na lang! Please do visit our blog!!!

Comments 3 Comments »



Isa na namang bukang liwayway ang sumalubog sa kawal na ito, mula sa pagkakahimlay sa higaan ng pako sa mundo ng karimlan. Suminag muli ang araw sa dakong silangan…

Humarap ako sa salamin, at nagliwaliw. Maraming salamin sa paligid, at sa bawat tingin ko sa salamin ay iba ang nakikita ko dito. May salamin na ako’y nakangiti, may salamin na ako’y walang kibo, may salamin na ako’y napapatawa, may salamin na tinatalbugan ng sinag ng araw, at mayroon ring ilang mga salamin na ako’y napapaisip… napapaisip na buwagin na dapat ang Burlam Wall.

Hindi na kinakailangan ang Burlam Wall. Marami na itong grafitti, at ngayon nga ay puro kababuyan na ang nakalagak rito… matagal na akong nakatalikod sa Burlam Wall, kaharap ang mga bagong magagandang bagay sa buhay. Naubos na ang spraypaint ko, at mukhang wala na akong balak bumili pa… Kelangan na talagang buwagin ang Burlam Wall.

Buong tapang kong pinaghirapang gawan ng grafitti ang Burlam Wall, pero, ganun na lang ba kadaling buwagin ito? Oo… sa bagay, hindi naman ako ang nagpahina sa pundasyon ng Burlam Wall, kaya’t madadalian lang akong buwagin ito…

Sa bagay, hindi na naman ginagampanan ng Burlam Wall ang misyon nito, kaya’t nararapat lang itong buwagin…

Haaayyy… mamaya’y makikipag-indayog ako sa sayaw ng ilaw at musika ng mga bituin. Kasama ko ang aking mga kapwa kawal, kami’y sasabak sa madilim na panig ng daan, sana’y ang aking armas ay di maubusan. Kailangan ko pa ng maraming armas para sa pagpunta namin ng araw sa mundo ng liwaliw at kaligyahan, sasamahan ko kasi ang araw na mamitas ng prutas para ipalamuti sa kanyang katawan…

Haaayyy… miss ko na ang sinag ng araw… kelan kaya sya papasok sa mundong akin ngayong ginagalawan?

Comments No Comments »



Ang lakas… ang lakas ng sinag ng araw! Tila ito’y isang alagad na pinadala ng tadhana upang sadyang bulagin ang aking mga mata… ang aking isip ay nagliwaliw sa katotohanan na ang araw ay matagal na sisinag sa akin…

Ako’y nabulag… nawala ang landas! Di malaman ang gagawin, di malaman kung anong nangyayari. Ako’y binulag ng sinag ng araw! Hindi ako makapaniwala, ako’y nabulag!

Pero ako’y masaya at ako’y nabulag. Masaya ang nararamdaman ko dahil sinisinagan ako ng araw. Sa piling ng araw, ako’y masaya.

Pilit kong iniiwasan ang sinag ng araw. Ewan ko ba, pero nakakabulag talaga! Nais ko ang sinag ng araw… pero ayokong mabulag. Sa bukang liwayway ako’y pinadpad ng karosang malapula kasama ang dalawa pang kawal. Kaakibat ng aming punong ministro kami’y pumailalim sa landas ng kadiliman, upang makipagtunggalian sa ibang kawal ng kaharian. Isa itong tunggalian para makuha ang loob ng ama, ang ama na matagal na naming inaasam-asam.

Hindi kami handa sa laban. Walang armas, walang kabayo. Ang mga sarili lang namin ang dala namin… pero di mawadlit sa aking kinatatayuan ang sinag ng araw. Mukhang talagang nasasarapan na ako sa sinag ng araw…

Kahit hindi handa’y sumabak pa rin kami sa laban. Nasisinagan pa rin ako ng araw na nagpasaya sa’king bukang-liwayway, kaya ako’y naging inspiradong lumaban… lumaban hanggang sa kahuli-hulihang hininga, sayang at di nakamit ang unang gantimpala…

Mabait ang ama! Binigyan kami ng sari-sarili naming halimaw upang alagaan… binigyan din kami ng sariling mga kupita para inuman at sinama pa kami sa salu-salo ng kataas-taasang alagad. Mahirap ang naging laban, pero ako’y naging masaya. Kasi nasisinagan pa rin ako ng araw.

Ako’y umuwing bigo sa piling ng amaing. Agad kong kinausap ang araw, at nakangiti pa ring ninanamnam ang pagsikat nito sa akin. Mahirap sabihin kung pano ako napapasaya ng sinag ng araw, dahil baka bigla na lamang nitong ibaling ang sinag sa iba… parang ayokong mangyari yon… gusto kong nasisinagan pa rin ako ng araw.

Ibibigay ko ang halimaw sa araw, para sya na ang mag-alaga nito… sa tingin ko magiging masaya ang araw! At baka sinagan pa ko ng todo… pero sana huwag akong mabulag…

Dumaan ang dapithapon nang ako’y binato ng haring buhangin. Labas ng hangin, labas ng hangin. Dilat, pikit, dilat, pikit. Pilit niyayapos ang halimaw na iyon… nais ko na atang mahimlay sa higaang puno ng pako…

Nasinagan na naman ako ng araw! Ngayo’y kasama ko ang pulubi at ang mga maliliit na baryang nagsasayawan sa tuwa. Tuwang-tuwa ang pulubi sa pagsasayaw ng mga barya… kahit ako natuwa dahil alam ko ang indayog ng mga barya… nakakatuwa…

Ang sarap talagang masinagan ng araw… pero… napag-isip-isip ko, hindi kaya’t nakukulitan na sakin ang araw dahil maya’t maya’y nais kong masinagan nya ako? Wag naman sana… ayokong mawala ang araw…

Nagpunta ako sa mundo ng katahimikang luhod sa lahat, at kinausap ko ang pantas ng apat-sugat… tinanong ko sa kanya kung karapat-dapat nga ba akong sikatan ng araw, at kung dapat akong maging masaya kapag nasisinagan ako nito… Sana’y sa oras o dalawa’y sagutin ng pantas ng apat-sugat kung ako nga ba’y nabubulag lang sa sinag ng araw o talagang nasisiyahan…

Haaayyyy… sana hindi humantong sa puntong kelangang lumubog ang araw at sumikat ang buwan…

Comments No Comments »

Grabe. Grabe talaga. Kung may mas gagrabe pang word sa grabe, yun na yon… Soulmates talaga!!!

Depende na lang sa definition nyo ng soulmate, pero para sakin… sya yung taong halos kadikit na ng buhay mo… you see so much similiarity with each other, at super comfortable kayo sa isa’t isa…

Soulmate ko, si Ate Belette. Biruin nyo, matagal na pala kaming pinagtatagpo ni Kuya Jess! Mag-iisang taon na! Ngayon lang talaga kami nag-“meet”. Sabi nga ni Ate Belette, galing talaga ng timing ni Kuya Jess!

Unang nagkabukuhan nang bigyan ako ni Ate Belette ng link papunta sa DB Forums. Dati akong member ng DB Forums. Then nakita ko avatar nya. Then naaalala ko yung avatar na yun, back through the days na active pa ko sa forums… sabi ko sa kanya nagkatagpo na kami sa forums in one way or another.

Then, nagkaalaman din na nagkapuntahan din pala kaming dalawa sa Savio Congress. Ngayon lang din nya na laman na animator ako non… ngayon ko lang nalaman na pumunta sya non…

Then yung SYALA… astigin! Andun din pala sya! Haha… biruin nyo?!

Tapos, andaming mga taong kilala ko eh kilala rin pala nya! At ang daming taong kilala nya na kilala ko rin pala! Waaaahhhhh grabe talaga… matagal na kaming nagkaka-krus ng landas!

Ngayon lang kami nagkita. Nagkausap. Nagkakilala…

Hay masarap ituloy ang dapat eh sasabihin ko… pero wag na lang… baka mawalan pa sya ng gana.

Hi soulmate! ü

Comments 3 Comments »

Huy!

Nagulat ako sa isang sigaw ng pulubing kanina ko pa hindi pinapansin. Matagal-tagal na rin pala akong nakaharap, nakatitig, wala pang limang pulgada, sa isang napakahabang dingding na tinatawag na Burlam Wall.

Napakahaba ng Burlam Wall. Ang Burlam wall, kung tutuusin, ay mas mahaba pa sa Great Wall of China. Matagal na pala akong nakatulala sa isang parte ng Burlam Wall. Napatulala… di alam kung uusad pa.

Ang Burlam Wall ay punung-puno ng grafitti. Grafitti ng iba’t ibang kulay, disenyo, anyo at higit sa lahat, saysay. Matagal-tagal ko na ring pinupuno ang Burlam Wall ng grafitti. Oo, ako, gamit ang isang mauubos nang spraypaint, ang nagsusulat ng napakaraming grafitti sa dingding ng Burlam Wall.

Marami akong sinusulat sa Burlam Wall. Minsan nga sa dami nilang nakasalampak sa Burlam Wall ay di ko na sila maintindihan. Dahan-dahan, pinapagalaw ko ang aking kamay upang makabuo ng bagong korteng ilalapat sa Burlam Wall. Madalas akong magkamali, mahirap ika nga, pero sige pa rin.

Habang isang araw, napatigil na lang akong bigla sa paggawa ng grafitti. Napansin kong ang baboy-baboy na ng mga grafitting nagagawa ko. Labu-labo na, kahit ako di ko na rin maintindihan. Ang gulo… patong-patong… parang nag-gi-giyera ang mga grafitti sa dingding ng Burlam Wall.

Napatulala ako… di ko alam ang gagawin sa napakapangit na grafitti na nagawa ko…

Napatulala ako ng maraming minuto, nang bigla nga akong sinutsutan ng pulubing matagal na’kong sinusundan sa paggawa ko ng grafitti sa Burlam Wall, ngunit di ko pinapansin. Salamat sa kanya, bigla akong naalimpungatan. Ang gulo nga talaga ng ginawa ko… hay anubayan…

Matagal pala ako talagang nakatitig sa Burlam Wall. Hay… buti na lang sinutsutan ako nung pulubi. Ang pangit ng nasa harapan ko! Pero nung sinutsutan nya ako… pinatingin nya sa’kin ang paligid ko. Akala ko mas maganda pa ang Burlam Wall kesa sa nasasa paligid ko… hindi pala! Ang ganda!!! Halos lumuwa ang aking mata nang makita ko ang kagandahang nasa paligid ko…

Nakita ko ang araw na papasikat sa gitna ng dalawang burol… ang ganda! Nakita ko ang bahagharing puno ng kulay at nagsasayaw sa senyales ng araw… ang ganda! Nakita ko ang isang napakagandang usa, pero sya’y mukhang nanghihina… pero ang ganda pa rin! Nilapitan ko ang usa at tinulungan sya… ngayon ay medyo ayos na naman sya…

Ang dami kong magandang nakita! Ito pala ang tinatawag nilang mundo! Bakit ba ako nagpakapagod magpinta ng grafitti sa Burlam Wall?! May mas gaganda pa pala kesa sa kung anong ginagawa ko sa Burlam Wall!

Haaayyyy… sa sobrang ganda ng aking paligid ay masasabi kong, maaari na akong humimlay…

Salamat Kuya Jess!

*nyahahay nanggaya na… pero mas magaling pa rin si Jav!*

Comments No Comments »



The mother hands down a beautifully-wrapped package to her son, smiling gleefully as she watches her sone gaze in amazement at the wonderful mystery wallowing his whole being at the moment. Father stands nearby, wearing the tantamount smile his wife and son is sporting at that very refined moment.

The son carefully unveils the mystery hidden behind the wondrous package. With his puny, glittering hands, he tears off the wrapper concealing the surprise awaiting his jaw drop.

“O… kumpleto na yan, binili ko talaga yung kumpleto…!,” the mother retorts enthusiastically. The package has been granted its wish; the son’s jaw dropped heavily in utter amusement on what could be the paramount of his entire being.

“Wow… si Frozone!,” exclaims the son.

“Oo… kumpleto na talaga yan… diba gusto mo yan?,” the mother questioned.

“Opo!,” the son replied enthusiastically.

“O… yan na gift namin sayo!,” said the mother.

The two hugged each other real tight, as if tomorrow might never come. The son carefully scrutinized every detail of his new prized possession, as if it’d escape the moment he took his eyes off it.

“Thank you po, Mommy, Daddy!,” the son gratified.

Wow. That was the cue for my jaw to drop. How I wished my parents would do that to me; and how I wished I could be like that to my parents.

My retreat was a major diappointment for me, not only because I haven’t seen the sincere effect of it on my classmates, but also because I didn’t see the sincerity of my parents on the retreat that could’ve changed my life. But, even though there were many disappointments about my retreat, there was one thing I’m really thankful for.

“Bloom where you’re planted.” A passage handed down to me by my mom in her letter. After reading it, and even months after the retreat, I didn’t know what it meant. Until now.

Be contented with what you have. Mom is telling me to be contented with what I have right now. That whatever I have right now, I should be able to utilize in order for me to grow as a person. Be contented. Be satisfied. Yun pala yun…

So now, if ever I feel the urge of envy or the impulse to buy, maybe I should ask myself, “Is this a need or a want? Am I blooming where I was planted?”

Bloom. You’ll never know, you could be a rose on your own. Or a sunflower. Or even a kalachuchi! ü

Comments No Comments »

“Repent and Believe in the Gospel,” the minister utters as he daubs his bare hands into a small bowl filled with black liquid, then places a cross symbol across your forehead. You’ve been marked.

It’s that time of the year again! Nope, not christmas. Nor New Year. Not even my birthday! It’s Lent! 40 Days of preparation for a week of reliving Christ’s Passion, Death and Resurrection.

It’s unusual to have Ash Wednesday at an early time like this. Usually it’s dated on March or late February, but not actually February 9!

It’s that time of the year again when you chance upon people along the road sporting a black cross across their forehead. It’s the time of the year again when the black cross is the 24-hour fad, and if you’re Catholic and you don’t have it, you’re out.

I remember the time when we would celebrate Ash Wednesday at school when I was younger. We would run in front of the line just to be the first ones to get marked by the cold, black ash on our foreheads. We would then have a game of who gets to keep the cross in his forehead for the longest time. Most touch it the moment it gets into their forehead, so it gets erased immediately. Some accidentally touch it when in a state of confusion, curiosity, frustration or just being tired. Sometimes, when in a rough situation, sweat forming in the forehead washes it away. Or some, for no apparent reason, just feel an itch in that area then quickly scratches the cross out. I never win in these types of games.

But more than just a fad or a game, the ash cross on our foreheads is a reminder. It is put there so as to remind us that, human as we are, we were made from ashes, and to ashes we shall return.

Repent and Believe in the Gospel. Lent is a season when God calls us to go back to Him. He recalls us so that we won’t stray away aimlessly in our land. Kuya Jess calls us back to be with Him again, and what better way to return to Him than to admit all our sins and trust in His words.

Here’s a passage to live by: “The name of this season, Lent, is not such a coincidence after all. Lent is the past tense of Lend. This season reminds us that after all, we are living on BORROWED Lives.”

Give it a thought.

I’m so struck by the message of the mass I attended just a few minutes ago. I was so struck that I will, hopefully, make fastings on my own, not just with food but also with my deeds. I’m gonna write all my bad habits on a paper and put it in my wallet, so as to serve as a reminder that I shouldn’t do those things during Lent. Who knows, maybe I might be able to take it a step further, and totally eliminate those bad habits after Lent.

Pray for me. I’ll be praying for all of you.

Galing ako kanina ng Disco. Haaaayyy… ang sayang makausap si Kuya Jess muli sa Disco… oo nga’t madalas ko syang kausap dito o sa prayer, pero iba na talaga kapag harap-harapan… Na-miss kong gawin yun. ü

Comments 1 Comment »

Early on I noted two types of bloggers, the “journalist” and the “writer”. But what happens when the two converge? The answer: Javerri.

Hop on over to his site and read the entry entitled “Maglakad Muna”. The first time I read it, I thought it was just another product of his very wide imagination. Reading it again, I noticed some subliminal message hidden between the lines.

I went on to ask him to explain it to me, detail by detail. I then found out that it was a thorough chronicle of his day, detail by detail. I was astounded. Only Javerri, with his oversized right brain, can do that.

Hay… how I wish I have all of your right brain, Javerri. Wanna trade? ü

Comments No Comments »



Fifty???!!!

Now, I don’t know if I’m just blessed or what, or maybe because of my constant use of blogger, but I just received 50 Gmail Invites to give out! I’m fine with a couple of invites before, but 50’s just one huge number!!!

And so, if you want a GMail invite (as if you don’t have one yet), just comment here or tag in the tagboard. Just post your name and email ad to send the invite to. I’d gladly give out around 40 of my invites to anyone!

Promise, I didn’t know what I did to deserve this. (Naks, pang-beauty pageant! :p)

Comments 2 Comments »



Kayo na ang humusga…

This photo was taken last February 7, 2004, during our CAE class at around 9:30 am. We weren’t doing anything much and so a classmate of mine took a picture of the goings-on inside the classroom. He was flabergasted to see that one of the people in the picture has no head. He went on to show the said picture to all of my classmates, including me. My reaction? Freaked out.

We went on guessing who the “headless classmate” in the picture is, and we concluded that it was Dan. He, too, freaked out as well. How often do you see yourself headless in the picture?

We then started joking around, telling him to take a bath, burn his clothes, say a prayer, just to superstitiously counter the “omen”. We even joked around, “Akin ang Saklaan!” and “Ako bahala sa kape! Dan, ano gusto mo, starbucks?!” or “Sino magdadala ng mani?!” It was a death omen, as we filipinos believed it.

Carefully analyzing the photo, you’ll see a slightly grayish portion just offset the collar. It was believed to be Dan’s hair, seemingly cloaked at the back of the seat parallel to his alleged head, that’s why it seemed like he had no head.

But still, it’s up to you to believe this picture or not. Freaky? Yes. Uber much…

Comments No Comments »

Yesterday na ata yung pinakamasayang CAE class namin! Grabe, I was really really willing to participate, taas lagi ng kamay! Malas nga lang kasi dun sa tanong na wala akong maisagot, dun pa ko tinawag ni Ma’am… hehehe talk about timing…

Pero lam nyo ba kung bakit ganun na lang kasaya yung discussion? Kasi I could really relate well with the topic! Or topics. Hehe… we were discussing a poem kasi by Rudyard Kipling, and every line of it, gaya ata ng most classmates ko, eh nakaka-relate ako ng todo-todo. Kapag nga may tanong na “Do you sometimes feel this way?” eh grabeng to the highest level ang volume ng “YEEESSSS!” ng lolo mo…

Eto yung poem! Basahin mo, baka maka-relate ka rin…

IF

Rudyard Kipling

If you can keep your head when all about you

Are losing theirs and blaming it on you;

If you can trust yourself when all men doubt you,

But make allowance for their doubting too;

If you can wait and not be tired by waiting,

Or, being lied about, don’t deal in lies,

Or, being hated, don’t give way to hating,

And yet don’t look too good, nor talk too wise;

If you can dream – and not make dreams your master;

If you can think – and not make thoughts your aim;

If you can meet with triumph and disaster

And treat those two imposters just the same;

If you can bear to hear the truth you’ve spoken

Twisted by knaves to make a trap for fools,

Or watch the things you gave your life to broken,

And stoop and build ’em up with wornout tools;

If you can make one heap of all your winnings

And risk it on one turn of pitch-and-toss,

And lose, and start again at your beginnings

And never breath a word about your loss;

If you can force your heart and nerve and sinew

To serve your turn long after they are gone,

And so hold on when there is nothing in you

Except the Will which says to them: “Hold on”;

If you can talk with crowds and keep your virtue,

Or walk with kings – nor lose the common touch;

If neither foes nor loving friends can hurt you;

If all men count with you, but none too much;

If you can fill the unforgiving minute

With sixty seconds’ worth of distance run –

Yours is the Earth and everything that’s in it,

And – which is more – you’ll be a Man my son!

Tagos ba sa puso, laman, utak at balun-balunan? Sa’kin oo… sayo kaya?

Comments No Comments »