For A Change…

By JM | January 27, 2005

What if, for a change, problemahin ko muna ang mga problema ko bago ko problemahin ang problema ng iba?

Ano kaya mangyayari? Malaking problema kaya ang kailangan ko pang problemahin kapag pinroblema ko muna ang problema ko bago ko problemahin ang problema na pinoproblema ng iba?

O baka naman mas mababawasan pa ang problema kong kelangan kong problemahin kapag pinroblema ko na rin ang mga problemang pinoproblema ng iba?

Bakit ko ba kasi pinoproblema ang mga problemang pinoproblema ng iba? Problemado rin ako at maraming problemang kelangang problemahin, eh bakit ko pa pinoproblema ang mga problemang pinoproblema ng iba?

Ahhh! Maraming problemang kelangang problemahin dito sa ating problemadong mundo.

Ikaw, may problema ka?

No Responses to “For A Change…”

Leave a Comment


WordPress Themes