ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

Dadating ang panahon, kelangan na nating ibahin ang ibig sabihin ng “childhood”. Dadating din ang panahon na mawawala na sa ating mga bokabularyo ang temang “second childhood”.

Bakit kanyo?

Baliktad na kasi ang mundo. Ang mga sanggol eh pinapanganak nang may utak ng isang bente anyos na mama. Ang mga katorse anyos na bata eh nagkakaanak at nag-aasawa na. Ang average na edad na ng pagkamatay eh disi-otso anyos.

Pag suwerte ka nama’t nakalampas ka ng disi-otso’t buhay ka pa, immature ka naman. Trenta anyos ka nga pero kung umakto ka sa mga problema mo sa buhay eh parang limang taong gulang na batang naglulupasay sa sahig. Pagtungtong mo ng singkwenta’y hinahanap-hanap mo ang mga simpleng bagay sa buhay na makapagpapatuwa sa iyo, gaya ng kung pano ito pinpapatawa ang mga sanggol. Pagdating mo ng otsenta, kung di ka gumagapang ay di ka na halos makagalaw.

Bakit hindi natin ibalik sa ayos ang mundo?

Bakit hindi gaya noon, ang mga bata eh masayang naglalaro sa kalye ng piko o tumbang preso? Bakit hindi ang pinakasikat na mga kanta eh “Monkey, Monkey Anabelle” o di kaya’y “Langit Lupa Impyerno”? Bakit hindi ang oras ng pag-uwi sa bahay eh alas singko ng hapon (dahil malapit na magsimula ang sheider, masked rider black o power rangers)? Bakit ba tayo nagmamadali tumanda?

Bakit ang mga matatanda eh gusto ulit bumata? Bakit nami-miss nilang maglaro sa kalye? Bakit sila pilit nagpapamukhang mas bata? Bakit mas gusto nila ang mga simpleng bagay sa buhay?

Bakit gusto ng matatandang bumata muli?

Ang sagot: oras.

Masyadong mabilis ang oras. Ang oras ay nagbibigay sa’tin ng kasiyahan. Pero mabilis mawala ang oras, kaya gusto natin ito ibalik.

Pero sa pagmamadali nating tumanda, diba’t tayo rin ang gustong mgapabilis ng oras? Eh bakit mo gugustuhing bumilis ang isang bagay na nakakapagpasaya sayo? Diba’t “panandaliang aliw” ang labas non? Tapos kapag nakuha mo na ang “panandaliang aliw” mo eh hahanap-hanapin mo naman ang mga oras na hindi mo ginustong bumilis ang oras.

Eh gago ka pala eh! Bakit ba tayo nagmamadali tumanda? Pwede naman nating i-enjoy ang pagkabata! Sure, maraming perks ang pagiging matanda, pero can’t we not wait until we get there? Bakit hindi pwedeng makuntento tayo sa simpleng panonood ng TV, cartoons man o balita, o di kaya’y pag-gala sa mall with the barkada? Bakit tayo nagmamadaling makuha ang mga bagay ngayon na alam naman nating makukuha din natin sa takdang panahon?

Ang mga kabataan talaga… selfish… makasarili… self-centered… sakim…

…nagmamadali.


Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>