ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

“May the Lord you serve in time come and save you!” Daniel 6:16

Yan ay mga katagang nakasulat sa isang maliit na papel na kinuha ko mula sa isang parang “wishing well” ng mga quoatations sa Shepherd’s Staff Bookstore sa Greenbelt. Just In Time ang heading na nakalagay. Tamang-tama, kasi muntik na akong ma-late non, pero I was JUST IN TIME para makita si Ate Kitchie ko. Ang weird nga lang, kasi tatlo kaming kumuha ng mga quotations, then later on nalaman ko na kelangan palang ibalik yung mga kinuhang quotations. Sila naibalik nila, ako naitakas ko na. Hehehe…

Pero ewan ko ba kung tadhana nga bang masasabi, pero parang ginusto ni Kuya Jess na mapasaakin yung piece of paper na yon para paalalahanan ako, na darating sya at sasalbahin nya ko. Frankly speaking, ilang beses na nya akong sinalba. Ibig sabihin lang kelangan ko pa syang pagsilbihang mabuti.

Kahapon, nagpunta ako sa bahay ni Soulmate! Grabe adventure itong gimik naming ito, parang Extra Challenge! Layo kasi ng bahay nya eh, sa Proj. 4 pa, pero go pa rin! Ahehehe…

Nagkita kami sa GoNuts Donuts, bili muna ako ng donuts don. Dala ko na yung Sun Sim na nibili ko for her, nawala kasi yung Sun Sim nya. Nagpunta na kami sa bahay nila, at nagkuwentuhan nang walang humpay.

Ang kulit talaga ng soulmate ko. Ilang beses akong inaasar! Grabe talo talaga ako dun kapag nang-aasar. Sa sobrang pang-aasar nya nasira tuloy yung antenna ni Poring Doll! Ahehehe ayan kasi ang likot. Tapos kumain kami ng Beef Steak ni mommy!!! Ang saraaappp grabe. Astigiiin, lasap na lasap ang calamansi! Nyahehehe…

Nood ulit kami ng TV. And then biglang may nakita yung dad nya. Guess what? Yung nawawala nyang Sun Sim!!! Ay naknambuhay… ehehehe… pero binigay na lang nya yon sa dad nya, kasi astigin yung number nung binigay ko sa kanya, easy to memorize! ü

Tapos surf-surf kami ng internet for a while… Wala kami masyado pics kasi kinuha ni dad nya yung digicam. Pero nakakuha ako ng grad pic ni soulmate!!! Ahehehe… after mag-net nood nood TV na naman, then she prepared her clothes kasi nood kami ng movie. Nung iniintay ko sya, nakatulog ako sa sofa nila. Grabe kahiya.

Mga 30 minutes daw ako nakatulog, ayon sa aking soulmate. Nagising ako sa mga tabig-tabig nya at ISANG MALAKING KAGAT SA BRASO! Ahehe… oo, soulmate, naramdaman ko yun! :p Nung nagising ako, parang may biglang nawalang parte sa utak ko. Parang may memory na parang nawala bigla. Yung panaginip ko ata. Mukhang masaya ako dun sa panaginip. Hindi ko alam kung ano nangyari, kung sino nandoon at kung ano ang meron. Hindi ko na matandaan gano man kahirap kong subukan. Ang alam ko, masaya yung panaginip, kasi alam ko ata kung sino ang nandon… :)

So nagpunta na kami ng gateway mall. Si soulmate, kinukulit pa rin ako na pumunta na nga daw ako sa Grad Ball. Ako, di ko pa rin alam. May tatlo pa ring factors ang nag-hi-hinder sa’kin nung mga panahon na yon kaya ayaw ko pumunta ng Grad Ball: (a) Irrational ang tingin ko sa Grad Ball; (b) Kelangan pa ng Approval ni Mommy; (c) Wala pa akong partner. That night, na-slash off na ang (b), pumayag na si mommy. Talon sa tuwa si soulmate! Sinobrahan pa ang kulit. Pero may dalawa pa ring problema. Haaayyy… mamaya, sana isa na lang ang problema… ^_^

So ayun, bili na kami ng tix for Phantom of the Opera. Gusto ko ulit panoorin para mas malinawan pa’ko, atsaka nakatulog ako sa bandang dulo non. After buying tickets, kain muna kami sa Taco Bell ng Nachos. Medyo na-late kami sa movie layo kasi ng Taco Bell sa movie house. Pero nonetheless, nag-enjoy ako ng todo sa movie. Haaayyyy… yun ata ang pinakamagandang point: yung movie. Di ko makalimutan grabe.

Si soulmate, half of the movie atang tulog. Masisisi ko ba sya eh mahigit isang araw na syang gising, so pinatulog ko na. Pero sa bandang dulo gising na naman sya… hehehehe

Umuwi ulit kami sa bahay ni Soulmate to eat dinner. Ang super sarap na beef steak ulit nii mommy! Hehe… tapos, surf surf kami sa internet. Astigin nga yung YM ni Soulmate eh! Ehehehe online kaming dalawa ni Soulmate at the same time! O, san ka pa?

Tuloy pa rin ang pang-aasar ni Soulmate sakin tungkol sa Grad Ball. Pilit akong niyayaya na mag-practice sumayaw, sabi ko di ako marunong sumayaw. Eh sinabi nya ata kay Ate Tin, binuking ba naman na animator ako! Hehe… nawala ata sa isipan ni soulmate… so ayun super yaya sya na magsayaw kami… kaso ayoko talaga… :p

So surf surf ulit, then may isang nag-YM sakin. Si Mico. Dala nya ang isang mensaheng makapagbabago sa buhay ko, buhay ng parents ko, buhay namin ni soulmate at buhay ng sambayanang Pilipino! Okay. Joke lang yung huli, pero grabe talaga yung news.

Ang siste eh nagpunta daw ang mommy ni Mico sa UP to check the results of the UPCAT. And guess what?! Pasado AKO!!! According to him! Grabe I hope I can verify the information… kelan ba lalabas ang Online results???!!! Grabe tuwang tuwa kami ni Soulmate muntik ko na syang maisayaw!!! Ehehe pero indi natuloy kaya nagtampo si Soulmate… nyahehehe…

So tuloy kami ng surf. May nag-message ulit sakin. Si Dio naman. Pinag-usapan namin yung freestyle ko. Tapos bigla nyang naitype ang isang meaning nung isang code ko. Yung araw. Ni-reveal nya, sa harap ni soulmate, kung sino si araw. BOOM! Biglang nagtatalon sa tuwa si soulmate. Nalaman nyang sya si araw. Bigla nyang naging instant friend si Dio at muntik na silang magkampi para asarin ako. Buti na lang hindi natuloy. Kay soulmate pa nga lang talo na ako eh… ^_^

Okay lang kako. Yun lang naman ang alam ni Soulmate. Bahala na sya mag-interpret sa iba. Ahehehe…

Then nagkuwentuhan ulit kami ni Soulmate. Kinuwento ko sa kanya yung bagay na nagpayurak ng puso ko nitong nakaraang buwan. Ewan ko kung ano pumasok sa isip nya… bigla syang naging tuliro. Dala ng pagkaantok o dala ng sinabi ko? Ewan… sana i-explain sakin ni soulmate mamaya…

9:20pm na. Kelangan ko nang umuwi. Masakit, pero kelangan na kaming maghiwalay, baka kasi di ko na maabutan ang MRT. Hinatid ako ni Soulmate sa sakayan ng Jeep. Buti na lang mabilis mag-drive ang driver. Baba sa Ali Mall, lakad past through around 4 malls pa. Ang layo pala. Akyat ng hagdan ng cubao station. Narinig ko ang mensaheng ayaw ko sanang marinig.

“LAST TRAIN NA!” Takbo ako ng super bilis. Muntikang mangyari ang kinatatakutan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko pag di ko naabutan ang tren na yon. Takbo ako pataas para maabutan ang tren. Whew. Pawis na pawis ako. Napaisip ako: sinalba na naman ako ni Kuya Jess. I’m JUST IN TIME. Galeng.

Safe naman akong nakauwi, fortunately. Di na kami nakapagtext ni soulmate, natulog na ata sya eh. Pero sana nga maglogin sya mamaya… miss ko na sya. Marami pa kaming pag-uusapan.

Ang dami ko talagang kelangang ipagpasalamat kay Kuya Jess. Kuya Jess, lahat po ng nangyari kahapon, Kayo po ang may gawa. Ang galing Nyo! Lahat nag-complement into place… lahat perfectly done! Kahapon yung summit ng buhay ko… ang saya-saya po! Pwede na’kong mamatay… Joke Lang! :p


4 Responses to “Just In Time”
  1. Anonymous says:

    hey.. i just wanted to ask.. is “Kuya Jess” tagalog term for Jesus? just curious cuz i’ve been hearing about it..

  2. Dio says:

    uuuuyyy… ang sweeeeet
    nagkakagatan na sila! :D

    anyways… sorry talaga dun sa interpretations…

  3. Ryann Mance says:
  4. como mudar o nome no facebook says:

    An attention-grabbing discussion is value comment. I believe that it’s best to write extra on this topic, it won’t be a taboo topic but usually persons are not enough to speak on such topics. To the next. Cheers

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>