ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

Gawa ni Haring Araw

Asahan mo nga ba’ng mangyari ‘to

Tugmaan ang buhay at pagkakataon

Enero ay biglang naging Pebrero

Bilis ng oras, ano nga ba’ng meron?

Eh pa’no nga bang nagkaganoon?

Ligaw na isipa’y nagkagalito

Espesyal na buhay ako ay meron

TEugma nga ata sa buhay mong ito!

Tingnan ang guhit ng palad mong ito

Ewan ko’t pareho ‘ata tayo

Sisihin ang Diyos sa hiwagang ito

Oo nga’t salamat sa’Yo!

Umaga’y kay ganda, nakita ko na

Liwasang kadikit ng aking buhay

Mistula ‘atang hiwalay ay ‘di na

Aking habambuhay ang tanging alay

Totoo, ‘di na mababago ito

Eto na’t nasa harapan ko

Kadikit-bituka, puso isip, buhay

Oo nga’t ako’y masayang tunay!

Ang nabasa nyong tula ay gawa ko dahil bored na bored na ako sa Physics Class namin. Wala kasi kaming teacher… alay ko yan sa aking soulmate, si Ate Belette! Ehehe… hanapin nyo na lang ang secret code! :p


One Response to “Kadikit ng Buhay”
  1. belette says:

    nyahahahahaha! aba’y akalain mong may secret code pala yan! grabe ka soulmate! napakatalentado mo talaga! hehe…

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>