ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

Isang bukas na sulat para kay JM:

Kaibigang JM,

Haaayyy… bakit ba likas sa isang tao ang maging selfish? Bakit ba pinanganak tayong nakasarado ang kamay sa mundo at tanggap nang tanggap ng kung anumang binibigay sayo… bakit ba likas tayong madamot?

Ang lahat ng kasalanan sa mundo ay nag-uugat sa pagiging makasarili ng isang tao. Naiinggit ka dahil gusto mo meron KA ng kung anumang meron ang kapwa mo. Mayabang ka kasi feeling mo IKAW na ang pinakamagandang nilikha ng Diyos. Bastos ka dahil gusto mo ng sarap para sa SARILI MO. Tamad ka kasi gusto MONG makapagpahinga. Galit ka kasi sinaktan KA ng kapwa mo, at gusto MONG makaganti. Matakaw ka kasi gusto mo lahat ng pagkain sa mundo ay SAYO. At ang epitome ng lahat, gahaman ka dahil gusto MO lahat ng bagay ay SAYO.

Ang Seven Capital Sins. Lahat sila nag-ugat sa pagiging makasarili ng tao sa mundo. Lahat ng mga kasalanan sa ilalim nila ay pagiging makasarili rin ang kinauugatan.

Pero alam mo ba kung san ka dadalhin ng pagiging makasarili mo? Dadalhin ka nyan sa mundong ikaw ang lumikha, at ikaw lang rin ang nakatira. Sa madaling salita, mag-iisa ka. Dahil sa sobrang pagnanais mong lahat ay sa iyo, lahat nga ay iyo, pero ang mga tao sa paligid mo, wala na rin. Ikaw na lang, mag-isa, gaya ng ninanais mo.

Hay JM, minsan kasi iisipin mo na hindi lang ikaw ang anak ng Diyos. Ibigay mo ang sarili mo sa iba. Ang pagiging masaya sa mga materyal na bagay sa mundo ay panandalian lamang, at hindi ka dadalhin nyan sa langit na inaasam-asam mo sa katapusan. Sa halip, ibigay mo ang buhay mo para sa iba, baka dun mas makita mo pa ang higit na kasayahan, sa mundo at sa taas na kung saan ka maaaring mapunta.

Bakit mo kelangang mainggit sa biyaya ng iba? Binigyan ka na nga ni Kuya Jess ng isang milyon at isang dahilan para makuntento sa kung anong meron ka, bakit kelangan pang hamakin ang kung anong binigay sa iba?

Minsan kasi iisipin mo, anak din sila ng Diyos, hindi lang ikaw. Mahal ka ng Diyos, alam mo yan! Eh bakit nagpapakasira ka ng ulo dahil hindi mo nakuha ang ISANG BAGAY lang na hindi mo naman lubos na ikasasaya?

Marami kang biyaya, JM. Tingnan mo ang buhay mo. Ginagabayan ka ni Kuya Jess, na palaging kaakay mo saan ka man naroroon. Hindi ka pa ba masaya na binigay Nya ang buhay Nya para sayo?

JM… sinalba ka nya mula sa pagkakalunod… ngayon, patunayan mong ang buhay na sinalba Nya’y kasalba-salba.

Isang nagamahal na kaibigan,

JM



Minsan stress-relieving din ang kausapin ang sarili mo… Try mo! Baka nga mas okay pa kausap ang sarili mo kesa kausap mo ang bespren mo… mas maliliwanagan ka at masasabi mo nang buong buo ang lahat ng nasa damdamin mo, walang restrictions sa kung ano man ang maaaring maramdaman ng pinagsasabihan mo, kasi ikaw rin yon. Bahala ka na kung hahayaan mo ang sarili mong masaktan sa mga bagay na ikaw rin naman ang gumawa.

Whew. Sarap! Try mo, dali!!! Now nah…


One Response to “Maging masaya ka… para sa iba!”
  1. Sergio Bramham says:

    Usually I do not read post on blogs, but I would like to say that this write-up very forced me to try and do it! Your writing style has been surprised me. Thanks, very nice article.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>