ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

Nagtatampo ako. Ewan ko kung may karapatan akong magtampo, kasi parang ang babaw naman. ‘Di ko rin alam kung sa tamang tao ako nagtatampo. Ang alam ko parang nagtatampo rin ako sa Diyos. Na ‘di naman dapat.

May vocation overnight kasi sa school. Isang overnight na kung saan ipapaliwanag sa’yo kung ano ba talaga ang bokasyong pagpapari, at kung may “calling” ka ba na tinatawag. Ayon nga sa isang teaser poster ng nasabing overnight, “How do you say NO when you don’t KNOW?”. Di ko rin alam ang mangyayari sa nasabing overnight, palibhasa’y para itong “days” na kelangan mong i-experience para malaman ang talagang dulot nito.

Pasok ang tampo part. Nitong umaga kasi pagkatapos ng Morning Assembly, may mga pinatawag na 4th year students. Anim ang pinatawag sa’min, akala ko pa nga’y tungkol sa film ang pag-uusapan dahil si Fr. Mon ang nagpatawag at wari’y mga leader ng film ang mga napatawag sa’min. So akala ko sa film talaga. Hindi ako kasama sa mga natawag.

Huli na nang malaman ko na tungkol pala sa vocation overnight ang nasabing meeting. Nagpamigay ng mga letters for the parents para ipaalam na sasali sa nasabing overnight ang mga pinatawag sa meeting. Kumbaga, sila ang mga “recommended” na sumama sa overnight, kung sino ang namili ay wala na’kong alam.

Nainis talaga ako sa nakasaad sa sulat:



January 11, 2005

Dear sir/mam,

Peace and blessings!

Because of your son’s leadership qualities, openness, generosity and goodness, your son is invited for an overnight activity together with other Bosconians blah blah blah…



Hindi naman invitational lang ang event dahil mas pinaiigting ang pagvo-volunteer ng students. Kaya lang binibgyan ng invitation ang mga “recommended” dahil nais rin ng mga namamahala na marami ang makasama sa overnight.

Naiinis talaga ako sa mga unang linya ng nasabing sulat. Leadership qualities, OPENNESS, generosity, goodness. Para bang nag-enumerate kaagad ng mga qualities ng mga potential na papasok sa bokasyong pagpapari. Don’t get me wrong, hindi ako nag-sa-sourgraping or nagagalit sa kung sino man ang namiling bigyan ng sulat. Ewan ko rin ba di ko rin alam.

Pagkakitang pagkakita ko sa mga nasabing kataga, para akong pinana ni Green Archer sa puso (promote?!). Parang sinabi ko sa sarili ko, “Kuya Jess, saan ako nagkulang?” O baka naman kako hindi kasi ako masyadong naging visible at high-profile kaya hindi ako masyadong pansin. Pero hindi eh…

Na-realize ko, hindi naman sa sulat o sa invitation tayo tinatawag ni Kuya Jess para maglingkod sa kanya. Oo nga’t hindi ako recommended dahil di siguro masyadong nakita ang mga ginagawa ko, pero di ba’t sabi naman na mas magandang serbisyo ang paglilingkod nang walang nakakakita o makaka-recognize sa ginawa mo, kasi yun talaga ang serbisyong totoong galing sa puso. So kung di man nga nya nakita eh wala na akong pakialam don. Kung sya di nya nakita si Kuya Jess kako alam ko nakita nya. At alam ko din, sa kaila-ilaliman ng aking puso, na ang buhay at bokasyon ko ay para lamang sa Kanya.

Di man ako magpari, at di ko pa man alam ngayon ang magiging takbo ng aking buhay, nag-volunteer pa rin ako para sumama sa nasabing overnight. Tsaka pa lang ako binigyan ng invitation. Baka naman hindi nya nakita ang willingness sa mukha ko? Hmmmmm…

Besides, may personal naman akong invitation galing kay Bro. Mets nung November. Dun pa lang masaya na ko.


6 Responses to “Tampo”
  1. Anonymous says:

    Hey, bro! :) I’m now in the seminary. I know how you feel. When I entered the Bible School I was rejected. They said I was too young, too playful. Pero hindi pa nila ako kilala nun. Okay lahat, even my grades. The Academic Dean even said I was overqualified… just unacceptable. No one signed my entrance paper. I had to gather another set of recommendations from my pastors just to get in. It was very depressing and discouraging, but because I know that the Lord is calling me, I didn’t let them put me off just as easily. I’m now on my second year taking up Bachelor of Theology, and one of their most eager bets.

    Magfasting ka. Pray hard. Try to seek what the Lord wants for your life. Priesthood is a very serious vocation, and I’m sure, priest or not a priest, God will use you mightily. God Bless! -mikks.info

  2. Anonymous says:

    Wag kang magtampo dahil dun. I believe you don’t need recommendations of any kind for you to realize that God has a calling for you in the seminary. I believe also na hindi ka nagkulang sa kahit ano mang kabutihan na maaari mong magawa sa iyong kapwa. Tama ka sa sinabi mo na mas maganda ang serbisyo na walang nakakakita, dahil dito natin talaga naipapakita sa Diyos ang tunay na nasa loob nang ating puso. Ang kailangan mo lamang ay pakinggan ang Kanyang tinig na tumatawag sa iyo – dahil ang Kanyang tinig ay ang “recommendation” Niya para sa iyo.

    God Bless You. ^_^

  3. webmaster tools microsoft says:

    Kudos for posting such a useful weblog. Your weblog isn’t only informative and also extremely artistic too. There usually are very couple of individuals who can write not so simple articles that creatively. Keep up the good work !!

  4. firefox 64 bit vista download says:

    Das ist wie eine große Ressource, die Sie anbieten, und Sie geben es kostenlos weiter. Ich liebe es Websites, die den Wert der Bereitstellung einer Ressource Qualität kostenlos zu verstehen. Es ist die alte What Goes Around Comes Around Routine. Wussten Sie erworben vielen Links und ich sehe viel Trackbacks?

  5. Personnel Polonais says:

    Travailleur Polonais

Trackbacks
  1. Website SEO Services says:

    Grandma Always Said…

    It was my grandmother who regularly said that I should see more blogs like this….

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>