ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

Naghahanap. Yun ako nung mga panahong di ako mapalagay, dahil wala akong karamay kundi Ikaw. Ikaw na nagbigay ng buhay Mo para sa ikasisiya ko… binigay Mo na nga ang buhay Mo para sa’kin, heto pa’t binibiyayaan Mo ‘ko ng kung anu-ano pang mga blessings. Bakit ganun Mo ‘ko kamahal, kahit na ilang beses na Kitang pinagtaksilan? Ilang beses na ‘kong nagkasala sa’Yo? Ilang beses na Kitang iniwan? Bakit Mo ‘ko mahal?

Tsaka Mo na sagutin… pag nagkita na tayo… baka dun malaman ko…

Pero gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako sa’Yo. Kasi, naghahanap nga ako non… at tinulungan Mo akong maghanap… maghanap ng karamay sa buhay, ng matatakbuhan, ng masasandalan, ng sasalo…

Parati akong iniiwan non. Iniiwan ng mga taong minamahal ko… either aalis, di mamamansin, o basta kakalimutan ka na lang na parang di kayo nagkakilala. Masakit ang maiwanan… lahat man binigay mo, parang nauwi rin sa wala…

Pero ngayon, nagpapasalamat ako… salamat at binigay Mo ang tatlong babaeng pinakamamahal ko sa buhay ko…

Nanghingi ako ng Bespren noon… yung magiging bespren ako sa kanya at magiging bespren sya sakin…

Si Soulmate Belette

Hindi sinasadyang sinadya ng pagkakataon. Magulo? Soulmates kami nitong si Ate Belette… para talaga kaming kinuha mula sa isang kaluluwa at hinati sa dalawa. Maraming mga pangyayari sa
buhay namin ang pareho, gaya na nga lang ng pag-iwan ng mga kaibigan namin sa’min. Oo naman, meron rin kaming mga pagkakaiba. Pero sabi nga ni Soulmate, we complement each other. Kung ano ang kulang ng isa, pinupunan ng isa. Kung ano ang meron ang isa, binibigay sa kulang ng isa.

Hindi sadya ang panahon na nagkakilala kami ni Soulmate Belette. Lubusan kaming nagkakilala dahil sa isang pangyayaring talagang yumurak sa puso nya. Nung mga panahong yon, papa-recover pa lang ako sa isa ring pangyayaring yumurak naman ng puso ko. Ang galing ano? Nagkakilala kami sa isang panahong parehong yurak ang mga puso namin… at nagtulungan kaming buuin uli ang puso ng
isa’t isa…

Napag-alaman din naming matagal na kaming pinagtatagpo ng tadhana. Maraming mga events at lugar ang pareho naming pinuntahan, pero hindi kami talagang nag-meet. Ewan ko kung talagang pineprepare lang kami ni Kuya Jess, pero right timing talaga, sabi nga ni soulmate, ang panahong nagkakilala kami.

Simula non, parang di na kumpleto ang araw kapag di kami nagkakausap. Salamat sa SUN at sa 24/7 nito kasi kung wala yon, wala kaming means of communication. Eh ang layo pa naman namin sa isa’t isa, sa Sta. Cruz, Laguna pa sya nakatira! So very essential talaga ang communication…

Wala akong ngiti sa mukha ngayon kundi dahil kay Ate Belette… sya talaga ang isa sa mga pinakasweeeeeet na taong nakilala ko! Hindi pumapalyang mangamusta at mag-text, kahit na medyo nakukulitan na ata sya sakin…

“Buti naman hinayaan nako ng tadhana na maging masaya. Isang tunay na kaibigan lang naman ang hanap ko. Binigay na sakin ang hiling ko.” -Soulmate Belette (in one of her text messages).

Si Soulmate Belette yung bespren ko na kung saan naging bespren ako sa kanya, kahit, ilang beses nang nangyari sakin to, di ko naman sinasadya. At syempre, naging lubusang bespren din sya sakin!

Si Bespren Tintin

Bago kami nagkakilala ni Soulmate, andyan si Ate Tin. Nagkakilala kami sa Birthday Party ng mahal nya. Kuwela, palabiro at palaging nagpapatawa itong si Ate Tin! Pero kapag seryoso ka naman, seryoso din sya. Marunong syang maki-level, at andami ko nang natutunan sa kanya!

Si Ate Tin palaging tama. Hindi pa sya nagkakamali sa mga probable advice na binibigay nya sakin… never pang pumalya! Napapailing na lang ako kapag nagkakatotoo yung sinasabi ni Ate,
sabi ko tama na naman sya! May pagka-fortune teller eh ano?!

Thankful ako kasi dumating din si Ate Tin sa panahong yurak na yurak ang puso ko. Binigyan nyang linaw ang problema ko, at kung hindi dahil sa kanya, hindi ako ang JM ngayon. In short, partly, utang ko sa kanya ang buhay ko. Kung hindi nya ako sinamahan nung gabing iyon, marahil ngayon di nyo na ko kapiling… di ko na makikilala yung soulmate ko… wala na’ko…

Taken for granted ko si Ate Tin noon, inaamin ko yan! Pero sya, hindi sya tumigil na maging tunay na kaibigan sakin. Noon, akala ko si Ate Tin eh yung common lang na type ng friend na okay lang mawala ka sa kanya at mawala sya sayo. Pero hindi pala… to be treasured itong taong to! Hindi dapat mawalan ng lugar sa puso… Tunay talaga syang kaibigan!

Si Bespren Tintin yung bespren ko na kung saan naging bespren sya sakin. Hindi nya ako iniwan nung kinailangan ko ng bespren, at hanggang ngayon ay ganun pa din sya. At syempre, nagiging lubusang bespren rin ako sa kanya!

Si Mommy Lenie

Maikli lang ang sasabihin ko… marami na kaming pinagsamahan ni mommy, syempre, mommy ko sya eh! Pero lahat ng ‘yon, masa-sum up sa isang pahayag lamang: “Si Mommy ang buhay ko!”

KUYA JESS, nagpapasalamat po ako’t minahal Nyo ko… di ko man alam kung pano Nyo natutunan mahalin ang isang nakakapandiring creature na tulad ko, pero salamat pa rin po. Kung hindi dahil sa Inyo, wala ang tatlong babaeng ito na nagpapasaya sa bawat araw ko. Salamat, Kuya Jess, salamat, at sana… sana talaga! Ay Forever na ito!

I LOVE YOU KUYA JESS, SOULMATE BELETTE, BESPREN TINTIN AT MOMMY LENIE!!! You’re all MY LIFE and MY INSPIRATION! ü

Para sa inyong apat, heto ang isang awiting buong puso kong iniaalay…

FIRST BELIEVED
by Hoku

How many times did I pray
You’d find me
How many wishes on a star
Gazing off into the dark
Dreaming I’d see your face
Safe at home unafraid
Captured in your embrace

So many times
When my heart was broken
Visions of you
Would keep me strong
You were with me all along
Guiding my every step
You are all that I am
And I’ll never forget

It was you who first believed
In all that I was made to be
It was you looking in my eyes
You held my hand
And showed me life
And I’ve never been the same
Since you first believed

There were times
When I’d thought I’d lost you
Fearing forever was a dream
But it wasn’t what it seemed
Placing your hand in mine
You could see in the dark
You were guiding my heart

It was you who first believed
In all that I was made to be
It was you looking in my eyes
You held my hand
And you showed me life
And I’ve never been the same
Since you first believed

How many times did I pray
You’d find me
How many wishes on a star


Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>