ss_blog_claim=654b82dee1aa57a4f3e3c2ba6aa71943

Hindi ko pa rin ma-get over ang obsession ko kay Ate Kitchie (Ngak! Pano kaya yun eh recently lang naman yan…), kaya’t sa gitna ng milyon-milyong presensya ng ate ko sa aking utak, ako’y nadala ng aking pagmumuni-muni sa isang konklusyon tungkol sa dati kong kinaiinisang bagay.

Marahil nabasa na ninyo ang aking paglalabas ng sama ng loob tungkol sa isang nakalipas na pangyayari. Nasabi ko lahat ng saloobin ko, mga pagkagalit, pagkainis at pagtatampo. Ngunit dahil sa aking malalim na pagmumuni-muni, aking napagtanto na hindi pala ako galit sa mga kaklase ko. Hindi rin ako galit sa mga barkada ko. At lalong lalo nang hindi ako galit sa Diyos. Napagtanto ko na sa isang tao lamang ako galit, at sya ang pinanghugutan ko ng emosyon para sisihin ang lahat ng taong nakapaligid sa akin at kaya ako nagkaroon ng lakas ng loob na isulat ang mga nasasaloobin ko.

Nalaman ko na dahil sa tampo ko sa iisang taong ito, nasisi ko ang lahat ng taong naging kagaya nya, ngunit sa totoo ay galit lamang ako sa kanya, at hindi sa lahat. Galit ako dahil nag-iba na sya, na hindi na sya tulad ng dati. Galit ako na hindi man lang sya naging sensitibo sa kung ano man ang nararamdaman ko, na nawala na ang dating tamis ng pagsasamahan. Galit ako dahil malamig na ang pakikitungo nya sa akin, hindi na tulad dati na pagkatamis tamis ng bawat pag-uusap namin.

Dahil sa galit na ito, nasisi ko ang lahat. Naging mapagsarili ako, dahil hinuhusgahan ko ang kanyang pagbabago sa paraan ng pakikitungo nya sa akin. Paumanhin po.

Wala naman akong magagawa kundi tanggapin lang ang lahat. Tanggap lang nang tanggap, JM, tanggap lang nang tanggap!

Pasensya kung ako’y makata ngayon, mas mailalabas ko ang nais kong matumbok sa wikang katutubo.


Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>